Chapter 60

185K 4.3K 1.1K
                                    

Her POV

He is holding my hand tightly while we are walking towards his dorm. Hindi ko alam kung ano ang trip na naman niya at dorm ang napili niyang lugar. He pressed his thumb on the scanner before tugging me inside.

"Ano ang gagawin natin?" I asked him. Agad siyang lumapit sa may glass wall at hinawi ang kulay abo na kurtina. Light immediately entered the room. Ngumuso siya nang sulyapan ako bago ngumiti.

"I just want to be with you," he replied. Tinignan niya ang suot na shirt at jeans at sumulyap sa akin. "wait up, kitten. I'll just change to a comfortable one."

Tumango ako at pinanood siyang pumasok sa kwarto niya. I sighed and sat on the sofa. Maraming alaala na naman ang bumaha sa utak ko. Sa tuwing pupunta ako rito ay kasunod na ang pagdating ng tatlong bugok. They will tease us, especially Greg, sa pamumuno ni Elixir. Pero kung nagkataon na dumating sila, there are only two of them who will come.

Hindi na kumpleto ang kalokohan dahil wala na siya. Malalim akong napabuntong-hininga. Imposible na talaga na mawala siya sa isip ko. Habang-buhay ko ng dadalhin ang alaala niya. Lalo na at kitang-kita ko kung paano siya napaluhod sa harap nang saluhin niya ang bala. Kahit maging maayos na ang lahat, hindi na gaano kasaya, dahil kulang na. Wala na si Last.

Gusto ko at ipinagdarasal ko na siya na ang huli. Mahaba pa ang buhay namin, marami pa ang mangyayari. Unexpected happenings and events. Ngunit hinihiling ko na tama na si Last. Nakakapagod na. Masyado na kaming wasak at paunti-unti pa lamang na umaahon mula sa pagkalugmok.

I'm suddenly drown by my thoughts. Ano kaya ang mangyayari sa hinaharap? Ano pa ang mga problema namin na kahaharapin? Upang maging handa naman kami, but I know I'll remain here on the present wondering about the future. Hindi masasagot ang mga tanong ko ukol sa hinaharap, bagkus ay mararanasan ko na lamang iyon—namin pagdating nang tamang panahon.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Agad na lumipat ang tingin ko roon at nakita si Greg. Wearing a white sando and pants, he made his way towards me. Muli akong nalunod sa maraming tanong sa utak ko. Marami-rami na kaming napagdaanan. And I'm wondering, can we make it until the last? Kami pa rin ba sa huli, magsasama habang-buhay at magkakaroon ng sariling pamilya? I felt a warmth on my heart imagining myself with him on my side as I wake up every morning.

Natauhan lamang ako nang bahagyang lumubog ang bandang tabi ko. He's staring at me intently, kapagkuwan ay ngumiti.

"What are you thinking?" He asked. Mariin ko na pinaglapat ang labi bago huminga nang malalim.

"Us," I murmured. Slowly, a sexy smile formed on his lips. He leaned forward.

"What about us, hmm?" He asked with his dark orbs, staring at me intently.

"If... if we are still together until the end," I answered. Nawala ang mapaglaro niyang ngiti at naging seryoso. Uminit ang pisngi ko sa reyalisasyon na masyado na palang naging malayo ang nasa isip ko.

Paano kung wala pala sa isip niya ang makasama ako hanggang sa huli? Damn, it's embarrassing!

"Uh, I mea—"

"Of course we will," he answered with a smile. Titig na titig siya sa akin nang puno ng pangarap ang mga mata. Tila malalim ang nasa isip niya. My heart swell.

"I already have a name for our first baby." He grinned. Nanlaki ang mata ko at hinampas siya sa balikat. He chuckled and caught me on my wrist, saka hinalikan ang likod ng aking palad.

"Ang advance mo! Anak agad?" Pinigilan ko ang mapangiti. Tumango siya at hinila ako hanggang sa masandal ko na ang ulo sa kaniyang balikat. His warm palm touched my head bago ako hinalikan sa noo.

Angst Academy: His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon