👸🏼Chapter 11👸🏼

893 58 38
                                    

Chapter 11
Princess

Ashanti's POV

"Kilala niyo ba si, Lainne?" Tanong ni Dylan na nakapagpalaki ng aking mga mata.

Parang biglang tumigil ang mundo ko sa kanyang tinanong. Hindi ko alam kung gagalaw ba ako o hindi. Tumigil din ako sa pag-hinga ko. Napansin ko'ng natahimik din sina Leah at Erick.

Bakit niya natanong yun? And take note, ang topic namin kanina ay tungkol sa mga pagkaing nasa harap namin. And speaking of pagkain, nakalimutan ko'ng kumakain pala ako. So I end up, choking.

Agad naman akong binigyan ni Dylan ng tubig at agad ko iyong kinuha at ininom.

Pagkatapos uminom ng tubig, tiningnan ko si Dylan na nakatingin sa akin gamit ang nag-aalalang mukha niya?! Sandali, hindi ako sigurado kung nag-aalala ba talaga siya dahil mahirap na't maraming namamatay sa maling akala.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya at tumango lang naman ako.

"Bakit ka nabulunan? Kilala mo ba si Lainne?" Mas lalo lang namang nanlaki ang aking mata! Sana'y hindi niya iyon napansin.

Agad naman ako umiling-iling. "Hindi. Hindi ko siya kilala, ngunit pamilyar ang pangalan niya. Tsaka, nabulunan ako dahil..." napatigil ako, tila nag-iisip sa kung ano'ng palusot ang aking sasabihin. "dahil... ewan ko!" At tumawa ako ng pilit.

Napatango naman siya ngunit bakas sa mukha niya ang pag-aalinlangan.

Nilingunan ko naman ang dalawa na nakatingin lang sa amin ngayon. Pinanlakihan ko sila ng mata tila sinasabi ko'ng "Tulungan niyo naman ako dito. Ngunit wag kayong gagawa ng bagay na makakapaglagay sa akin sa kapahamakan". At agad naman nilang nakuha ang aking pinapahiwatig kaya, agad namang nag salita si Erick kaya agad kong ibinaling ang tingin ko sa kanya. Pinagmamasdan siya kung ano'ng sasabihin niya dahil once na mali ang kanyang sinabi'y hindi ko na alam kung ano'ng magagawa ko sa kanya.

Sumulyap naman siya sa gawi ko bago niya muli ibinaling ang kanyang tingin kay Dylan. "Ako rin. Pamilyar lang ang pangalan ngunit hindi ko siya kilala." At nag kibit balikat pa siya.

"Ehem." Ani Leah na nilagay pa ang kanyang kamao sa harap ng kanyang bibig. Tila kinukuha ang aming atensyon. Gaya ng kanyang inaasam, lahat naman kami'y napatingin sa kanya.

"What?!" Inis na sabi ni Dylan.

"Chill dude!" Sabi ni Leah at inayos-atos muna ang kanyang sarili bago mag salita muli. "I know her." And she smiled widely at me.

Agad namang nanlaki ang mata ko at nanlulumo na ako. Wala na, patay na ako.

"She's my bestfriend." Pagpapatuloy niya. Kung wala lamang si Dylan dito ay baka nabatukan ko na siya o baka tinakpan na ang kanyang bibig. Gusto kong sumigaw at mag tantrums kaso syempre, nanatili akong tahimik at nakinig.

Nagdasal na rin ako na wag sana akong ibuking ni Leah. Ng biglang, nagsalita ulit siya. "Kaso, nawawala siya eh." Nagkibit-balikat siya at kumuha ng mango pie na nasa harap niya at kinain yun.

"Bakit mo pala natanong?" Tanong ni Leah habang hindi pa tapos ngumuya.

Prinsesa ba talaga ang isang 'to? Kung maka kain, wagas. Table manners? Tinuro na yun sa amin ah? Almost every semester pa nga eh.

The Slave Princess (Royalty Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon