👸🏼Chapter 8👸🏼

1K 98 64
                                    

Chapter 8
Princess

Ashanti's POV

Nagkwekwentuhan lamang kami ni Dylan ng may narinig akong napaka pamilyar na tawa sa aking likod, kaya ayun, napalingon ako.

Nagulat ako ng makita ko si Dianna na nakangising papalapit sa amin.

Pero mas nagulat ako nung, umupo siya sa tabi ni Dylan at parang ahas na agad pinulupot ang kanyang kamay sa braso ni Dylan.

Tss. Ahas nga siya.

Wait? Ano raw ang pinag-sasabi ko? Ano namang pake ko kung andyan yang Dianna'ng yan?!

Eto namang si Dylan, todo ngiti naman sa babaeng yan.

Hello? Andito po ako!

"So Dylan, how's your life here?" Tanong sa kanya ni Dianna.

"So far, so good." Nakangiting sagot ni Dylan.

"Buti naman! Hahaha! Namiss kita!" Anoya sabay yakap kay Dylan.

Arghh. Napatayo naman ako.

Wala naman akong silbi dun eh. Naglalandian sila, sa harap ko pa?!

Kulang na nga lang bigyan nila ako ng popcorn eh!

Kaya noong napatayo ako, agad naman ako umalis. Hindi man lang napansin ni Dylan na umalis ako.

Well okay lang! Naiintindihan ko! Busy siya eh. Busy makipaglandian.

Padabog akong naglalakad ng makita ko sina Erick at Leah na nagtatawanan sa isang bench sa labas lang ng luncheonette, ilang lakad lang at makakarating ka na rito.

Marami pang ibang benches na andito kaya maraming mga magkakaibigan ang tumatambay dito.

Ewan nga eh, ang init init naman, trip ba nilang mag bilad sa araw?

Nilapitan ko naman sila sa kanilang bench at umupo sa tabi ni Leah ng hindi niya napapansin. Yumuko lang ako habang naka upo.

Busy din kasi sila sa isa't isa eh.

Hindi nag tagal, tumahimik naman silang dalawa.

Napansin na ata na nandito ako.

"Oh, Ashanti? Kanina ka pa andyan?" Takang tanong ni Leah. Sabi na eh, ngayon lang nila ako napansin.

Okay lang, sanay naman akong nababalewa eh.

Hindi ko siya tiningnan pero nanatili naman akong nakayuko. "Hindi naman obvious noh?" Pilisopong sabi ko.

"Haynako! Asan na si Dylan?" Tanong niya ulit, and this time, tiningnan ko na siya.

Naalala ko nanaman yung lalaking 'yon.

Hayyy, ano ba'ng nangyayari sa 'yo Asahnti?! Ba't ka nagkakaganyan?! Wala kang pake sa ginagawa ni Dylan, okay?! Buhay niya yun!

"Andoon. Kasama si Dianna, nakikipaglandian sa isa't isa." Deretsong sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Napatakip naman siya ng bunganga niya.

The Slave Princess (Royalty Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon