Chapter 3 - The Training

1.6K 60 88
                                    

Yuliel's Pov

Isang magandang umaga ang bumati sa akin, napangiti ako, nakakagaan lang sa pakiramdam ang simoy ng hangin, mga huni ng mga ibong lumilipad animoy walang problema na hinaharap, asul na ulap at isang mapayapang aura ang sumalubong sa amin ngayon.

"Goodmorning." nakakaantok na bati ni Cae sa amin ni Cherri. Nasa iisang kwarto lang kami, dahil ayaw naming maghiwalay. Nagmakaawa talaga kami kay M noon, hindi naman sa ayaw namin sa ibang kaklase ko pero nasanay na kasi kaming tatlo na kami ang magkakasama.

"Hoy Cae! Yung laway mo nanigas pa talaga jan sa pisnge mo, ano yan mga bilin ni Aling Juana sayo?" sigaw na sabi ni Cherri doon kay Cae habang inaayos ang higaan niya.

"Naman Cae, yung totoo? Birthmark mo ba yan? Pero bakit kulay puti?" asar ko din kay Cae. Ganito lang talaga kaming tatlo puro kalokohan ang alam. Ganito kami magpakita ng sweet moments sa isa't isa puro asaran. Pero sa aming tatlo si Cherri ang may matinong utak, well matanda na eh. Hindi tulad namin ni Cae nasa teenage stage pa. Hahaha

Sumimangot naman ang mala-Zuma na mukha ni Cae, tapos magulo pa yung buhok niya. "Tse! Hinihingi ko ba ang mga opinyon niyo ha? Ang ganda niyo super." tumayo na si Cae at kinuha ang tuwalya at pumunta sa banyo upang maligo. Naman, ano pa nga ba ang dapat gawin?

Tumawa lang kami ng malakas ni Cherri, hindi kasi yan pumapatol sa asaran kapag bagong gising kaya ang sarap niyang asarin kapag umaga.

"Cae will always be Cae." sabay tawa ng mahina ni Cherri ng makapasok na si Cae sa loob ng banyo.

"Oo nga naman, ang sarap lang asarin tuwing umaga." sagot ko naman kay Cherri habang tinitingnan ang langit mula sa isang glass window dito sa dorm.

"Shoot! Mabuti at naalala ko pa ito, ano kaya ang magiging training natin mamaya? Do you have any idea why M is doing this? Parang may mali eh, pansin mo ba?"

Natigilan naman ako sa tanong ni Cherri, oo nga bakit ang aga ata ng training? Ang trainings namin ay isinasagawa iyon bago magkaroon ng rankings, kaya may mali talaga ngayon.

Umiling lang ako kay Cherri dahil miski ako hindi ko alam ang isasagot. "Ewan, feeling ko may mangyayari talaga sa Magus."

"At kelan kapa naging si Solange ha? Fortune teller kana ngayon?"

"Gaga! Feeling lang nga diba? Ibig sabihin instict ko lang ito. Lahat naman tayo mayroong instict ah. Teka, speaking of Solange girl nakita kong nag-walkout siya kagabi sa dining." oo, nakita ko yun hindi naman ganyan si Sol. Tahimik lang siya pero okay lang naman. Tanging silang dalawa lang ng kapatid niya ang magkakasundo, kung si Solange ay hindi palaimik ibahin mo ang kapatid niya na si Nandria madaldal at hindi ka titigilan kung magiging curious siya sa isang bagay.

"Ewan, baka naman masama lang ang pakiramdam niya."

Nakita ko ang palad ko na umiilaw, I'm a time manipulator remember, at itong nasa palad ko na umiilaw ay alarm clock ko. Ibig sabihin oras na para magtraining, at ako ang inantasan ni M na maging time teller  dito sa Magus. Nilabas ko ang malaking timer ko, "The training will start after  10 minutes please be prepared." sabi ko habang nakatapat ako ngayon sa malaking timer ko. Ang timer ko na ito ay siya na ang bahala magpagising at bubungad sa kanila na parang isang pop message sa kanilang harapan.

"Tsk. I must be prepared too. Thanks Yuliel." sabi ni Cherri, ang daldal eh. Yan tuloy.

"Sus, may balak ka pa lang maghanda?" ganting asar ni Cae, na kabibihis pa lang.

"Oh, ok kana pala? Nasan na yung birthmark mo?" rinig kong asar ni Cherri doon kay Cae, pumunta na din ako sa banyo upang magbihis.

Magus AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon