Chapter 30

218K 6.4K 1.5K
                                    

Her POV

He's staring at me intently. I can't name those emotions that are written on his eyes. He look so troubled while looking at me.

"Are you okay?" I asked him. He blinked twice and force a smile. Napa-iling ako at mariin na pumikit. Bakit ganito ako? Bakit parang mas nagiging malinaw na sa 'kin ang mga nangyayari lalo na ang mga kilos ng tao. Dati kapag may ngumiti, ang tingin ko lang talaga ay ngumiti. Pero ngayon, I can already name it, if it is genuine or fake.

"Silly. I think I should be the one who'll ask that, kitten. Are you already okay?" He asked. Suminghap ako ng hangin at ngumiti.

Pinakiramdaman ko ang sarili at tumango. Kahit kahapon lang nangyari 'yon, hindi ko na masyadong nararamdaman ang sakit. Hindi gaanong masakit ang katawan ko. Maybe dahil sa mga gamot na in-absorb ng katawan ko.

"Okay na ako. Wala ng masakit." Nilagay ni Greg ang takas na hibla ng buhok sa likod ng aking tenga, "don't worry about me. Pero alam mo, master. Akala ko talaga mamamatay na ako. That one is so scary lalo na at mag-isa ako. Mabuti na lang na-protektahan ko ang sarili ko." I sighed. Nagitla ako nang haplusin niya ang pisngi ko. I almost closed my eyes because of his soothing touch.

"You're really a kitten. You know, it's a belief that a cat has many lives. And I can see that you're like them. You're able to survive as always," he said and smiled. Napangiti ako at umiling.

"Swerte lang siguro talaga ako." Halos bulong ko.

"Nah. You're just really tough and strong like cats. But since you're a baby, you're a kitten," he murmured. He's staring at me with those dark eyes. Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Greg naman." Umiwas ako ng tingin. I heard his low sexy chuckle.

"Kailan pala ako makakaalis dito? Lagi na lang ako napupunta dito." Napasimangot ako. He ran his finger through my hair.

"Gusto mo na umalis?" He asked. Napangiti ako sa pagsasalita niya. He's still trying to talk in Tagalog.

"Yes. Boring dito," sagot ko. He nodded at biglang tumayo. Tiningala ko siya samantalang siya ay dumungaw sa 'kin.

"I'll talk to your doctor or nurse." He dipped down and kissed me on my forehead. Tulala naman akong pinanood ang paglabas niya sa kwarto ko. How can he be this perfect and gorgeous?

Mariin akong napapikit at umiling. Ramdam ko ang init ng aking pisngi. Bakit lahat ko na lang napapansin lalo na pagdating kay Greg? Sinapo ko ang dibdib at pinakiramdaman ang mabilis na tibok ng puso. At bakit nag-kakarera ang puso ko kapag nandiyan siya?

Tao ba talaga si Greg o baka alien?

Tulak-tulak ni Greg ang wheelchair patungo sa dorm ko. Nakikita ko pa ang pagtingin sa 'min ng ibang estudyante. Marami ang hindi nakaalam sa nangyari. Iilan lamang ang alam ang tunay na naganap and they were asked to zip their mouth. The headmaster is still doing some investigations about it. And I'm eager to know everything.

"Greg.." I started. I watched the elevator slowly closed.

"Hmm?" I heard him answered. Hinahaplos pa rin niya ang aking buhok habang nasa likod niya. And somehow, it calms me lalo na sa panahon ngayon na gulong-gulo pa rin ako sa nangyari kahapon.

"Nasaan na 'yong umatake sa 'kin? Sabi ni Elene, nasa labas na siya. Can I talk to him? I'm so eager to know kung sino ang nag-utos sa kaniya," mariin kong saad. Natigilan siya sa paghaplos sa buhok ko. Matagal siyang natahimik.

"Greg?" Agaw pansin ko sa kaniya. Nilingon ko siya at nakitang nakadungaw lamang siya sa 'kin at seryoso ang mukha.

"May problema ba?" I asked him. He slowly shake his head.

Angst Academy: His QueenWhere stories live. Discover now