Chapter 32

195K 6.8K 1.3K
                                    

Her POV

Agad akong umilag nang akmang susuntukin ako ng babae na nasa harap ko. I immediately held her fist tightly and kicked her. I hit the guy with my baseball bat when he tried to punch me on my stomach.

Napaatras ako nang makita ang pag-alpas ng dugo mula sa kaniyang noo. Hindi ako naaapektuhan pero iba naman ang nararamdaman ko. Napalunok ako at uminit ang gilid ng mata. Masama ang ginagawa ko. Nananakit ako... pero kapag hindi ko 'to ginawa ako ang masasaktan. Mariin akong pumikit at muling humanda. It's amazing that blood can't affect me at this moment.

Malapit na gumabi ngunit patuloy pa rin ang gulo. I heard that the headmaster is not here, kaya ngayon sila sumugod. At hindi kapani-paniwala na ang mga men in black ay tulog na tulog sa tabi-tabi. May mga karayom sa leeg nila and I think that's the reason kung bakit wala silang malay.

Marami ng nakahiga sa lupa na mga estudyante at mga kalaban. But I want to believe that they just lost their consciousness. Masyadong masakit kung may mamatay. Parang kahit anong oras ay babagsak na kami. At naiisip ko na mas lalong lalala dahil hindi mapapalagay ang mga magulang nila. I tightened my grip at pinaghahampas ang mga nagtangkang saktan ako.

Kahit ako ay marami na ring natamo na sugat at pasa. Nakakapagod ang nangyayari pero hindi pwede na sumuko na ako. It's like a survival game. Kailangang manakit para manatili ang buhay. Kailangan na maging malakas at matatag kung hindi ay tapos ka.

Nanginginig na ang tuhod ko at gusto ko na lang umupo sa isang tabi at matulog. Pero hindi pwede. Nilibot ko ang tingin at namataan sila Elene. They are fighting with others also. Determimation is written on their faces kaya kailangan na gano'n rin ako. Sa hindi kalayuan ay sila Clarence at Sunshine.

Tuluyan na kaming napasok ng mga kalaban. Nagkalat na sila sa lahat ng lugar dito sa loob ng Academy. Kahit ang mga nurse ay hindi nila pinatawad, ang mga doctors ay kasali rin. Lahat sila magagaling, everyone was well-trained but the enemy are much more stronger than them. Mukhang sanay na sanay na sila sa pakikipaglaban at wala lang sa kamila ang manakit, kahit ang pumatay.

"Eirian!" May humila ng braso ko. Mabuti na lang napigilan niya ang pagtama sa kaniya ng baseball bat.

"Last," saad ko. Nasa likod niya sila Xicarus at Elixir na abala sa pakikipaglaban. Nasa may gilid naman sila Ezperanza at Xiela na nilalabanan din ang mga kalaban.

"We found a safe place for you. Come with me," saad niya. May mga pasa na rin siya at may sugat sa may labi. He looks so exhausted as well as Xicarus and Elixir.

"B-bakit ako?" Tanong ko.

"We will be dead kapag napahamak ka! Lalo na kapag nakita niya ang hitsura mo ngayon. You can't protect yourself," he said. I bit my lips and shook my head.

"Ayoko. Kung magtatago ako, dapat pati rin ang lahat ng estudyante dito. That's unfair, Last." Giit ko. He shook his head.

"Hindi mo ako maintindihan, eh. Sumunod ka na lang sa 'kin. For pete's sake you're the youngest here! Ni hindi ka pa nga na-train nang maayos! Baka mapatay ka lang dito and we can't let that happen." Seryosong saad niya. He look so eager to take me away. But I can't. Paano sila Elene? Si Clarence at Sunshine? At napaka-unfair.

"Hindi ba pwede na tayong lahat na lang?" Tanong ko. He shook his head.

"That's a very small place na ikaw lang ang kakasya. And we can't just hide at hindi pwede na hindi sila labanan."

"Then I will not, too! Dito lang ako, kaya kong makipaglaban," mariin kong utas. Hindi ako papayag.

Bumagsak ang balikat niya at napailing, "Hindi mo kasi nakikita ang sarili mo, Eirian! Malala na ng lagay mo. Siguro dahil lang sa adrenaline rush kaya hindi mo nararamdaman ang sakit pero hindi na kakayanin ng katawan mo 'yan. Can't you see? Sa lahat ng narito, ikaw ang pinaka-kritikal! Damn, you leave me no choice little girl!"

Angst Academy: His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon