Chapter 21 - Her Special Training (Part 2)

375 14 0
                                    

Tumango si Venice, ngumisi muli si Cae. Agad naman niyang sinugod si Venice. Ngunit, habang papalapit si Cae kay Venice, unti-unti ring lumalaki ang dalawang fire ball ni Venice.

“Cae, umilag ka!” sigaw ni Cherri sa kaibigan nang makita niyang ihahagis ni Venice ang dalawang fire ball patungo kay Cae.

Lumingon si Cae ngunit tanging naririnig niya ay ang hangin. Nakikita lamang niya na nakasigaw si Cherri sa kanya na para bang nag-aalala ito sa kanya. Lumingon siya kay Venice at nanglaki ang kanyang mga mata nang makita niyang may dalawang kulay pula na bilog, na nagliliyab ito patungo sa kanya.

Tumalipon ang kanyang katawan pagkatapos nun.

Hindi nagsayang ng oras si Venice, agad naman siyang tumakbo patungo sa dalaga upang sugurin muli. Pero bago pa siya nakarating kay Cae, naramdaman niyang may mahapdi na dumampi sa kanyang binti. Tumigil siya sa kakatakbo at lumuhod, muntik pa siyang napaupo sa lupa nang makita niyang may itim na manipis, hugis bilog na pahaba, na nakatusok sa kanyang binti. Mahina niyang inabot ang kanyang kamay patungo doon sa blade na iyon upang tanggalin sa kanyang binti, nakaramdam siya ng kaba. Unang tinuro ni M sa kanya ay kung paano makiramdam kapag may kalaban na paparating. Pero ngayong nasa aktwal na siya, tila nawala ang lahat ng mga natutunan niya. Magiging masaya kaya si M, pagkatapos ng labanan na ito? Sino kaya ang magtatagumpay? Magagawa ba niyang talunin silang lahat?

Hinihingal si Venice matapos niyang tanggalin ang blade na iyon sa kanyang binti. Nilagay niya ang kanyang isang palad sa lupa upang makatayo, napadaing pa siya nang kumirot ang kanyang sugat. Napasinghap na lamang si Venice nang may iba nanamang black blades na tumilapon patungo sa kanya.

Naiwasan niya ang unang tapon na black blades ngunit sa kanyang pag-iwas, may iba nanamang blade na tumungo sa kanya. Hanggang sa dumami ito ng dumami.

Iwas ng iwas lamang ang ginawa ni Venice, hindi pa niya kilala o alam kung sino ang humahagis sa kanya dahil natatabunan ito ng alikokabok.

“Venice, gumulong ka pakaliwa!”

Agad naman niya sinunod nang marinig niya ang boses ni Blue, paggulong niya sa kaliwa, na aninag niya ang katawan ni Hermoine at maging ang baller  na may naka-drawing doon na isang puting gitara, kulay itim na lagi niyang nakikita sa kaliwang pulsohan ng dalaga.

Ininda niya muna ang sakit ng kanyang binti pati sikmura at agad sinugod si Hermoine patungong likod nito. Siniko niya paibaba ang dalaga ngunit nabigla naman siya nang hindi nahulog ang katawan ni Heromoine sa lupa.

Nakasuporta ang dalawang kamay ni Hermoine sa lupa at ang isang paa nito. Agad niyang sinipa si Venice at tumayo. Nakita niyang nakatayo lang din si Venice, hinihingal na ang dalaga ngunit kitang-kita dito ang buong determinasyon sa mukha ng dalaga.

“Venice.”

“Hermoine.”

Huminga ng malalim si Hermoine at tiningnan ang dalaga. “Dumating din ako diyan dati, ‘iyong gusto ko ng sumuko pero iniisip ko na sayang naman ‘yong lahat ng mga pawis at dugo ko para sa pag-eensayo tapos susuko lang pala ako ng ganun kadali.”

“Hermoine—“

“Kasi may mga tao na naniniwala sa kakayahan ko Venice, kaya ‘wag ka sanang susuko agad, isipin mo ‘yong mga panahon na nagpakahirap ka para maabutin mo lang ang mga ito.”

May kung anong tumulong mainit na likido sa mata ni Venice pagkatapos sabihin iyon ni Hermoine sa kanya. Ngumiti naman ng sensiro ang dalaga at tumango. Tumango rin si Venice at muling pumustura.

“Salamat Hermoine.” Ngiting saad ni Venice.

Ngumiti rin pabalik si Hermoine. “Tara? Simulan na natin?”

Magus AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon