Chapter 2- The Calling

1.9K 58 98
                                    

Aella's Pov

"Goldy come here." tawag ko sa alaga kong isda na may pakpak, wala siya sa aquarium dahil may sarili siyang tubig na nakapalibot sa kanya.

"What?" sabi ni Goldy ng makalapit siya sa akin. Bakit Goldy? Dahil isa siyang gold fish yun nga lang may pakpak siya.

"We're going to eat."

"No, I'm not going anywhere Aella." 

Kumunot ang noo ko, anong pinagsasabi ng isdang to? "Pardon?" tanong ko ulit sa kanya.

Nag-roll eyes siya at winawagayway niya ang kanyang buntot. Senyales iyan na naiirita na siya. Hindi talaga kami magkasundo, at bakit? Dahil ayaw niya sa akin.

"I said no Aella, end of story. Got that?" mataray niyang sagot. Oo nga pala, hindi siya marunong magtagalog at hindi din siya makakaintindi nun. Actually, nakita ko lang siya noon isa sa mga isla dito sa Magus Academy, wala ng malay. Lumapit ako sa kanya at sinuri ko ang heart beat niya tumitibok pa ito. Noong binuhat ko na siya, nagalit siya sa akin dahil bakit ko daw siya niligtas. Ang weird niya no? Dahil gusto na daw niyang magpakamatay kaya hanggang ngayon ay sinisisi niya ako kung bakit pa siya buhay. Ang weird talaga niya.

"You sure?" pag-aalok ko ulit sa kanya, pero inirapan lang niya ako.

"Yeah." matipid na sagot ni Goldy, lumabas na ako mula sa kwarto at tumungo na patungong Dining hall.

"Aella dito." tawag sa akin ni Hermoine mula sa malayo, naglakad na ako patungo sa pwesto niya.

"Dito ka. Uy Solange usog ka doon pwede?"

"Ah, sige."

Nginitian ko lang sila, may mga kaibigan ako dito sa Magus, pero hindi yung tipong sila yung lagi mong kasama. Ngitian lang kayo o tango kung magkikita kayo sa daan, hindi pareho sa normal na mundo ay may kaibigan talaga ako.

"Isang chicken cordon bleu sa akin at milk tea. Yun lang Mrs. Traveller." sabi ni Nandria, syempre kung saan si Solange ay nandoon din si Nandria hindi talaga yan sila mapapahiwalay.

"Ok, eto na po Ms. Nandria" masiglang sabi ni Mrs. Traveller sabay bigay sa order ni Nandria. Bale, kung oras ng kainan ay ang gagawin namin ay uupo at maghintay kung may server ang lalapit sa mesa namin. Since nasa Magus Academy kami, ang mga waiter ay may kapangyarihan din. Lahat pala taga. Magus ay may super powers. Dito sa Magus ang mga waiters ay kung ano ang sasabihin mong order ay mabilis nilang lulutuin iyon sa harapan mo. Wala pang isang minuto ay nakahain na ang iyong order.

"Salamat Mrs. Traveller." ngumiti naman si Mrs. Traveller sa akin pagkatapos akong pagsilbihan, since ako naman ang panghuli.

"Ate Sol." rinig kong tawag ni Nandria sa ate niya. Lumingon lang si Sol sa kanya habang hinihiwa ang isda na prito. "Yung sa sinabi mo sa akin kanina sa kwarto."

Napatigil si Solange sa pagkakain, umiling lang ito sa kanya. "Nandria."

"Pero ate, naguguluhan lang talaga ako doon. Sino ba kasi yung babaeng pinakita mo sa akin kanina?"

Tumayo na si Solange ng walang pasabi. Bakit? Ano ba ang nalaman ni Solange? Sino yung babae? May mangyayari ba sa hinaharap? Ugh, pati ako naguguluhan na din.

3rd Person's Pov

"Venice." tawag ng isang malamig na boses doon sa babae na kasalukuyang sumasayaw ng mag-isa.

Palinga-linga naman ang babae na tinatawag na Venice, hinahanap niya kung saan nanggagaling ang boses na iyon, dahil sa pagkakaalam niya ay mag-isa lamang siya sa loob ng kanilang studio. Nag-eensanyo siya ngayon, dahil hanggang ngayon ay hindi parin niya makuha ang step na tinuro ng kanilang leader.

Magus AcademyWhere stories live. Discover now