👸🏼Chapter 14👸🏼

810 33 11
                                    

Chapter 14
Princess

Ashanti's POV

"Jamie?" Masayang sambit ni Gab saka siya tumayo upang yakapin si Jamie.

"Dito ka na pala nag tratrabaho?" Nakangiting tanong ni Gab sa kanya saka naman siya tumango saka tumingin sa gawi ni Dylan.

"Excuse me? Can you get our order now, hindi yung nakikipag-landian ka pa sa kawal namin?" Dylan glared at Jamie saka siya tumingin sa gawi ni Gab. "And you, sit down." Kung makapag-utos, akala mo naman aso si Gab.

Ngunit hindi na umangal si Gab saka umupo na lang. Nakita ko namang ngumisi si Dylan na para bang iniisip niyang, maayos ang kanyang plano.

"So, may I take your order? Ma'am and your highness?" Ani Jamie saka siya lumingon lingon si gawi ko at ni Dylan.

Ako kasi, nakaupo sa harap ni Dylan tapos si Gab naman, sa side ng gitna namin. Gets ba?

"I'll like to order one frappe and also an epoisses cheese." Proud niyang sabi doon sa french delicacy na 'yon saka tumingin sa akin. "What do you like?" Tanong niya sa akin.

At dahil takam din ako 'yon din ang ipapa-order ko. "Same as yours." And I smiled tumango naman siya at tumingin sa gawi ni Jamie na parang sinasabing "you heard the lady", ganon kaya tumango naman si Jamie sa kanya saka muling nag-sulat.

"How 'bout yours?" Taas kilay na tanong ni Dylan kay Gab. 'Kala mo bakla eh. Pero joke lang, baka mapatay ako ne'to.

'Di pinagtuunan ng pansin ni Gab 'yong pagtaas ng kilay ni Dylan saka tiningnan si Jamie. "Alam mo na kung ano yung akin." He said as he winked.

'Kala mo naman gwapo, pero joke! Gwapo nga siya, pero mas gwapo pa rin si Dylan. Ay este—ano ba 'ng pinagsasasabi ko?

Inulit muna ni Jamie ang mga inorder namin. "Your order will be serve in approximately 8 minutes." Sabi ni Jamie saka agad na umalis sa aming paningin.

"Errr..." sabi ko, trying to think of a topic, which unluckily, I can't. Kasi, ikaw ba namang nag-iisang babae tapos nasa gitna ka pa tapos yung mga kasama mo mga nag-gwagwapuhang lalaki —ay este, sinabi ko bang gwapo sila? Wala 'yon ah.

"So..." sabi ko ulit tsaka luminga linga sa paligid.

Bakit ang daming nakatingin sa akin? I mean, sa suot ko? At doon ko lamang napagtanto na napaka-sosyal pala ng damit ko eh nandito lang naman kami sa isang karihan.

Agad ko namang iniwas ang aking tingin sa mga taong nakatingin sa akin at pinagmamasdan ako. Baka kasi may makakilala sa akin at isumbong sa aking mga magulang na andito nga ako.

Umayos na ako ng upo saka yumuko. Nakaka-ilang naman ang katahimikan ng mga katabi ko. Nang tiningnan ko sila, para bang naglalaro sila ng staring contest. O hindi? Para kasing may kuryente sa pagitan nila eh, kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa malamig ang mga katawan nila sa sahig.

Naputol ang pagtitigan ng dalawa nang dumating na si Jamie dala dala ang mga order namin. Napatitig ako kay Jamie, kung tutuusin mapagkamamalan mo siyang isang prinsesa. 'Yong kanyang matang parang singkit na at 'yong ilong niyang napaka-ayos saka napaka ganda ng mga ngiti niya. Ngunit bakas sa kanyang mata ang lungkot. Hmm, bakit kaya?

The Slave Princess (Royalty Series #1)Where stories live. Discover now