👸🏼Chapter 31👸🏼

587 16 1
                                    

Chapter 31
Princess

Ashanti's POV.

Tatlong araw na simula nang nagpalitan kami ng kaalaman ni Leah at ang pag sabi sa akin ni Daenna na alam niya nang isa akong Prinsesa.

Nasabi ko na rin kay Leah na alam na ni Daenna ang sikreto ko.

Simula din ng araw na 'yon, mas lalo kaming napalapit ni Daenna.

Kaming tatlo na ang parating nagkakasama at mukhang na a-out of place naman ang mga lalaki.

Syempre, nagsasama pa rin sina Leah at Erick.

Sinabi na rin pala ni Leah kay Erick na alam niya na ang tungkol sa amin. At sa totoo lang, mas nakita kong mas lalo silang sumaya dahil wala na ang bigat ng katotohanan sa dibdib nila.

Ang tanging tao na lang ang walang ka-alam alam tungkol sa akin ay sina Dylan at ang mga magulang niya, isama na rin ang ibang Royal Guards.

Tuwing break time, nagsasama kami nina Daenna at Leah sa isang table. Sa tabing table naman namin ay sina Dylan at Erick.

Si Amy naman tsaka si Kila—mga personal slave nila Leah—ay sa kabilang table lang din namin.

Parati na naman akong inuutusan ni Dylan ng mga bagay bagay, gaya ng pag kuha ng pagkain para sa kanya at kung anu-ano pa.

Akala ko pa naman mabait na siya sa akin pero masungit na naman. Once a month lang ata 'to nagiging mabait eh.

Pero okay lang naman, bumalik na kasi ang energy ko kaya maayos na pag may ipapagawa siya.

Ngayon ay pauwi na kami. Kasabay kong naglalakad si Leah at Daenna habang nasa tabi nila sina Amy at Kila. So bale ako ang nasa gitna.

Nasa likod naman ang dalawang lalaki at sa likod banda ni Erick ay ang kanyang personal slave. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong pangalan niya.

Napatigil kami sa paglalakad ng bumungad sa harap namin ang karwahe nina Leah.

All I can say is, it's elegant. Color white siya na may red detailing.

"Una na ako, guys." At kumaway siya sa amin at naglakad na papasok. Ngumiti naman ako at kumaway din, ganoon din ang ginawa ni Daenna.

"Ingat!" Narinig ko pang sabi ni Erick sa likod ko. Nag-tss lang naman si Dylan at batid kong naka kunot noo 'yon.

"Take care!" Pahabol pa ni Leah bago isinara ang pinto ng karwahe.

Hindi nag tagal, bumungad naman ang kotse nina Erick at nag paalam naman siya sa amin.

Naramdaman ko pang napatingin sa akin si Daenna ng mag paalam ito. Ngumiti lang ako kay Erick.

"Take care, bro!" Ani Dylan.

At sa wakas, andito na ang kotse nila.

Magkasunod na dumating ang kotse ni Daenna at Dylan.

And yes, hindi sila magkasabay sa iisabg kotse kahit sa iisang lugar lang naman ang punta nila.

The Slave Princess (Royalty Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon