👸🏼Chapter 34👸🏼

571 13 0
                                    

Chapter 34
Princess

Ashanti's POV.

"Saan po tayo pupunta?" Tanong ko. Kanina pa kasi kami naglalakad at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Though we're just inside the castle.

"Somewhere." Aniya at nagpatuloy sa paglalakad.

Tumigil kami sa pag lalakad ng bigla niyang tinulak ang isang statwa dahilan para bumukas ang secret passage.

Ba't niya ako dinala dito?

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa napunta kami sa isang elevator. Pero eto yung elevator na bukas. (Yung parang sa chucky haha)

"We're here." Aniya.

Tumingin naman ako sa paligid at napanganga sa ganda ng tanawin.

Nasa isang balcony kami at kitang kita ang kabuuan ng Cerramwen.

Napakagandang tignan ang mga ilaw na nagmumula sa mga tahanan ng mga tao sa hindi kalayuan.

Malaki rin ang kanilang kaharian at ang tanging mataas na gusali lang na nakikita ko ay ang aming paaralan.

Ang Royal Academy kasi ay nakapwesto sa gitnang parte ng Tiera Diamanté kaya makikita mo ito.

Sa kabila nun ay ang aming kaharian. Sa sides ay ang kaharian nina Leah at Erick.

Hindi ko alam kung paano nangyari 'to pero ang kwento ng matatanda ay iisang kaharian lamang daw ito dati ngunit nahati sa apat.

Ang reyna ng Tiera Diamanté ay imposibleng magkaroon ng anak at dahil sa kagustuhan niyang magkaroon ng madaming anak ay inampon niya ang anak ng iba na royal blood din.

"I used to go here every time I feel lonely, hurt and being controlled." Bigla siyang nagsalita habang nakapikit ang mga mata't naka lagay sa bulsa ang kamay.

"It's only fair if I'll show you this place too."

"You didn't have to." Malumanay kong sagot.

"Well I'm angry right now and this is the only place in the palace that can calm me down." Dumilat sya at tumingin ng seryoso sa akin dahilan para umiwas ako ng tingin.

His look were so intense.

"Unless, you'll calm me down." Nanahimik lang ako. Not knowing what to say.

Bumilis ang tibok ng puso ko at uminit ang mukha ko.

"Let's stay here for a while."

"Okay."

=x=

Nagising ako dahil sa katok na nanggagaling sa labas.

Agad kong dinilat ang mata ko at inayos muna ang sarili ko bago binuksan ang pinto.

Tumambad sa akin ang head maid dito. Si Manang Corazon.

She bowed her head. "His highness is requesting for you to change immediately. Hindi po kayo pupunta sa paaralan ngayon dahil may importante kayong gagawin."

Importante? Ano naman kaya 'yon?

"The people who had abducted His Majesty has been captured. I'll assist you with preparing if needed." Aniya. Umiling naman ako.

"It's okay, ma'am. Uh, where will I meet His Majesty?" Magalang kong tanong sa kanya.

"His Majesty said he'll be here in 30 minutes." Tumango naman ako.

I guess I should get ready then.

"Thank you, ma'am." Sabi ko at sinara ang pinto pero bago 'yon ay nakita ko pa siyang tumango at ngumiti.

Agad akong naligo at pagkatapos ay sa bathroom na rin ako nag bihis.

At buti naman dahil pagkalabas ko ng bathroom ay nakaupo na si Dylan sa chair ng study table ko.

Tumingin siya sa kabuuan ko. "Good morning." Aniya.

Nalito naman ako at kinurot ang sarili ko. Baka nananaginip lang ako. Pero ouch ha! Masakit 'yon kaya imposibleng nasa panaginip ako.

Did he really just greeted me? Ang weird lang ah.

Pinagmasdan ng maigi ang mukha ko. Alam kong nakatitig siya sa sugat ko.

I bowed my head, still, I have to show some respect.

"Good m-morning, your majesty."

"Let's go." Aniya at dumeretso na palabas.

Sumuot muna ako ng sapatos at sumunod sa kanya.

Nauuna siyang maglakad at nakasunod lamang ako sa kanya.

"We're here." At pinagbuksan kami ng pinto ng kawal na nakabantay sa pintong 'yon.

Tumitig ako sa babaeng nakaupo sa mesa habang nakatali ang mga kamay.

It's her.

Tinignan niya ako at ngumisi siya.

Kumunot naman ang noo ko sa ginawa niya.

Nag bow ang mga kawal bago nag salita. "You may sit down, your majesty." Aniya bago tumingin sa akin. "You too, miss."

Tumango naman ako at umupo sa tabi ni Dylan.

Seryoso siyang nakikipag titigan sa matandang babae at kung nakakamatay man ang tingin, kanina pa sila nakahandusay sa sahig.

May isang babaeng naka eyeglass na lumabas out of nowhere na may hawak hawak na papel.

"Your Majesty." She said as she bowed.

"Go on." Sabi ni Dylan at tinaas abg kamay niya. Signaling her to go on.

"As we gathered information from this lady's comrades, we discovered that they are from the kingdom of Araish." Pagsisimula ng babae. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

This is my subject? How can she do such a thing?! In our kingdom, it's very peaceful and it's unlikely to have this kinds of things.

I must say, kahit na gano'n ang pagtatrato sa akin ng parents ko, like I'm just a puppet, they are a great ruler.

"So, you're an Araishian? What a shame for your kingdom's reputation. I believe that their kingdom is the most beautiful and safe kingdom amongst all four kingdom. Why do such a thing? And why here?" Seryosong tanong ni Dylan. Tinignan lang naman siya ng babae.

Magsasalita pa sana siya ulit pero nagsalita na naman ang babae.

"She told us her name but when we search for it, in seems invalid," tumingin siya sa matanda. "Mind telling us why?"

"Because I don't exist." Walang buhay niyang sabi.

The Slave Princess (Royalty Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon