👸🏼Chapter 20👸🏼

707 26 0
                                    

Chapter 20
Princess

Ashanti's POV.

Nagising ako ng dahil sa boses na naririnig ko.

Nanatiling nakapikit ang mga mata ko at pinakinggan siya.

"I don't know why you make me feel this way... Pero ang pinagtataka ko talaga, sino ka ba talaga?"

Gusto ko na sanang idilat ang mga mata ko pero nanatili akong nakapikit.

I heard him sighed and I heard the door closed. Saka ko lamang minulat ang mga mata ko.

Pagkadilat ko'y bumungad sa akin ang kwarto ko. Hindi na ako magtataka, malamang ay dinala na ako dito.

Ilang oras kaya akong natulog?

Sinubukan kong tumayo, nahirapan pa ako ng konti pero nakatayo pa rin ako.

Nakita kong nakabenda ang braso ko pero hindi ko 'yon pinakealaman. Alam kong may sugat ako doon.

Dumeretso ako sa bintana at pinag masdan ang paligid.

Wala na akong makitang katawan na naka handusa sa hardin. Mataas na rin ang sikat ng araw...

Pumunta ako sa live-sized mirror nila at tinignan ang sarili ko doon.

Napakaputla ng mukha ko. Nakasuot ako ng white shirt at maong shorts...

Wait, eto ba ng suot ko nun? Diba, naka black ako nun? Oh my god...

"Oh my God!" Malakas na bulaslas ko.

Napatingin ako sa kabuuan ng kwarto ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin ako sa side table ko at agad ko 'yon nilapitan at kinuha.

"Oh my God!" Malakas na sigaw ko.

Hindi pwede 'to! Paano nila nakita 'to? Nasa loob 'to ng closet ko... Unless...

"WAAAHHH!"

Hindi pwede! Hindi pwede! Hindi dapat nila 'to makita! Paano pag nalaman na nila ang totoo?! Oh my God! At sino naman ang pumalit sa damit ko? Don't tell me si...

"Ashanti?" Agad na bumukas ang pintuan at bungad sa akin si Dylan.

Lalapitan niya na sana ako ng agad ko siyang tinigil. "Wag kang lalapit!" Napaupo ako sa kama ko.

"Why? What the prob-"

"Sabi kong wag kang lalapit!" Malakas na sigaw ko sa kanya kaya natigilan siya.

"Okay, okay. Calm down."

Paano ako hihinahon? Damn!

"Saan mo 'to nakuha?" Takang tanong ko at itinaas ang koronang kawak ko.

Okay, I sound so defensive.

Calm down, Ashanti Lainne... Think. Think!

"At sino ang nag bihis sa akin?" Pahina ng pahina ang boses ko. It's awkward. Napatungo ako sa kabang nararamdaman ko.

Matagal na katahimikan ang nangyari bago siya nag salita.

"Ehem." Aniya kaya napatingin ako sa kanya. "First thing's first, if you're thinking that I'm a pervert then you're wrong," Napatigil naman siya.

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Hindi ba siya naiilang? Ba't kailangan niya pang sabihin 'yon?

"Ang mga maid ang nagbihis sa'yo, kasama din si Daenna at wala ako don. Hindi naman ako ganoon kasama and I respect you, okay?" Napa-iwas tingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

Lumuwag naman ng kaunti ang kabang nararamdaman ko. Akala ko talaga... Salamat na lang dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nangyari 'yon. At mas lalong hindi ko siya mapapatawad.

"And about the crown," napatingin ako sa kanya at alam kong lumaki ang mga mata ko. Alam kong halata na kinakabahan ako. Lalo na't napatigil pa siya sap ag sasalita. Pa-suspense pa ang loko eh!

Okay, Ashanti, calm down! Isipin mo 'yong stroyang ginawa mo nung nakaraang buwan. Oo tama! Yun nga ang sagot sa tanong niya! At ang dahilan para mabuhay ako. Ha! Ang tali-talino mo talaga, Ashanti!

Napangiti ako ng kaunti.

"Daenna found that in your closet..." Dahan dahang sambit niya. As if he's asking me what's with the crown.

"If you're curious about the crown, it's not mine... It was my bestfriend's crown. The one that passed away. The King and Queen gave it to me so that I can remember her. This is all that I have left of her, kaya tinago ko ito sa cabinet." I confidently said. Masyado na akong fond sa pag lie. Feeling ko nga, buong buhay ko ay kasinungalingan lamang. But this feeling, this unknown feeling feels so real. And I know I've never felt this kind of feeling before. Sana nga ay nagkakamali lamang ako.

"Okay, uhm..." bakas sa tono ng kanyang pagsasalita na naniniwala siya sa sinabi ko. Buti naman dahil hindi ko na alam ang mangyayari sa akin pag nahuli ako! Frederick's a great man but he's just not the right one for me.

"I'll let you rest first. Call me if you need anything, wag ka munang magpapagod." Natigilan naman ako sa sinabi niya. Nag-aalala ba siya? Pero nanlumo naman ako sa sunod niyang sinabi, "Don't get me wrong, okay? Don't think that I care for you, it's just... I don't want this to affect your work. Plus, I owe you one for saving me."

Ayun nga, sinabi ng wag umasa. Psh, binawi mo pa! Okay na yun eh. Okay na, dinagdagan pa, tss.

"Okay..." wala sa sariling sabi ko.

Aalis na sana siya ng pigilan ko siya. "Wait!" Napatayo ako.

Tumigil siya at nilingunan ako. "What?"

"Uhm... Ilang araw akong natulog?" Napayuko ako. Nakakahiya kasi. Pakiramdam ko tuloy ang baho baho ko na.

"Mag dadalawang araw na. Don't worry, maganda ka pa rin naman, at mabango pa rin." May binulong siya pero hindi ko na 'yon narinig.

Pero wait, dalawang araw na? Shocks! Nakakahiya! "Ha?" Wala sa sariling nabulaslas ko.

Natawa naman siya kaya sumalubong ang kilay ko. "What?!" Mataray na tanong ko sa kanya. Kung may problema siya sabihin niya lang sa akin, tss! Ilang araw akong hindi naligo dahil tinulungan kita! Tss.

"Nothing," iling iling niyang sabi at tumalikod na. "I'll go now." At hindi niya na hinintay ay sagot ko at agad nang lumabas ng silid.

Napatingin naman ako sa hawak hawak ko. Bumuntong hininga naman ako. Malapit na 'yon ah.

Maingat akong pumunta sa closet ko at nilagay ang korona sa kung saan ko 'yon iniwan.

What's the point of hiding it? Nakita na nila eh.

Mabilis akong kumuha ng damit at agad na naligo. Ang lagkit pa rin ng pakiramdam ko eh! Akalain mong dalawang araw akong hindi naligo?! Ghad. Tinanggal ko muna ang bendang nasa braso ko at nag simula nang maligo.

Mabilis akong natapos sa pag ligo at agad na nagbihis. Tinuyo ko muna ang basa kong buhok bago umupo sa kama ko.

Kinuha ko ang first aid kit na nasa side table at mag-isang nilgyan ng benda ang sugat ko.

Hindi naman masakit pero may mga dugo pa rin na lumalabas. Hindi naman ako takot sa dugo kaya okay lang. Pero kailangan ko itong alagaan dahil pag nakita 'to kung sakali ng Reyna, malamang ay papagalitan ako.

Natigilan naman ako sa ginagawa ko ng dahil sa naisip ko.

Wala nga pala ako sa puder nila...

Miss ko na sila. Napahiga ako at nag simula ng umiyak.

If you'll only let me choose whom I marry, then I'll come back home.

At sa hindi namamalayan, nakatulog na pala ako.

The Slave Princess (Royalty Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon