Chapter 12

238K 6.7K 685
                                    

Her POV

Three hours have passed, ngunit walang professor ang dumating. Napasimangot ako at sinara ang notebook na pinagguguhitan ko. Sumulyap ako sa likod at agad umiwas ng tingin sa pwesto ni Elene when I saw her making out with a guy. Siguro boyfriend niya, hindi naman siguro siya makikipag make-out kung di niya boyfriend.

Nakasalubong ng aking mata ang kambal. Nakatingin sila sa akin. Ngunit nang makita akong nakatingin sa kanila, umiwas agad sila ng tingin at nag-usap. I shrugged and look to the others na may kaniya-kaniyang ginagawa. The guy who I encountered on the cafeteria has his eyes closed while listening to the music with his earphone.

Napabuntong hininga ako at hinawi ang buhok. It's boring as hell. Wala akong magawa at wala rin akong natutunan. Buong semester na ba 'to o baka naman buong taon na rin? And if that is the case, wala ng kwenta ang pag-stay ko rito dahil wala akong matututunan.

I heard the faint sound of the bell on our building. Kahit ang bell, lumang-luma na.

"Yes! Breaktime na!" I heard one of my classmates shouted. Huminga ako nang malalim at inayos ang gamit. Narinig ko ang lagabog ng mga upuan, tanda na nagsitayuan na rin sila.

Sinukbit ko ang bag saka tumayo. Napagilid ako nang dumaan ang lalaki na iyon at dire-diretsong lumabas ng room. Natulala ako at nakatitig lamang sa pinto. Halos mapatalon ako nang may tumapik sa aking balikat. I saw Elene with her devilish smirk.

"That's Lyndon, the badass." She laughed and tugged my arm, "You know what? Sa plus èlèvee, siya ang pinakahinahangaan ko. Si Greg kasi almost perfect na nakakatakot. He's so prim and proper while Lyndon...well halata naman 'di ba?" She giggled.

"Ibig sabihin kasama siya sa grupo na iyon?" I asked her. Hinila niya ako palabas ng room saka tumango.

"Yeah. Ang grupo kasi na iyon ay binubuo ng mga estudyante na malalakas, matatalino at makapangyarihan. And Lyndon is one of them kaso nga lang, rule-breaker din. Pero matalino rin iyon. Pangatlo siya sa grupo na yun. Ang una, si Greg. Second is Last and third is Lyndon. Wala na akong pake sa iba na puro kaplastikan lang naman." She made a face and we continue walking.

"So you mean, ganon rin si G-greg?" I stutter upon saying his name. Umiling siya.

"No! Of course no. Ang gusto ko lamang sa group nila ay si Last at Greg. Si Last iyong mukhang tahimik. At si Greg, he looks silent too yet dangerous. Can you feel that? Sa lahat ay siya ang pinakamalakas! Na kahit ang headmaster ay kayang lumuhod sa kaniya! Well medyo nagbago siya today, he looks gentle. Slight lang pero nabawasan ang nakakatakot niyang aura."

Napatango ako at dumugtong sa pila. Nasa harap ko si Elene at patuloy sa pagsasalita.

"Yong nakakainis na babae do'n yung lagi kong binabara, she's Xiela Bless Verda. Kambal niya yung naka-top knot na lalaki, Xicarus Blaze Verda. A whore and a womanizer. Kambal talaga!" Umismid siya at kumuha ng tray. Sumunod rin ako sa ginawa niya.

"Iyong maliit naman na babae, nasa ilalim ang kulo ng bitch na yun. Si Ezperanza Aldine. I don't know why but I really hate her guts! Ang isa naman na parang makulit, si Elixir Navera. Chickboy iyon kaya wag kang lumapit. Bwiset iyon!"

"At iyong pangatlo sa list ng crush ko, si Last Art Guidote. Tahimik at minsan magsalita. But full of words of wisdom. I like him! Really!" Inabot niya ang card sa cashier. I waited for her to finish bago ko inabot ang akin.

Naglakad kami papunta sa table. Nakita ko kung paano umiwas ang mga estudyante sa amin nang makita kami—lalo na si Elene. Nag-iwas sila ng tingin nang tinaasan sila ng kilay ng kasama ko at nginisihan.

Umupo kami sa isang vacant table at nagsimulang kumain.

"Bakit parang ilag sila sa iyo?" Hindi ko mapigilang tanong. Humalakhak siya bago nagpunas ng tissue.

Angst Academy: His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon