Chapter 22 - Her Special Training (Part 3)

336 14 0
                                    

Napasinghap si Venice nang magkalapit silang dalawa ni Lance. Nakatingin lamang ito sa kanya na wala ni kahit anong emosyon na pinapakita.

Napadaing si Venice nang bigla siyang sipain ni Lance mula sa kanyang binti. Natilapon siya sa at ramdam niya ngayon ang pagdampi ng lupa sa kanyang braso at katawan. May naririnig siyang sigaw ngunit hindi niya iyon maiintidihan dahil masyado siyang lutang at tila nilulutang lamang ng kanyang isipan sa utak nang makatingin siya kay Lance.

Anong nangyayari sa kanya?

May kung anong kidlat ang tumama sa bato na malapit lang din sa kanya. Napagulong siya at muling naibalik ang kanyang pag-iisip ngayon. Nakita niyang papalapit si Lance sa kanya, agad naman siyang tumayo at hindi pinansin ang kanyang sugat na natamo.

Ibinuka niya ang kanyang isang palad at agad naman itong nakagawa ng fire ball, itinapon niya iyon patungo kay Lance ngunit nawakli naman iyon agad ng binata habang naglalakad pa rin ito patungo sa kanya.

Napatingin siya sa kanyang kamay, nagtataka siya kung bakit hindi tinablan ang thunder dagger ni Lance sa kanyang fireball? Tumingin muli siya sa binata, nanglaki ang kanyang mga mata nang halos isang metro na ang kanilang pagitan sa isa’t isa.

Agad iwinasiwas ni Lance ang kanyang thunder dagger sa dalaga, ngunit hindi natamaan ito dahil nakagawa agad ng air shield si Venice. Itinulak siya nito palayo at ramdam niya ang ibang klaseng lakas noong naitulak siya nito.

Napakunot ang noo niya, ganito na ba niya minamaliit si Venice? Hindi niya akalain na sa ganoong simpleng tulak nito ay malakas pwersa nito. Mabuti na lamang at agad niyang naiwasan ang atake ni Venice patungo sa kanya. Mabilis niyang hiniwa ng maliit lamang ang kanyang palad at agad sinalo ang dugo sa kanyang dagger. May nabuo itong kidlat sa dagger hanggang sa nagkonekta ito patungo sa kanyang katawan.

Ibinulsa ni Lance ang kanyang thunder dagger at agad itinapat ang kanyang isang palad doon kay Venice.

Iniharang ni Venice ang kanyang sarili gamit ang air shield nito at gumawa muli ng fireball sa isang kamay. Hinagis niya muli ang kanyang fireball patungo kay Lance at sakto namang naghagis din ng kidlat patungo kay Venice. Nagkabanggan ang kanilang kapangayarihan at sumabog ito sa gitna nila.

Parehong natilapon si Venice at Lance nang sumabog iyon. Agad namang tumayo si Venice at sinugod si Lance. Sinipa niya ito sa may tagiliran nang dahilan napahawak si Lance sa sakit. Huminga ng malalim si Lance dahil pakiramdam niya para siyang nahilo nang sipain siya ni Venice. Sumugod din siya sa dalaga at agad inambagan ng suntok patungo sa panga. Nailagan iyon ni Venice at nakuha niya ang kamao ng binata. Sinipa niya ito mula sa likiran ng dahilan upang mapatingkayad sa sakit si Lance.

Binitawan niya ang binata at bahagyang tumalon, ngunit hindi niya magawa ang kanyang sunod na atake dahil agad siyang hinawakan ni Lance sa kanyang pulsohan.

Napasinghap siya, hindi siya makagalaw mula sa kanyang kinatatayuan dahil nakatingin lamang siya sa mga mata ni Lance. Matapang, puno ng determinasyon, ngunit makikita mo rin dito na parang hindi niya gusto ang kanyang ginagawa ngayon. Bakit ganito ang mga nararamdaman ni Venice kay Lance? Bakit parang may iba siyang pakiramdam bukod sa pagtataka nito sa binata?

“Bakit Lance?” iyon lamang ang kanyang nasabi.

“Anong ginagawa mo dito?” matabang nitong tanong sa kanya.

Napakunot ang noo niya. “A-anong ibig mong sabihin?” mahina niyang tanong sa binata.

“Anong pakay mo dito? Bakit ka nandito?”

Umiling si Venice sa tanong ni Lance. “Hindi kita maiintidihan.” Mahina niyang pahayag sa binata.

Iniling ni Lance ang kanyang ulo at biglang itinulak si Venice palayo sa kanya. Napasinghap muli ang dalaga sa nang maitulak siya nito, at nakaramdam siya ng kuryente mula sa kamay niya. Napatingin siya sa kamay kung saan hinawakan iyon ni Lance, napapalibutan na ito ngayon ng maliliit na kidlat sa kanyang kamay patungo sa braso at unti-unting namamanhid na ito ngayon. Napatingin muli siya sa binata, tipid itong napangisi sa kanya ngayon.

Magus AcademyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ