Chapter 5 - Sweat it First

1.2K 36 30
                                    

Cae's Pov

"Chiq, paano yan? Wala muna tayong powers ngayon?"

Mahina akong tumango kay Cherri sa tanong niya, ano ba't nakain ni M na tatanggalin talaga ang powers namin? "Wala tayong magagawa."

Bumuntong hininga nalang si Cherri. Yung iba din sobrang dismayado sa nalaman nila. Oh well, sino nga ba ang hindi? Nakakainis lang. Akala ko ba 1 on 1 to?Ba't napunta sa teamwork?

"Magusians."

Lumingon kaming lahat kay M, at hinihintay kung ano ang magiging kasunod niyang sasabihin. "Check your pulse."

Agad ko naman sinunod iyon. "Wow white, favorite color ko pa. Yieee! Ang galing talaga ni M pumili ng kulay."

"May kausap ka Cherri?"

Napatigil naman si Cherri at tinaasan ako ng kilay. "Hmmp, inggit ka lang. Palibhasa kasi yellow ang favorite mong color."

Aba! Ano naman ngayon kung yellow ang gusto kong kulay. Tss, feeling bata din itong si Cherri. "Akala mo naman babalik ka sa pagiging bata mo ang pagkagusto mo sa kulay puti. Hah! Asa ka tanda." asar ko naman sa kanya. Inirapan lang niya ako at nakinig nalang muli kay M.

"Tandaan ang technique sa pagkuha ng weapon niyo ay dapat marunong kayo sa mga diskarte. Wag mainitin ang ulo dahil hindi ka niya lalapitan. Amuhin mo kung maaari."

"Grabe naman ang weapon na yan chiq, ang arte ha?" sabi ko kay Cherri habang pinagmamasdan ko ang Sun Gun ko na lumilipad. Tsk! Mapapasaakin ka rin tiwala lang.

"Oo nga eh, bakit si Yuliel wala? Hindi ba siya kasali dito?"

Nilingon ko naman si Cherri, oo nga wala si Yuliel. Ano kaya ang sinabi ni M sa kanila? Pansin ko lang halos silang apat ang wala dito. Si Yuliel, Nandria, Solange at Maritea silang apat kasi ay yung kapangyarihan na hindi sa pakikipaglaban. Ano kaya ang training din para sa kanila?

"Ewan, hindi naman ako tinawag kanina ni M diba? Pareho kaya tayo nandito."

"Cae! Ginagalit mo talaga ako ha?" sigaw ni Cherri  na may halong inis. Tumakbo na ako at sinimulan ko na ang paghahabol sa Sun Gun ko.

Hermoine's Pov

"Caelum! Bakit ka tumatakbo?"

Nilingon naman namin si Cae. Huminto siya at nagpeace sign kay M. "Sorry M, excited lang. Hehe." haha! Nakakatuwa talaga siya ang kikay lang, ay mali sila palang tatlo.

"Bumalik kana sa partner mo." utos ni M habang nakatingin lang kay Cae ang mga mata niya. Bakit ba ang seryoso niya ngayon? Tsk, nakakatakot pa naman.

"Hoy Lance, ok ka lang." sita ko sa kanya. Kanina pa siyang parang may iniisip eh. "Pst." tawag ko ulit kay Lance habang kinublit ko na talaga siya.

"Ha?" ayun natauhan na ata. Pero hindi naman matino ang sagot. Hindi halatang bangag na bangag siya ano?

"Kanina ka pang tulala dyan eh."

Umiling lang si Lance at inayos niya ang eyeglass niya. "Ah, wala to."

Tumango nalang ako sa kanya at hindi na muling nagsalita. Grabe, ang tahimik talaga ni Lance. Ang boring naman, gusto kong magsimula na.

"Timer starts now. Good luck Magusians."

Agad akong tumakbo at sinimulan ko ng habulin ang Black Blade ko, ang bilis naman niya. Paglingon ko sa may kiliran ko. Naglalakad lang si Lance. Ano ba't? Kung batukan ko nalang kaya to? "Lance! Mamaya na yang pag-iisip mo ng malalim. Habulin mo muna ang weapon mo. Bilis!" nakasigaw kong sabi sa kanya. Salamat naman at natauhan na siya. Tumakbo na din siya gawi ko.

Magus AcademyWhere stories live. Discover now