👸🏼Chapter 27👸🏼

589 17 0
                                    

Chapter 27
Princess

Ashanti's POV.

"Wahhh—t happened to you?!" Gulat na tanong ni Leah sa akin. Nakanga-nga pa ah.

"Why does everybody ask me that?!" Inis na sambit ko at umupo sa harap niya. It's lunch time at siya ang kasama ko ngayon.

"Cause you look like a zombie." Crossed arm niyang sabi.

Napa-roll eyes naman ako. "Yeah, whatever."

Tumingin naman ako sa paligid ng bigla itong umingay. Nakita ko si Dylan at Frederick na magkasama. Lahat ng mga nadadaanan nila ay bumabati sa kanila.

Tinignan ko ang mukha ni Dylan. Hindi rin kaya siya nakatulog ng maayos kagabi? Hindi kasi ako agad nakatulog kagabi eh.

Bakit kasi may 'my' pa? Dalawang beses niya pang sinabi ah!

Nakakainis, 'di tuloy ako nakapagpahinga ng mabuti ng dahil doon.

"What happened to you?!" Gulat na tanong ni Leah kay Dylan.

Nanlaki ang mata niya tila ba'y may naisip.

Nagpapalit palit ang tingin niya sa aming dalawa.

Oh no, this is bad. Alam kong kung anu-ano na naman ang iniisp niya. At baka isigaw niya pa sa buong mundo 'yon.

"Napuyat." Simpleng sabi ni Dylan at umupo sa tabi ko. Umusog naman ako ng konti at tumingin kay Leah.

Nakatingin na siya ngayon kay Erick na nakaupo na rin sa tabi niya.

Nakatitig lang ako sa kanya. Trying to know what she'll do next.

Biglang kumunot ang noo niya at tumingin ng masama sa akin.

I knew it! I knew she was going to do that!

"What?" Walang emosyong tanong ko sa kanya.

"Tell me you two," tumigil siya at tumingin ng pabalik balik sa aming dalawa ni Dylan. "What happened to you last night?" Naka awang bibig niyang sabi.

Tinaas ko naman ang isang kilay ko.

"May nangyari ba sa inyo kagabi? Bakit parang mukha kayong sabog?" Mataray na tanong niya sa amin.

"Wala." Sabi ko at nagsimula nang kumain. Nagiging weird na kasi ang atmosphere.

"Hmp!" Narinig kong angal ni Leah at tumahimik na.

Natapos na akong kumain ng biglang tumayo si Leah.

"Powder room." Sabi niya at umalis na. Problema nun?

"Susundan ko lang." tumayo na ako at umalis ng makitang tumango sila na may bahid na pagtataka sa mukha.

Mabilis kong narating ang powder room. Nakita kong naghuhugas si Leah ng kamay do'n.

"I knew you were going to follow me." Nakangising sabi niya habang nakatingin sa sarili niya sa salamin.

"Weird mo." Bulong ko sa kanya.

Kinuha ko ang pouch at nilabas ang brush ko do'n.

Sinuklay ko ang wavy kong buhok sa tabi niya.

"Ano'ng nangyari sa inyo kagabi?" Tanong niya at humarap sa akin.

Sinabi ko lahat ng nangyari kagabi. At 'yong sinabi sa akin ni Dylan na gusto niya ako... bilang tao. At 'yong pag sabi niya ng 'my' sa akin.

Ngumisi siya ng mapalapad. Nakakalokong ngisi. 'Yong tipong may malisya.

"Akala ko talaga, may nangyari na sa inyo!" In-emphasize niya pa ang 'nangyari', I knew what she meant.

"Don't think of me that way, Leah. I will never do that not until after I marry." Simpleng sagot ko sa kanya at kumuha ng liptint ang nilagay 'yon sa mapupula ko nang labi.

"So you plan on marrying Dylan?!" At tumili siya. Nagkatinginan kami sa salamin.

"Shut up! Nakakarindi. No, that's not what I meant." Umiiling iling pang sabi ko at umiwas ng tingin kahit sa salamin lang kami nagkatinginan.

"Let's go. Masyado na tayong natagalan dito." Sabi ko at tinalikuran na siya at nagsimula nang maglakad.

Hinabol niya naman ako at pinulupot ang kamay niya sa braso ko.

"Si Ashanti, in love na!" Malambing niyang sabi sa akin.

"Kadiri. No way." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Ayaw pang pag-hintayin ang prinsepe niya!" dagdag niya pa.

"Shut up! Baka marinig ka. I should be in a hurry, alam mo naman mainitin ang ulo no'n, baka mapagalitan lang ako." Sabi ko habang nakikita na ang dalawa. Malakas pa naman ang boses nito.

"Aysus! The hell I care?!" Binitawan niya na ang kamay ko at mabilis na lumapit kay Erick at dumikit sa kanya.

Napangiti naman ako. Leah seems so happy. Napatungo naman ako.

I can't let my parents let me marry Erick. They look so happy together. Ayaw kong sirain ang buhay pag-ibig nilang dalawa. Mahal ko si Leah at gusto kong makitang masaya siya.

"Are you okay?" Inangat ko ang paningin ko sa kanya.

Ngumiti naman ako ng walang gana. "Yeah." Sagot ko na lang.

Nakatayo na sila at mukhang hinihintay lang akong maglakad kasama sila.

"Let's go!" Masiglang sabi ni Leah at nagsimula na silang maglakad.

Nauna na sila at nasa likod naman kaming dalawa ni Dylan. Nakatungo naman akong sinusundan silang naglalakad.

"Are you two okay now?" Biglang nagsalita si Dylan kaya napatingin ako sa kanya tapos kay Leah.

"'Di naman kami nag away." Nakangiti kong sabi habang nakatingin kay Leah.

Nakupo na sila ni Erick sa bench habang nagtatawanan.

"They look good together." Wala sa sarili kong sabi at tumingin kay Dylan na nakatingin din pala sa dalawa.

"They do." Sagot niya, nanatiling nakatingin sa dalawa. Bahagya siyang ngumiti. Napangiti naman ako at tinignan ang dalawa.

I promise you Leah, I will do everything I can to make you happy. Even if it means breaking the rules of my parents.

All that matters is that you will stay happy. I don't wanna be the cause of your misery. I always want to see you happy, my friend.

The Slave Princess (Royalty Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon