Chapter 13 - Alexia vs. Dexter

614 23 6
                                    

3rd Person's Pov

"Saan mo iyon tinapon? Saang banda?" tanong ni Solange sa kanyang kapatid. Pilit iniintindi ni Nandria ang lahat kung bakit ito kailangan na kailangan ngayon.

"Ate? Sigurado ka bang iyong bato na iyon ang makakapagpagaling kay Maritea? Alalahanin mong isa siyang healer, hindi sila basta-basta mapapagaling ng kung anong gamot lang."

"Anong ibig mong sabihin? May ideya ka ba kung ano ang makakapaggaling kay Maritea?" ani ni Solange habang nakatingin lamang sa mga mata ni Nandria. Alam niyang hindi mapang-imbento ang kanyang kapatid pero gusto lamang niya makasigurado. Kung may kapangyarihan lamang siya na katulad kay Nandria, edi sana alam na niya kung ano ang nasa isip nito.

"Ate, baka nakalimutan mong mahilig akong magbasa ng mga libro, may nabasa lang ako noon sa library natin, at pasensya kung ngayon ko lang naalala." pagpapaliwanag ni Nandria, animoy nagpapaliwanag lamang na isang simpleng bagay.

"Kung hindi ang bato ang lunas, ano pala?"

Lumingon muna si Nandria sa gawi ni Yuliel na ngayo'y gumagapang na sa kakahanap ng pulang bato. Muling humarap na siya kay Solange at ngumiti ng malapad. Nagtataka naman si Solange sa inasal ng kapatid. Tila isa itong masamang balak kung ito ang makangiti ngayon.

"Si Yuliel, ang time manipulator, ang tanging lunas na makakapagaling kay Maritea."

*****

"Avery anong potion ang mayroon ka pa ngayon?" tanong ni Silvrei habang inihanda na ang isang bote para lagyan sa kanilang operasyon.

Napataas naman ang kilay ni Avery sa tanong ni Silvrei ngayon, teka nga lang. Inuutusan ba siya nito ipahanap kung ano ang potion na mayroon siya? Ano siya? Sineswerte? Sa pagkakaalam niya walang sino man ang naglalakas na utusan siya. Wala! As in wala talaga. "Para saan? Wala akong potion na dito, kaya, pwede ba 'wag mo akong tanungin. Tss!"

Kung pareho lang ata sila ni Avery ngayon ng ugali, marahil kanina pa niya ito pinatulan ang kamalditahan nito. Minabuti nalang na iniintindi niya ang nakakasukang ugali ni Avery at huminga ng malalim. "Gusto mo bang makauwi na sa Malum o dito ka nalang kasama ang Veronica na iyan?"

Natigilan naman si Avery sa sinabi ni Silvrei, napangiwi naman siya sa kanyang isipan kung sakaling silang dalawa lang ang magkasama dito sa bulok na bahay na ito! Yuck! Ang laswa naman ata. Psh, mabuting mamatay nalang na maganda ang posisyon kaysa makasama ang malandi na Veronica na iyan habang buhay.

Kinapa naman ni Avery ang kanyang waist bag. Lagi niyang kasa-kasama ang mga potion niya sa kanyang sarili. Yeah, incase kung may umatake sa kanya.

Nahawakan niya ang dalawang bote na tanging iyon lamang ang natira sa kanya ngayon. Pangatlo iyong potion na ginamit na pangturo kung nasaan si Dave. Kinuha niya ito at sinuri, napakunot noo naman siya sa kanyang nakita, isang potion ng pampalimot ng alaala at isang potion ng paghihiganti. Makakatulong ba ngayon ang dalawang potion na ito para sa kanilang gagawin? "Here, iyan nalang natira sa akin. Pampalimot at paghihiganti. I don't think this will collide. Feeling ko, masama ang kinalabasan nito. Hindi ko pa nasubukan e." wika ni Avery sabay abot sa dalawang potions kay Sivlrei, tinanggap naman ni Silvrei iyon at saka sinuri ang laman. Isa lamang itong likido na may malaking epekto pala.

Magus AcademyWhere stories live. Discover now