Chapter 33

202K 6.9K 2.6K
                                    

Her POV

"Ouch!" Daing ko nang mariinan ng nurse ang paggamot sa sugat ko sa binti.

"Careful," saad ni Greg na nasa tabi ko. Namutla ang nurse at mas naging ma-ingat ang pagkilos.

"Aray! Aray ko ha!? Naiimbyerna na ako sa'yo! Parang sinasadya mo na diinan, e." Napalingon ako kay Clarence na nakataas ang suot na damit. Ginagamot rin ng nurse ang sugat niya sa tiyan.

"Bakla, may abs ka pala? Six pa 'yan, a." Puri ni Elene at sinundot ang isa. Hinampas naman agad 'yon ni Clarence.

"Punyeta, masakit nga, e! Tsaka naninindig ang balahibo ko, ano ba? Kusang tumubo 'yang mga 'yan," aniya. Umiling si Elene.

"Weh? 'Yung iba naghihirap para diyan tapos sa'yo tumubo lang? Huwaw!"

"Manahimik ka! Sana tubuan ka ng abs sa mukha, Elene!"

"Psh. Huwag nga kayong maingay na dalawa." Saway ni Sunshine na ginagamot ang sarili.

"May narinig ka bang nagsalita?" Tanong ni Clarence.

"Si Sunshine 'yon Clar." Saad ko sa kaniya, "ayan o, nasa tabi mo." I added. Clarence pouted.

"Panira ka talaga ng trip, Eirian! May banat dapat ako do'n, e. Sasabihin ko na 'akala ko pader'!" Umiling-iling pa siya.

"Ikaw Greg, ayos ka lang?" Tinignan ko si Greg.

Kanina pa siya nandito sa tabi ko at pinapanood ang paggamot sa akin ng nurse. May ilan rin siyang galos pero mas malala ang akin. Tama nga si Last, ako ang pinaka-malala. Nabuksan ang mga sugat ko sa likod na natamo mula sa saksak.

"I'm okay." He smiled.

"Meron kang mga sugat din," puna ko. He shook his head at pinisil ang kamay ko na kanina pa niya hawak.

"Later. If it's okay, can you be my nurse again?" He asked. Mahina ang boses niya at medyo paos. Medyo namumungay na rin ang mga mata niya na nakatingin sa akin. Siguro inaantok na si Greg.

"Sige, pero bakit hindi na lang 'yung mga nurse na narito?" Tanong ko sa kaniya. He smiled a bit.

"Because I want you," he answered.

"Ehem! Parang iba na 'yan, just a reminder, nasa gym po tayo at wala kayong sariling kwarto. Aray naman Xicarus, bakit ka nambabatok!" Sinapo ni Elixir ang ulo niya at nalukot ang mukha.

"You're crazy!" Bulong ni Xicarus.

"Psh. Pinapaalalahanan ko lang sila. Nitong mga nakaraang araw nagiging mapusok na si Dieu, katulad kanina? Damn, he almost devour Eiria— hmpdjskahaoakdfos."

Kinagat ko ang labi at pinigil ang tawa. Totoo palang may dalang tape si Greg!

"Bakit may tape ka?" Tanong ko sa kaniya. He smiled habang nakatingin sa 'kin.

"I just want to stop Elixir's mouth. I don't want him to pollute your innocent mind with his words," sagot niya.

"Asshole siya, 'di ba? 'Yon ang tawag mo sa kaniya o kaya fucker."

Nanlaki ang mata niya habang nakatitig sa akin.

"Pfft. I think you need to tape your mouth Dieu," saad ni Xicarus.

"Hmdkakaoshdfodsaah djdksoaa."

"Shut up you fuc— two!" Sinamaan niya ng tingin ang dalawa na agad naman nanahimik saka ako nilingon, "and you kitten. Huwag mong gagayahin 'yon. Understand?" Tumango ako at ngumiti.

"Pero 'yung asshole, 'yung butas sa pwet. 'Yung fucker, ano 'yon? May -er, so meaning someone who fuck? Then what 'fuck' means?" I eagerly asked. Nalukot ang mukha ni Greg.

Angst Academy: His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon