👸🏼Chapter 25👸🏼

633 22 0
                                    

Chapter 25
Princess

Ashanti's POV.

"I like you." Nakangiting sabi niya. Yung ngiting nakakapag bihag ng puso ng babae?

Natigilan ako at tinitigan lang siya.

I like you.

I like you.

I like you.

I like you.

Tila ba parang sirang plakang nagpaulit ulit ang sinabi niya sa pandinig ko.

Alam kong nanlaki ang mga mata ko! Nakakagulat lang ha.

So, ibig sabihin gusto niya ako? Kaya siya nag handa ng gano'n kabonggang dinner kanina?

Anong tawag dun? Date ba?

Omyyy. Isang Prinsipe, nagkagusto sa akin?

I mean hindi naman iba 'yon, may mga ibang prinsepe nang nagkagusto sa akin dati sa school. Pero kasi iba 'to.

Hindi alam ni Dylan na isa akong prinsesa kaya nakakagulat na magkakagusto siya sa akin? Na isa lamang katulong.

Wala akong nakikitang mali na magkagusto ang isang Prinsipe sa katulong, sadyang nakakagulat lang. Tsaka sa ugali niyang yan? Hindi nga kami nagkakasundo eh. Bigla na lang siyang magsasabi na gusto niya ako?

"I like you as a person." Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa dinagdag niya.

Ayan, Ashanti. Dyan ka magaling eh, ang mag-isip ng kung anu-ano. Wag mo kasing bigyan ng kahulugan lahat ng sinasabi niya, lalo na't ang lakas mambitin ng sasabihin 'tong isang 'to.

"I mean, what's not to like you? I want you to be my friend. You're nice to me even if I'm always mean to you. You've taken care of me when I was sick. You even risked your life trying to save me even if you knew you could just wait and let the royal guards do their job. At least let me make it up to you." Wow. I think that's the longest thing that he has ever said to me.

"Wala ka na bang pangbayad sa akin kaya babayaran mo gamit ang pagiging mabait sa akin?" I didn't know where that came from. Natawa naman ako sa sarili kong sinabi, at gano'n din siya.

"No. Hahaha, I just want to know you more." He extended his hand. "So, friends?" Dagdag niya pa habang nakangiti.

Tumaas naman ang kilay ko. "Are you sure you wanna be friends with me? Me that is just a slave?" 'Di ko pa siguradong tanong sa kanya. Mas lalo mamang lumaki ang ngiti sa mukha niya.

"Yes, I'm pretty sure. Shake my hands already, nangangalay na ako." Embes na mainis, natawa na lang din ako sa sinabi niya. Kahit kailan ang yabang niya pa rin.

Nagkibit balikat naman ako bago inabot ang kamay niya.

Parang nag slow motion bigla ang mundo ko ng iniabot ko sa kanya ang kamay ko. Nang magtama ang mga palad namin, parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko kaya napabitaw naman ako.

"Is there something wrong?" Takang tanong niya ng tumingin ako sa gilid ko.

Pinahid ko sa dress ko ang mga palad ko. "Hindi mo ba naramdaman 'yon?" Takang tanong ko.

The Slave Princess (Royalty Series #1)Where stories live. Discover now