👸🏼Chapter 12👸🏼

1K 49 30
                                    

Chapter 12
Princess

Ashanti's POV

"Gab?" Ani ko habang nagtatakang nakatingin sa kanya. Ngumiti lang naman siya, hawak pa rin ang payong niya.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong ko. Umupo naman siya sa tabi ko kaya ngayon, hindi na ako nakatingala para lang makita siya.

"Wala lang. Hindi kasi kita nakitang pumasok sa loob, at umuulan na. Kaya hinanap kita, at nakita naman kita rito." Sabi niya habang nakatingin lang sa kawalan.

"Hindi mo naman kailangang gawin 'yon."

"Hindi ko kailangang gawin pero gusto ko kaya hindi mo ako mapipigilan." Sabi niya. Nagkibit balikat na lamang ako at tumingin sa kawalan.

Hindi nag tagal niyaya niya na ako'ng pumasok.

"Ihahatid na kita sa loob? Baka hinahanap ka na ng prinsepe." Aniya kaya napatingin naman ako sa kanya.

Nakatayo na siya ngayon, pero hindi pa rin tumitila ang ulan, kaya pinapayungan niya pa rin ako. Tumayo na ako at nagsimula na kaming mag lakad ng nakatungo.

Tahimik lang kaming naglalakad ng biglang may nagsalita.

"Don't you know? That it is late now and you still have work to do." Napa-angat naman ako ng tingin upang makita ang taong nag salita.

Si Dylan! May payong din siya pero kita sa mukha niya ang inis.

Bakit siya naiinis?

Ayy! Kanina, nakalimutan 'kong naninilbihan ako sa kanila. Ngayon, eto nanaman, pilit akong hinihila papunta sa kanya.

Agad naman akong tumungo. "Patawad po." At tumungo lamang ako ng ilang segundo.

Inangat ko muli ang aking tingin ng maramdaman 'kong may humawak sa kanang braso ko.

Si Dylan.

Napalingon naman ako sa kiwa dahil ngayon, hinahawakan na rin ni Gab ang aking braso.

Napataas naman ako ng aking kilay. Ano'ng trip nila at hinahawakan nila ang braso ko?

"Let's go." Hihilain na sana ako ni Dylan upang mag simulang mag lakad ngunit agad namang nag-salita si Gab, kaya napalingon naman kami sa kanya.

"Ako na po ang maghahatid sa kanya. Bilang isang kawal, tungkulin 'kong isigurado na ligtas ang binibining ito." Sabi niya habang nakatingin sa akin.

Okay? So iisipin ko na lang, iniisip niyang prinsesa nga ako —which is true— kaya kailangan niya akong bantayan. Pero, hindi naman namin siya kawal ah?

"No!" Binitawan ni Dylan ang kanyang kapit sa aking braso at hinilamos niya ang kanyang mukha. Tila, pinapakalma niya ang kanyang sarili.

"I mean. You can go now, ako na ang bahala sa kanya. Besides, she's my slave and I am the prince. Walang mangyayaring masama sa kanya." Mahinahon niyang sabi ngunit bakas pa rin sa kanyang mukha ang pagkakainis.

"Okay. Pero sasamahan ko po kayo." Aniya kaya nag simula na kaming mag lakad. Hindi naman na umangal si Dylan.

Ng makarating kami sa main door, ay nag paalam na si Gab na hanggang dun lang siya. Sinabi ko namang mag ingat siya tapos si Dylan naman, deretso lakad na, kaya hindi nagtagal ang pamamaalam ko kay Gab dahil, agad ko namang hinabol si Dylan.

At dahil basa pa nga ako, nailang ako habang lumalakad sa hallway. Nababasa na kasi yung carpet eh.

*sniff sniff*

The Slave Princess (Royalty Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon