Chapter 28

226K 7.1K 1.6K
                                    

Her POV

I am combing my hair while Elene and Clarence are busy playing with Gregian. Naupo naman si Sunshine habang pinapanood sila. Sumulyap ako sa salamin at naglagay ng clip bago pinasadahan ang munting gusot sa 'king uniform.

"He's so cute, Eirian!" Elene giggled. Kinarga niya iyon at niyakap. Bigla naman siyang tinulak ni Clarence at inagaw sa kaniya si Gregian kaya napasalampak siya sa sahig.

"Wag mong sarilihin!" Singhal ni Clarence at sinuklay-suklay ang makapal na balahibo ng tuta. I smiled and glanced on Sunshine who's shaking her head with a ghost of smile in her lips.

"Tara na, baka ma-late pa tayo." Saad ko at nilapag ang suklay. They both frowned.

"Wala naman tayong teacher ulit, kaya walang magagalit kung late tayo," ani Elene na nakasimangot. I just shrugged.

"Babalikan na lang natin siya, for now, come her sweetie." Lumuhod ako sa harap ng tuta at nilahad ang kamay. He immediately glance at me and tilt his head a little bago tumakbo sa akin.

I giggled and played with his fur.

"Behave ka lang, ha?" I said. Nilagay ko siya sa kulungan niya na mukhang hindi naman dahil sa ganda. May pagkain rin sa loob para kung sakaling magutom siya, handa na. I can't let him free while I'm gone kasi baka kung saan-saan siya pumunta at dumumi. Mabuti kapag narito lang siya, narito lang rin ang poop niya.

"Balik kami dito mamaya, a?" Dismayadong saad ni Clarence. I smiled and nodded.

"Tara na."

Dumaan kami sandali sa cafeteria para bumili ng pagkain. Pero hindi ko na pala kinailangan bumili dahil naka-abang na sa may pinto ng cafeteria sila Ynette, Nathalie at Crisafaith. Siguro trip nila maglingkod ngayon kahit 'di kailangan. Inabot nila sa 'kin ang sandwich at pineapple juice na nasa karton. May dalawa pang inabot na cheesecake si Crisa.

"Bakit niyo ako binilhan?" Takhang tanong ko. Ngumuso si Nathalie.

"We're your esclave," she stated. I frowned.

"Pero dapat, card ko ang ginamit." I murmured. She shrugged.

"It's okay, beside hindi kami masyadong gumagamit nitong card dahil hindi naman kami pala-kain," tugon niya.

"Oo nga, overweight na kasi kayo. You three need to lose some fats," biglang singit ni Elene. Napasinghap ako at nakita ang paglukot ng mukha ni Ynette.

"Excuse me, for your info, 34-25-35 ang vital statistics ko, at halos gano'n rin ang kanila." Elene flashed a devilish grin. She crossed her arms in front of her chest and step forward.

"And for your info, I don't care. I have a 36-24-37 statistic. So, who has a more perfect body, mine right? And I just want to tell you guys, hindi halata na gano'n ang inyo. You three looks big." She looked at them from head to toe.

"Elene.." I said.

"Sana ol. Akin kasi tulog lang. Charot," singit ni Clarence.

"Sumosobra ka na, a? Wala kaming ginagawa sa'yo!" Singit ni Crisafaith. Elene shook her head.

"Oh, forgot what happened that lead you to be Eirian's esclave? Yes, hindi pa rin ako maka- move on. Ganito kasi ako, once na may ginawang masama sa 'kin, hindi ko na titigilan." She flipped her hair.

"So ready yourselves."

I look at them with apologetic eyes. They just smiled at hinila na ako nila Elene papasok. Hinintay ko sila makabili saka naglakad na kami palabas. Sa room na lang kami kakain.

"Elene, sana hindi mo na sila ginano'n," saad ko. Her brow shot up and frowned.

"Tss, hayaan mo 'yun. They deserved it, plus naimbyerna talaga ako everytime I see them around," saad niya. Wala akong nagawa at nanahimik na lang.

Angst Academy: His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon