Chapter 24 - He Hates Me

378 18 0
                                    

“Matagal na kasi kitang tinitingnan at hindi nga ako magkakamali, ikaw nga ‘yong babae na—“

“Nandria! Kanina pa kita hinahanap, akala ko sumunod ka sa akin sa kwarto?”

Napakamot naman sa noo si Nandria nang biglang dumating ang ate niya na si Solange. Agad hinigit ang kanyang kamay ni Solange upang makalabas na sila. Pero bago pa maka-alis ang dalawa, lumingon muna si Solange kay Venice. “Pagpasensiyahin mo na ang kapatid ko Venice, kung ano man ‘yong sinabi niya hindi niya ‘yun sinasadya.” Yumuko si Solange sa dalaga at agad hinila palabas si Nandria.

Tumango lamang si Venice bilang sagot at magsasalita pa sana siya nang agad tumalikod si Solange sa kanya at hinila palabas si Nandria. Bumuntong hininga si Venice at napatingin kina Cae. “Nasaan sila Hermoine?”

“Umalis na, nagmamadali ‘yon e. “ tumayo na rin si Cae maging sina Yuliel at Cherri ay napatayo na rin. “Teka lang, ang weird ni Nandria kanina ha?” pag-uusisa niya.

“Naku baka affected lang sa binabasa niya, yaan niyo na.” agad na sagot ni Yuliel. Napalingon siya kay Venice na ngayo’y nakayuko lamang. “Venice-girl, gusto mong sumama sa amin? Magmemeryenda kami, you know? Kind of bonding na rin.” Pag-aalok niya sa dalaga.

Mahinang lumingon si Venice kay Yuliel at ngumiti lamang ng pilit. “Sige salamat nalang Yuliel, ano kasi may gagawin pa ako ngayon. Sorry, baka sa susunod.”

“Venice, gusto ka lang namin kaibiganin, at saka bilang thank you na rin sa ‘yo noong niligtas mo ako.” Saad naman ni Cherri, ngumiti lamang ng matamlay si Venice doon.

“Sorry talaga, babawi talaga ako sa inyo next time.” Giit pa ni Venice.

Hinawakan ni Yuliel si Venice sa balikat, nabaling muli ang atensyon ng dalaga sa kanya. “Naiintidihan namin. Sige, mauuna na kami ha?”

Tumango si Venice at lumabas na ang tatlo sa Meeting Hall. Napatingin siya sa kanyang kanan at nanglaki ang kanyang mga mata nang makita niya si Blue na nakaupo lamang sa isang tabi habang nakatingin sa sahig. “Blue.” Kumunot ang noo niya dahil hindi siya pinansin nito. “Pst Blue.” Pagtatawag niya muli ngunit ganun parin, wala siyang sagot na nakuha mula sa binata. Tumayo na lamang siya at pinuntahan ang binata. Inangat niya ng mahina ang noo ni Blue at umangat naman ito. Nakita niyang nakapikit ang mga mata ng binata habang mahinang humihilik. Naramdaman naman ni Venice ang pag-init ng kanyang magkabilang pisngi. Mahina niyang nilagay ang ulo ng binata sa gilid ng sandalan at tinitigan ang binata.

“Gwapo ka pala kapag nasa malapitan.” Wala sa sariling sambit ni Venice sa  habang nakatingin lamang sa natutulog na si Blue. Mahina niyang dinampi ang kanyang isang daliri sa ilong ni Blue. “Ang haba ng pilikmata mo, makinis ka wala nga akong nakitang pimple sa mukha mo e, atsaka ang tangos din ng ilong mo” bumaba ang kanyang tingin at nahagip niya ang labi ng binata. “At..” lumunok ng laway si Venice habang nakatitig pa rin sa labi ni Blue. “At—Ay butiki!” napabalikwas ng bangon si Blue nang marinig niya ang isang nakakagising na sigaw. Palinga-linga si Blue sa kanyang paligid at nakita niya si  Venice na nakahawak na ngayon sa kanyang puwitan habang nakaupo sa sahig na kaharap lamang niya.

Agad tumayo si Blue at inalayan si Venice upang makatayo. “Anong nangyari sa ‘yo?” tanong agad niya at pinaupo si Venice sa isang silya.

Ramdam ni Venice ang pagdagan ng lahat ng dugo niya sa kanyang mukha nang tanungin siya ngayon ng binata. Agad niya iniwas ang kanyang tingin kay Blue habang nag-aalala na nakatingin ito sa kanya. Umiling lamang siya at sinubukang tumayo ngunit sa kanyang pagtayo sumakit ang kanyang likod.

“Huwag mong piliting tumayo. Halika ihatid na kita sa kwarto mo.” Hindi pa nakasagot si Venice nang agad naman siya binuhat ni Blue gamit ang dalawang braso nito animoy isa silang bagong kasal.

Magus AcademyWhere stories live. Discover now