Chapter 40

174K 5.3K 633
                                    

Her POV

Our gray eyes met. He's staring at me intently. His face is familiar pero hindi siya ang hinahanap ko. Ang ibang tao na nasa gilid niya ay nagsimulang kumilos. The guy who pointed his gun to me are already surrounded by armed men. Pati rin ang mga kasama pa niya. Nagtutukan sila ng baril at nawala ang atensyon sa 'min.

Agad akong gumapang palapit kay Greg. My heart clenched and it hurts to see him full of blood. Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi. Marami ng dugo ang nawala sa kaniya, sa mga binti at hita niya na nabaril pati ang ulo niyang iniuntog. Marahan kong tinapik ang kaniyang mukha. Bugbog na bugbog na siya, pinaghahampas pa siya kanina.

"Greg, gising na. Tatakas na tayo," bulong ko at mas inalog siya. Nag-angat ako ng tingin at muli kong nakita ang estranghero na dumating kaya hindi natuloy ang pagbaril sa akin. He is still staring at me intently. I noticed his posture and masculinity. His dominating presence and I can sense how powerful and dangerous he is. And I'm sure he's not ordinary man.

Muli kong sinulyapan si Greg na unti-unti nang nagising. Napangiti ako at napahikbi habang pinapanood ang hirap niyang pagmulat. Natatakot ako sa pagkawala ng mga dugo niya. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag natagalan pa kami.

"Greg, halika na. Aalis na tayo rito," saad ko. Our eyes met and I saw how sad he is. Inalalayan ko siya sa pag-upo at agad niya akong niyakap. Idinantay niya ang mukha sa gilid ng aking ulo at hinalikan ako sa pisngi. His hot breath is fanning on my cheeks.

"I'm sorry, kitten. Fuck, I'm so weak. I'm useless. Look at what happened to you," he murmured with his shaky voice. Hinaplos ko ang kamay niya at pinisil.

"Wala kang kasalanan, Greg. Marami ka ng sugat, hindi ka talaga makakalaban lalo na at parehong nabaril ang binti mo. You're not useless, Greg. C'mon, let's get out of here," bulong ko. At alam kong dahil din sa akin kaya ganito ang inabot niya. I became his distraction and weakness. I heard his weak sigh.

Nanatili pa rin silang nagtutukan ng baril at tila nagpapakiramdaman. Sinulyapan ko ang pinto kung saan medyo nakaharang ang lalake na bagong dating. Mariin pa rin siyang nakatitig sa 'kin and it's bothering me. Napailing ako at tumayo saka inalalayan si Greg.

"Nakaamoy na ba kayo kaya dumating kayo?" Napatingin ako sa tinawag nilang Calixto. And I can't help but to think kung sino ang kamukha niya. His face and features are familiar.

"But too bad, ako ang nauna sa kaniya. Ako ang papatay sa kaniya and I'm sure, it will be Valentino's greatest downfall." Saka siya tumingin sa akin. He smirked at tinapat muli sa akin ang hawak na baril. Ngunit nawala siya sa paningin ko nang humarang sa harap ko si Greg. He held my hands tightly.

"You're a dirty enemy Mister. I'm sure you're one of those bosses from the underground but you're fighting without your dignity and degrading yourself. I hope you'll fight fairly, that's better." Biglang singit ni Greg. Pinisil ko ang kamay niya. Sana huwag na siya makisingit, ayoko na lalo pa siyang mapahamak.

Calixto smirked but I saw on his eyes how angry and insulted he was by the words that Greg said.

"Dignity? Degrading? I really don't care about those things, boy. Ang hangarin ko ay mapatay siya.." Nilingon niya ako at nginisihan saka muling tinitigan si Greg, "because I'm sure if that happens, manghihina si Valentino. After all, she's Valentino's unica hija at nag-iisa pang anak. She's his weakness. At matapos no'n, mabilis ko na siyang mapapabagsak. My wealth and my power plus his? Damn I'm sure that I'll be on the first spot." Litanya niya.

"You forgot me Calixto. Kulang ang mga sinasabi mo para mapalitan mo ako sa pwesto," biglang saad ng isa. Lahat kami ay napatingin sa kaniya. Sa kaniya naman itinutok ni Calixto at mga tauhan niya ang baril.

Angst Academy: His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon