👸🏼Chapter 4👸🏼

1.5K 140 184
                                    

Chapter 4
Princess

Ashanti's POV

Once again, Monday nanaman. Which means, may klase na naman. But not the usual academic days.

Nagbihis na ako sa aking P.E shirt and pants. Mag so-soccer daw kasi kami. Kaya imbes na ordinaryong rubber shoes lang ang aking isusuot, ay ginamit ko ang aking cleats.

Well, sa totoo lang, hindi 'to akin dahil nakalimutan ko yung cleats ko sa palasyo, at dahil napakarami naman pa lang koleksyon ng kapatid ni Dylan dito ng cleats, ay nakihiram na lamang ako.

Noong una ay hindi ko alam na may kapatid siya, ngunit dahil nga sa tawag ni Lady Mary kahapon, at nasabi ko kay Dylan na wala akong cleats, ay sinabi niyang makihiram na lang daw ako sa kanyang kapatid.

Sa totoo lang, hindi ko pa nakikita ang kanyang kapatid, at paano ako nakahiram? Si Dylan na mismo ang kumuha ng cleats dun sa kwarto ng kanyang kapatid. And luckily, ka-size ko lang ang kapatid niya.

I wonder if nag-mana rin yun sa kuya niya. Parehas ba silang mainitin ang ulo?

I'm sure, na magkamukha sila, I once saw the Queen. Magkamukhang-magkamukha sila ni Dylan. Pero, namana naman ni Dylan ang kanyang mata sa Hari. Pareho silang may mga mapupungay na mga mata at mahahabang pilik-mata. Hinding-hindi ka magsasawang tingnan ito.

Siya nga pala, hindi ko pa nalalapitan ng napakalapit ang Hari't Reyna, nakita na kasi nila ako ng isang beses, noong nagtipon tipon ang mga hari't reyna, sa aming palasyo, at ipinakilala ako sa kanila. Ngunit malayo naman ang kanilang upuan sa kinatatayuan ko nun, kaya hindi imposibleng mahihirapan silang mamukhaan ako. At noong nakita ko sila rito sa palasyo ay, nasa likod lamang ako ni Dylan at nakatungo, kaya imposibleng nakita nga nila ang aking mukha.

Ng makalabas na ako sa aking silid, agad naman ako dumeretso sa harap ng pintuan ni Dylan, at kumatok.

Agad naman niyang binuksan ang pintuan na naka P. E. rin. Sumalubong naman sa akin ang kanyang mukhang iniinip na. Ano pa ba'ng ineexpect ko, hindi naman ata yan marunong ngumiti eh.

Pero wait, mukhang naiinip siya! Hinihintay niya ba ako? Ang tagal ko ba'ng nag bihis? Nako lagot!

Pero infairness, ang gwapo niya pa rin kahit na naiinis siya.

"Sorry po." Sabi ko na lang habang naka tungo. Ang boses ko naman, tunog tuta na. De joke!

"For what?" Takang tanong niya. Most of the time kasi, alam niya kung ano'ng ibig 'kong sabihin. So if that's the case, na nagtataka siya sa kung ano'ng ikinihihingi ko ng tawad ay, wala akong kasalanan!

"Wala po. Ready na po ba kayo? Tatawagin ko na po yung chauffeur niyo." Kahit na hindi pa siya sumagot, tumalikod na agad ako.

Dumeretso ako sa head quarter ng kanilang tsuper, at tinawag na si Kuya Harold.

Bumalik na ako kay Prince Dylan na nasa labas na pala ng kanyang kwarto at nakaupo siya sa mahabang couch doon sa hallway na agad mong makikita paglalabas ka. May flowerpot din sa tabi ng couch.

 May flowerpot din sa tabi ng couch

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Slave Princess (Royalty Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon