Chapter 25

216K 7K 1K
                                    

Her POV

"Eirian!" Napatuwid ako nang may tumawag sa 'kin. Nakita ko si Elene kasama sila Sunshine at Clarence.

"Oh? Bakit kayo narito? Hinihintay ko kasi si Greg. Ngayon kami magpa-practice," saad ko. Tumigil sila sa harap ko. Umiling si Elene at hinawakan ako sa balikat.

"Kanina ka pa naghihintay rito?" Tanong niya. Ngumiti ako at sinulyapan ang wrist watch.

"Ah, oo. Mag-iisang oras na. Siguro may ginawa si Greg sandali pero darating 'yon. Nag-promise siya." Pilit akong ngumiti. Kanina pa ako naghihintay sa tapat ng building ng dorm namin. Sabi niya dito ko raw siya hintayin.

Hindi na gaano kasakit ang katawan ko. I think I already regained my energy and strength kung meron nga akong strength. Pagaling na rin ang pasa ko, mapusyaw na ang kulay nito.

"Hindi darating si Greg, bebe girl," saad ni Clarence. Kumunot ang noo ko.

"Ha? Pero sabi niya darating daw siya. H-he promised.." Humina ang boses ko at tinignan sila. Napayuko si Sunshine samantalang si Elene ay hinawakan ako sa pisngi.

"May problema kasi. Ang alam ko may underground war at siyempre dahil kasangkot ang school do'n, kailangan ni Greg na sumama sa headmaster. Hindi naman nila kailangan lumaban, makikipag-usap lang." Lalong lumalim ang kunot ng noo ko.

"Anong koneksyon ng school, do'n?" Tanong ko.

"May mga estudyante dito na mula sa pamilya na kasangkot sa underground organizations. At may mga organisasyon rin na tumulong sa pagpapatayo ng AA ang kasama sa underground. Kaya malaki ang koneksyon nila," sagot ni Sunshine na lumapit na rin.

"At kung lumala pa, malaki ang posibilidad na magiging mapanganib ang buhay natin..lalo na no'ng mga anak ng mafia leaders. Kaya sana, matigil na 'yon. Hindi lamang mafia ang kasali, marami pang iba. At lahat ng mga estudyante na hindi ordinaryo at may kinalaman sa underground ay halos naipon dito. Kaya kapag nalaman ng kalaban, hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari," ani Elene.

Natigilan ako at suminghap. Dinagundong ng kaba ang sistema ko. Mariin akong napapikit at huminga nang malalim. Ibig sabihin, may paparating na panganib. At kung makaligtas man ako lalo na at wala akong koneksyon sa sinasabi nilang underground, paano naman ang mga kaibigan ko na kasangkot?

Sana... sana huwag umabot sa ganoong punto. Kasi hindi ko alam kung gugustuhin ko bang tumakas kung bigyan ako ng pagkakataon at iiwan sila.

"Si Greg.." bulong ko. Tinapik ni Clarence ang balikat ko.

"Huwag kang mag-alala. Strong 'yon. Tsaka hindi nila pwede basta-bastang pakialaman ang tulad niya." Tumango na lamang ako at sumabay sa paglakad nila.

"E, saan tayo pupunta? Wala namang pasok?" Ngumisi si Elene sa 'kin.

"Kami ang mag-tetrain sa'yo!" Saad niya. Nanlaki ang mata ko.

"Huwag ka mag-alala. Medyo matagal mo na kaming kasama kaya alam namin ang capability mo. Hindi ka namin papahirapan agad-agad." Si Sunshine ang nagsabi. Biglang sumimangot si Clarence.

"Kainis kasi si fafa Lyndon. Gano'n agad ginawa sa'yo. Medyo nabawasan tuloy ang pagka-crush ko sa kaniya ng 0.0001 percent. Chos! Mga 10 percent naman," aniya. Tumango si Elene.

"Kaya nga, e. Alam kong bad boy siya pero hindi ko akalain na gano'n agad ang ginawa sa'yo, knowing na ordinaryo ka lang at walang alam sa pakikipaglaban. Pero tara na. Gora bells!"

Tinungo namin ang training room. Naka-suot lamang ako ng komportableng damit para makakilos nang maayos. Pagkakita ko sa loob ay napasimangot ako nang makita ang dummy na nasa gilid. Iyon ang nagpahirap sa akin at yung kumontrol no'n noong isang araw lang.

Angst Academy: His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon