Chapter 6 - The New Student

1.1K 34 13
                                    

Cherri's Pov

"Go lang ng Go chiq woohoo!"

Pinagningkitan ko siya ng mata. Nakaupo lamang siya sa damuhan dito sa Magus Ground habang tinataas niya ang kanyang dalawang kamay sa ere. Tsk! Kanina pa siyang ganyan sa akin dahil eto daw ang pagpapakita niya ng suporta. Tss.

"Eh kung tulungan mo nalang kaya ako ha?" inis na sabi ko habang nanaiinis na din sa pesteng weapon ko na yan. Tsk!

"Kaya mo na yan. Woohoo! Dali na at ng matapos na to, gusto ko ng matulog kaya."

"Seriously Cae? Nang-iinis ka ba ha? Eh kung simulan mo nga nalang ang sayo?"

"Ha? Diba ang sabi mo ikaw na ang kukuha sa Heat Gun ko?"

Akmang kukunin ko ang sapatos ko at itinaas iyon sa ere. " Eh kung sapatusin kaya kita at ng makikilala mo ng lubos ang heat gun mo!"

Ngumuso siya habang papalapit sa akin.Isa lang ang masasabi ko sa mukha niya. YUCK! "Eto naman, nagagalit ka agad tanda. Nagpapahinga pa nga lang ang batang katulad ko. Dahil alam mo na, naku mahirap na." malambing sabi niya sabay pulupot sa braso ko. Ugh! Ano ba naman to. Kita mong naiinis na ako, dadagdagan pa niya.

Inilayo ko ang sarili ko sa kanya sabay tulak ng mahina. "Tantanan mo nga ako Cae, hindi ito ang tamang oras para makipagbiruan." seryosong banta ko na dahil kung papatulin mo pa ang katarantaduhan ay hindi kami matatapos dito.

Nakita kong tumalikod na si Cae kaya ipinagpatuloy ko na ang paghuhuli  ko sa weapon ko kuno. Hanggang ngayon ay walang pagod din siyang lumilipad sa uluhan ko at pagkukunin ko naman ay lalayo siya paitaas hanggang sa hindi ko maabot. Ugh, nakakainis!

Tumingin tingin muna ako sa paligid. Baka may magagamit ako dito para mahuli ko na ito. May nakita akong bato, kung babatuhin ko ba siya ay titigil na ba siya sa kalilipad? Pwede ata yun.
Kinuha ko na ang bato na aking nakita at hinagis doon sa gawi niya. Sakto namang natamaan paglipat niya ng ibang pwesto ay natamaan siya. Ayun sapul, at unting unti na siyang bumabagsak.

Teka? Ano ba itong naramdaman ko? Bakit ang bigat ng damdamin ko? Wala naman akong hika ah? Ang sikip sa damdamin kapag humihinga. Bakit ako nakaranas ng ganitong damdamin? Hinang hina na talaga ako, hanggang sa nararamdaman ko nalang na babagsak na ang katawan ko.

"CHERRI!!!!!

Huling narinig ko, at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Venice Pov

"Are you ready baby?"

Tanong ni Mommy sa akin, nandito kami ngayon sa isang malaking malaki na gate ng isang school. Teka? School ba talaga ito? Ang laki naman, tinalo pa ang school namin dito. Golden yellow ang kulay ng gate na may 20 ft ata ang taas. Sa may gitna nito ay may nakalagay ng Magus Academy na may glitters sa bawat letra yung glitters na nagbubusilak talaga. "Ang ganda." wala sa sarili kong sabi habang pinagmamasdan ko parin ang kalakihan ng magiging school ko daw.

"Mas maganda pa iyan Venice ang nasa loob."
Niyakap ko na si Daddy, parang mamimiss ko na sila. "Dad, mababait ba sila dyan?" hinaplos lang ni Daddy ang aking buhok ng dahan dahan. Mamimiss ko talaga to. Mamimiss ko si Mommy at Daddy.
Tumawa siya ng mahina at saka ginulo ang buhok ko. Hindi ako nagagalit sa tuwing ginagawa ni Dad iyon, para sa akin ay  naglalambing lang siya sa akin o natutuwaan sa akin. "Walang mangagaway dito Baby, lahat sila ay may magagandang loob. Don't worry, we're here okay?" saka ako hinalikan ni Daddy sa noo ko. With that, I felt that I am safe, literally.

"Let's go? Baka mainip si M sa kakahintay sa atin." napalingon naman kami pareho ni Dad kay Mom noong binasag niya ang sweet moments naming dalawa. Tumingin muna ako kay Dad na para bang nagtatanong kung papasok na ba talaga kami. Tumango lang si Dad sa akin.

Magus AcademyWhere stories live. Discover now