Chapter 17 - She's now a Malumnian (Part 1)

506 14 0
                                    

“Shit! Ba’t ayaw pa rin gumana?” asik ni Li Xia, kanina pa sila paulit-ulit sa kanilang proseso ngunit, ganoon pa rin. Hindi pa rin gumagana ang kanilang spell.

“Eer! You kasi ang gumagawa dyan Li Xia bitch, hindi kaya gagana to you ang curse mo coz bobo you kaya.”maarteng sagot ni Zee na ikinaningkit sa mata ni Li Xia.

“Hinihingi ko ba ang opinyon mo conyo ka?” singhal ni Li Xia

Kaswal na umiling si Zee habang nakayupi ang dalawa niyang braso sa ilalim ng dibdib. “Hindi, pero it’s the truth kaya. Why don’t you just tanggap it nalang?”

“Walang hiya ka!” tatayo na sana si Li Xia upang sugurin si Zee ngunit agad naman siya nahawakan ni Leyana upang pigilan siya nito. Inis niyang nilingon si Leyana dahil sa pagpigil nito.

“Mamaya na ‘yan.” Mahinang sita ni Leyana sa dalawa, inis pa ring nakatingin si Li Xia sa kanya. “Kailangan nating tapusin ito, at para makauwi na tayo.” Mahina niyang saad.

“Eh hindi nga siya gumagana Leyana, wala pa ring silbi!” singit ni Avery na patuloy pa rin sa paghahalo sa kanyang dalawang potion.

“Hindi kaya kasama rin sa pagwala ang mga gayuma ninyo?” sabat din ni Silvrei sa usapan.

Napalingon naman ang tatlong bruha ng masama kay Silvrei. Napaatras naman sa kaba si Silvrei. “Gayuma ka dyan? Bruha ako at hindi albularyo!” sabay nilang saad,

Napakamot na lamang sa ulo si Silvrei at natawa naman ng mahina si Leyana. “Sabi ko nga, pasensya na. He-he!”

Pinaikutan lamang si Silvrei ng mata nilang tatlo at nakahinga ng maluwag doon ang dalaga. Tumingin si Leyana sa bote kung saan doon hinalo ang dalawang potion ni Avery, mataman niya itong tinitingnan pawang may iniisip itong malalim.

“Wala ba kayong spell or curse dyan na pwedeng mabalik samantala ang kapangyarihan ninyong tatlo?” biglang tanong ni Silvrei sa kanila.

Napalingon naman doon si Leyana sa sinabi ni Silvrei, seryoso itong nakatingin sa dalaga. “Iyon din ang iniisip ko ngayon.”

Umiling si Li Xia sa tanong ni Silvrei. “Wala, pero ayun sa pinanggalingan ko, mayroon daw ngunit magkakaroon lang ako ng ganun kapag nakapag-graduate na ako sa Malum.”

“Bakit naman wala?” pagtatanong agad ni Leyana.

“May limit lang din ang kapangyarihan namin.” Sagot naman ni Avery sa tanong ni Leyana.

“Akala ko ba, accelerated kayong tatlo?” Tanong muli ni Leyana sa kanila.

Napaikot ng mata si Zee at iniling ang ulo, tila nababagot siya sa usapan. “Like Duh! Leyana, Yes nga, accelerated kami but hindi totally. Eer you know, si Li Xia ang may kasalanan noon, eer ayoko ng ma-remind yun. Duh, nakaka-inis e! You know?”

Napantig naman ang tainga ni Li Xia sa sinabi ni Zee, tatayu muli sana siya nang pigilan muli siya ni Leyana mula sa kamay. Galit niyang nilingon si Leyana. “Ano ba? Kanina kapa! Bakit mo ba ako pinipigilan?” galit niyang asik sa dalaga.

“Like Duh Li Xia true kaya! Deny-deny ka pa, ang eew lang ha?” singit muli ni Zee.

“Kapag lang talaga makalaya ako dito kay Leyana, patay ka sa akin!” nanggigil na sagot ni Li Xia habang pilit ring pumipiglas sa kamay ni Leyana.

“Totoo ‘yon.” Biglang sagot ni Avery, natahimik naman sila roon. “Mag-a’upgrade sana ang kapangyarihan namin kung hindi sana pinakailaman ni Li Xia ang mahiwagang wanda ng aming ninuno.” Seryoso niyang saad

“E sa na-curious lang ako dun! Bakit ba ako lang sinisisi ninyo? Pati din naman ‘yong babaeng mataba, kinuha niya ‘yong abo roon sa malapit ng jar!” pagdedepensa ni Li Xia sa kanyang sarili.

Magus AcademyWhere stories live. Discover now