👸🏼Chapter 28👸🏼

590 21 0
                                    

Chapter 28
Princess

Ashanti's POV.

"Let's leave them first." Narinig kong sabi ni Dylan kaya naptingin naman ako sa kanya at tumango.

Nagsimula na siyang maglakad kaya sumunod naman ako sa kanya.

"Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko.

Tumigil naman siya at hinarap ako. "I don't know." Kibit balikat niyang sabi at nagsimula nang maglakad ulit.

Hinabol ko naman siya.

He should think about the things he'll do. Every minute counts. 'Di dapat siya nagsasayang ng oras. As a Prince, he must be responsible for his actions. Time is gold.

Pero napaisip naman ako, why don't I just live my life? Kahit konting saya lang ang gagawin ko. I need to loosen up. Hindi magtatagal, wala na naman akong kalayaan. It will be so hard again. Much harder than this simple life.

"I know a place where we could go!" Masayang sambit ko at nauna nang maglakad. Alam kong sinusundan niya ako dahil nararamdaman ko ang presensya niya sa likod ko.

"Where are we going?" Hinihingal niyang tanong. Umaakyat kasi kami pataas eh. Siguro 'di siya sanay magpapagod. Well, probably. Pag walang klase nakahilata lang siya sa kwarto niya eh.

Buti na lang at isa akong athlete, kahit na hindi na ako masyadong nakakapag laro ngayon.

"We're almost there." Nakangiti kong sabi, trying to cheer myself up.

Napangiti naman ako ng malapad ng maramdaman ko ang hanging dumadampi sa balat ko. Inilibot ko ang mata ko dito. Hindi pa rin nagbabago. Ang ganda pa rin at ang linis!

Humakbang ako at umupo sa upuan na nandoon. "Ha!" Sigaw ko at nagpakawala ng mahabang hininga.

It's good to be back here. Matagal-tagal ko na rin itong hindi napuntahan.

Actually, dito kami parati nagbobonding ng pinsan kong si May, anak ni Lady Mary. But she's with his father, nasa sariling mansion nila or should I say palasyo.

Duke ang kanyang tatay kaya napakasal si Lady Mary sa kanya. It's for wealth too. How sad.

"Wow." Sabi ni Dylan habang tumitingala. "Ang ganda dito." Dagdag niya pa at umupo sa tabi kong upuan.

"How'd you know this place?" Takang tanong niya.

"I used to play here with my cousin." Sagot ko sa tanong niya.

"Really? Sa rooftop? Hindi ba at nakakatakot 'yon? Baka mahulog kayo." Sabi niya. Nag kibit balikat naman ako.

Kitang kita dito ang ganda ng tanawin.

Masaya kong nilibot ang aking mata sa malalayong building ng mahagilap ng mata ko ang aming palasyong matagal ko nang hindi natatapakan.

Napatungo naman ako. Trying to control my emotions.

I really miss mother and father.

Agad kong tinakpan ang bibig ko nang may kumawalang paghikbi do'n. Agad kong pinunasan ang mata ko. Baka marinig ako ni Dylan. Nakakahiya.

"Are you okay?" Narinig kong tanong niya. May bahid na pag-aalala akong narinig sa paraan ng kanyang pagtanong.

Tumango naman ako ngunit nanatiling nakatingin sa sahig ang akong paningin. "I-I'm okay. May naalala lang."

"Mind sharing it with me? Maybe it can make you feel better." Napatingin naman ako sa kanya. Narinig ko ang sinseridad sa kanyang pananalita. Nakangiti naman siya ngunit bakas sa kanyang mata na tila'y nag-aalala siya.

"It's about my parents." Sagot ko. Totoo naman eh, miss ko na sila, sobra. Pero kailangan kong magtiis, baka sakaling pagbigyan nila ang hiling ko.

"What about them?" Nakatuon ang buong atensyon niya sa akin. Patiently waiting for me to answer his question.

"I-I, I just miss them." Sabi ko at pinilit na hindi umiyak.

"You probably do. Ano pala ang dahilan at hindi kayo magka-ayos?" Tila'y napaka-interesado niyang tanong.

What should I say? Ugh, ah! I know.

"They want me to manage our cafe! All I wanna do in life is to be..." humina ang boses ko. Ano bang pwede lusutin? I love reading as much as I love being with my horse—Charm. "Be a writer or teach kids to ride horses." Dagdag ko.

"Oo nga pala! About your horse." Tila may naalala siya.

"What about her?!" Tumaas ang tono ng pagsasalita ko.

Ever since I was 12, Charm had been my best horse friend.

Bata pa siya no'n ng nanggaling siya sa ibang bansa.

She's still beautiful until now.

But how can I be so cruel?! 'Di ko man lang sa naalala for a month! How rude of me. I wanna cry!

"She's a great horse." Simpleng sabi niya at umayos ng pagkakaupo.

Akala ko kung ano na.

"You must be rich. You own a cafe, a horse. You know how to do archery and most of all, you studied here before. So why do you have to be a slave? Now and before?" Uh no. He's so smart. I have to think!

Think hard Ashanti!

"Actually, my deceased friend didn't treat me as if I was her slave. She treated me like I was just as high as she were. She treated me like a sister. That's why, even if I can eat 7 meals a day without working, I still chose to work for her. Dahil kapag hindi, I probably just stayed at home and became a waitress." Oh God, please save me. I'll probably go to hell because of all the lies I've said.

Damn it Ashanti! You're so bad.

Nagulat ako nang yakapin niya ako.

What is this all about?

"Bakit mo ako niyayakap?" Takang tanong ko. It's so weird. Pakiramdam ko, tumigil ang mundo ko at parang may kung anong kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko.

"You're so innocent. I admire you for that." Mas hinigpitan niya pa ang pag yakap sa akin.

Nahirapan na man akong huminga.

"A-Ah, Dyl-lan, p-pwede mo na akong b-bitawan."

"Sorry." Kakalas na sana siya sa yakap nang may marinig kaming ingay galing sa pinto.

"There you are—wahhh!"

The Slave Princess (Royalty Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon