Chapter 14 - Cherri Vs. Cae

571 24 5
                                    

3rd Person's POV

Pagkamulat ng pagkamulat ni Dexter, ang pangalang Alexia ang tumambad sa kanyang isipan. Hinang-hina naman siyang bumangon mula sa kama niya. Napahawak pa siya sa kanyang tagiliran dahil may kung anong kirot kapag babangon siya.

Napatingin naman siya sa kanyang kanang kamay, kung saan ito ang gamit niya sa paggamit ng air latigo. May bandage na ito ngayon na may literang maliliit na bilog na iba't ibang kulay na minamasahe ang kamay niya.

Paika-ika naman siyang naglakad sa buong clinic habang hinahanap ang kama ni Alexia. Nilibot na niya ang buong kama pero miski anino ni Alexia ay wala siyang makita. Bakante ang mga kama dahil wala namang may nasugatan. Walang kung ano-ano ay tumalikod nalang siya at napagdesisyonan na bumalik sa kama niya. Pero sa kasamaang palad, natapakan niya ang dulo ng kurtina na nagsisilbing pangharang lang sa kada kama. Na-slide siya doon at nabalutan ang kanyang katawan ng kurtina, at saka napagulong-gulong.

"Pucha! Ang malas ko naman!" bulalas ni Dexter habang pilit pumipiglas sa kurtina na nakabalot sa kanya. At dahil walang nurse, o kahit sino na tutulong sa kanya ngayon, kaya nagsariling sikap lamang si Dexter upang makawala dito.

"A-aray!" napabangon siya bigla dahil may nakita siyang babaeng mataas ang buhok, maputla, parang walang gana kung kumilos at matamlay itong nakatingin sa kanya. "Alexia.." kumawala muna siya kurtina at kumaripas ng takbo patungo kay Alexia. Kahit hirap siya sa pagtatakbo ay inignora na lamang niya ito para lang makahabol kay Alexia.

"Alexia, pasensya kana kanina.." mahina niyang sabi habang ang mga mata niya ay nasa sahig lamang nakatingin.

Tiningnan lamang ni Alexia si Dexter ng mataman at tumalikod lang din ito. Marami siyang galos na natamo, pati rin ang kanyang twin ngayon. Palihim na pinahid ni Alexia ang kanyang namumuong luha sa kanyang mata at mahinang humihikbi.

"Ranking lamang iyon Alexia, sana naman hindi ka aabot sa punto na hindi mo na ako papansinin." nanunuyong pakiusap ni Dexter sa dalaga. Hindi niya alam sa kanyang sarili kung bakit din niya ito sinasabi. Isang kabaliwan, parang pinapaala niya kay Alexia na natalo niya ito, at isang talunan si Alexia.

Nakakatawa, pero iyon talaga ang kanyang ginagawa ngayon.

"Bakit ba Dexter lagi nalang akong talunan sa harap ng mga tao? Sagutin mo nga ako! Hah? Bakit?" kinuwelyuhan pa niya si Dexter habang naluluha niyang sinasabi ito. Puno ng pagtatanong ang mga mata ngayon ni Alexia habang nakatingin kay Dexter. Para bang, isa siyang bata na hindi binilhan ng paborito niyang laruan at nagtatanong kung bakit hindi siya binilhan.

Nakatingin lamang ngayon si Dexter sa umiiyak na Alexia ngayon. Ano nga ba ang dapat niyang sagutin? Talo si Alexia dahil tinalo niya ito? Napaiwas nalang siya ng tingin dahil sa tuwing nakikita niyang umiiyak si Alexia ay dobleng sakit ang tutusok sa kanyang damdamin. Bakit naman siya nakaranas ng mga ganitong pakiramdam? Parang kailan lang na nagbabangayan silang dalawa at tanging sapak at batok lamang ang matatanggap niyang sakit sa katawan. Pero bakit ngayon, pati puso nakiki-epal na rin? Anakng! Ano ba talaga?

Tumingin muli siya kay Alexia at saka huminga ng malalim. Ibinaba niya ang magkabilang kamay ni Alexia na nasa kwelyuhan pa rin niya ito. "May mga bagay lang talaga Alexia na dapat mo ring ipaglaban, hindi porket mahalaga sa iyo ang isang tao ay ipauubaya mo nalang ito sa kanya. Alam mo ba kung ano ang tawag doon ha? Katangahan iyon! Katangahan dahil, hindi man lang siya nagtira para sa kanyang sarili. Kaya sana, intindihin mo rin ako kung bakit."

Lumakad na papalayo ngayon si Dexter pero bago pa ito tuluyang lumisan ay tumigil muna siya, "Hindi masama magtira ng kaligayahan para sa sarili mo mismo.."mahinang saad ni Dexter at tuluyan ng umalis sa clinic si Dexter at iniwan si Alexia umiiyak.

Magus AcademyWhere stories live. Discover now