Chapter 19 - Mission Unaccomplished

390 14 0
                                    

“Yuliel, gawin mo na.” utos ni Solange.

Desididong tumango si Yulee at ipinikit niya ang kanyang mga mata, nakapatong ngayon ang kanyang dalawang palad sa tiyanan ni Maritea habang nakaluhood. Sinubukan nila ang suhestiyon ni Nandria nagbabasakaling gagaling si Maritea kung ibalik ang nakaraan niya.

“Teka sandali, si M ata ‘to.”

Hindi nagawa ni Yulee ang kanyang operasyon dahil biglang nagsalita si Nandria. Idinilat niya ang kanyang mga mata at naupo sa lupa, tumango naman si Solange sa pagpaumanhin ng kanyang kapatid.

Pinindot na ni Nandria ang maliit na pulang bilog sa kanyang pulsohan at biglang lumitaw ang imahe ng kanilang prinsipal. Nakaupo lamang ito sa kanyang naturang silya na walang ka-ekspresyong mukha. Tumungo ang dalawa kay Nandria at napaupo ng maayos, lahat sila ngayon ay nakatingin lamang kay M.

“Kamusta kayo dyan?” agad na bungad ng kanilang prinsipal.

“M, mab—“

“Ah ano kasi M—“

“Hindi parin nagigising si Maritea at hindi pa namin nahanap ‘yong babae!” mabilis na sagot ni Nandria, nung napagtanto niya kung ano ang nasabi niya ay parang gusto na lamang siya mawala sa kanilang harapan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya, paniguradong pagagalitan siya ng kanilang prinisipal ngayon.

Napahampas ng mesa ngayon si M at napatayo sa galit. Nagulantang silang tatlo sa reaksyon ng kanilang prinsipal. “Kayong tatlo!” mariing saad ni M sa kanilang tatlo. Ramdam ni Nandria ang pag-akyat ng lahat ng kanyang dugo sa kanyang mukha dahil sa kaba, rinig na rinig niya ang malakas na tambol nito. Maging ang dalawa rin ay kinabahan sa gagawin ni M sa kanila. “Umuwi kayo dito, ngayon din.”

“M, patawad kung—wala na, pinatay na niya.” Mahinang saad ni Yuliel. Bumuntong hininga ang dalaga.

Malungkot na inayos ni Nandria ang kanyang baller at lumapit sa dalawa, sinulyapan niya si Solange na tahimik lamang nakatingin kay Maritea, napakagat labi siya dahil alam niyang galit ang ate niya sa kanyang pagiging madaldal ngayon. Huminga siya ng malalim at pinakalma ang sarili. “Ate—“

“Tara na, umuwi na tayo.” Mahinang saad ni Solange sa kanila at kinuha ang bag ni Maritea.

Napabuntong hininga si Nandria at mahinang tumayo. Lumapit naman sa kanya si Yuliel at inakbayan. “Huwag mong sisihin ang sarili mo.” Ngumiti ng matamis si Yuliel ngunit dismayadong umiling si Nandria sa kanya. “Hindi galit ang ate sa’yo, ano ka ba. Kinakabahan lang ‘yan.” Dagdag pa niya sa kanyang sasabihin.

Ngumiti ng tipid si Nandria, “Salamat Yuliel.” Sensiro niyang saad at kinindatan lamang siya ng dalaga.

Nasa may gate na sila ngayon ng Magus Academy at bitbit nila si Maritea. Nakatayo lamang sila pareho sa gate at kanina pang walang kibo si Solange sa kanilang dalawa. Muling huminga ng malalim si Nandria at hinarap ang kanyang ate, magsasalita na sana siya nang bumukas na ang gate nila.

Muling nadismaya si Nandria ngunit hindi pa rin tumitigil si Yuliel na palakasin ang loob nito.

Pagpasok nila sa Magus Academy, agad nila hinatid si Maritea sa clinic at sinalubong naman sila doon ng mga nurse healer doon. Sinabi nila na sila na ang bahala kay Maritea, pagkapos nun ay dumiretso agad sila sa opisina ni M.

Bagaman sa kanilang paglalakad, napatigil silang tatlo ng may nakita silang isang babae, katamtaman lamang ang taas at laki, mahaba na tuwid na may konting kulot ito na buhok, singkit ang mga mata at maganda ang tawa nito.

“Parang nakita ko na ‘to siya noon e.” wala sa sariling sambit ni Nandria sa kanyang sarili. Nang dahilan ay mapalingon sa kanya si Yuliel.

“Anong ibig mong sabihin, Nandria?” pagtatanong niya.

Magus AcademyWhere stories live. Discover now