Chapter 37

181K 5.9K 1.1K
                                    

Her POV

"Kamusta ka na diyan? Ang tagal mo ng wala. Huhuhu, namimiss ka na namin baby girl," saad ni Elene sa kabilang linya. Napangiti ako at hinigpitan ang hawak sa telepono. Narinig ko ang boses ni Sunshine at Clarence sa background.

"Ako muna!"

"Ako muna. Huwag mong sarilihin 'yan bruha. Isusungalngal ko sa bibig mo 'yang telepono!"

Napailing ako at lalong napangiti.

"Nasaan si Gregian?" Tanong ko. Mukhang si Elene pa rin ang may hawak ng telepono.

Kay Elene ko kasi iniwan si Gregian. Gusto ko sana siya dalhin kaso allergic si Lord Valentino sa aso. Ayoko naman na magkasakit siya dahil sa akin. I don't want to act like a spoiled brat.

"Ayun, kinuha sa akin ni Fafa Greg. Siya na lang daw ang mag-aalaga. Buti naman naisipan mo na tumawag! Marami akong chika sa'yo," saad niya. Umayos ako ng upo.

"Ano naman 'yon? Hindi ba pwede na bukas na lang 'yan?" Tanong ko sa kaniya.

"Birthday mo bukas, I'm sure hindi kita makaka-usap bukas dahil busy ka. Kaya ngayon na lang," saad niya. Napatango ako at huminga nang malalim.

"Ano ba 'yon?" I asked. Naririnig ko pa rin ang mga boses nila Clarence sa paligid.

"Maraming pagkain diyan 'day noh? May jumbo hotdog ba diyan?"

"Puro ka na lang hotdog, ah!"

"Eh 'di tahong! May tahong diyan be?"

"Manahimik kayong dalawa diyan, please! May chika ako sa kaniya. So bebe girl, ito na nga. Namimiss mo na ba si Greg?" Tanong niya. Kinagat ko ang labi at pinasadahan ng tingin ang mga kuko na nilinisan at kinulayan.

I frowned. Ayoko talaga sana nito kaso kailangan daw, e.

"Ahm..miss?" I asked.

"Uh-huh..."

"Well, siguro? K-kasi lagi ko siyang naiisip at naaalala," nahihiya kong saad. Narinig ko ang hagikhik niya.

"Honest ka na, ah? Hmm..nakita ko 'yon. You kissed him! Dalaga ka na talaga, nice," she teased. Uminit ang pisngi ko at tumingin sa paligid. Wala namam akong kasama dito sa loob nang kwarto.

"K-kasi ano.."

"Sus! Ikaw ha, tag-lantod ka. Pero kawawa naman si Hendrei. He cried, such a crybaby."

"Bakit naman siya umiyak?" Takhang tanong ko. Elene sighed.

"Medyo nag-upgrade ka lang pero hindi pa rin totally. Slow mo pa rin eh," saad niya. Napailing ako.

"A-ano ba 'yung chika mo?" I asked.

"So ayun nga, si fafa Greg, may monthly period! Ang init ng ulo, beshy!" She squealed. Kumunot ang noo ko.

"M-may problema ba si Greg? May disorder siya? Bakit may regla siya? Posible ba 'yon?" Sunod-sunod kong tannong. Bigla akong nag-alala sa kaniya. Ang alam ko babae lang talaga ang pwede na magkaroon ng monthly period.

Babae lang ang may egg cell at 'yong egg cell ang dahilan ng menstruation. Hindi kaya namatay ang mga sperm cell niya kaya dumanak ang dugo tapos ni-regla siya? May dugo ba ang mga sperm cell? Impossible!

Angst Academy: His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon