👸🏼Chapter 39👸🏼

705 16 1
                                    

Chapter 39
Princess

Ashanti's POV.

Isang linggo na simula ng gumanap ang royal date nina Dylan at Leah.

Simula nun, naging mailap na rin sa akin si Dylan. Hindi kami masyadong nag-uusap at awkward na rin kami sa isa't isa parati.

Not that I complain. Sadyang hindi lang ako sanay, I mean... okay lang naman kami eh, (special) friends pa nga raw eh. Hindi na kasi ako sanay na ang cold niya sa akin. Si Daenna kasi parating wala sa palasyo dahil andoon sila ni Leah sa school para iplano ang birthday ni Dylan kaya hindi kami puwedeng magka-sabay.

Kaya ito ako ngayon, andito lang sa palasyo, nagmumuni-muni dito sa garden. Wala kasi akong magawa at hindi ko naman alam kung nasaan si Dylan. May gagawin daw kasi muna siyang importante at hindi ako pwede do'n. Siguro ay may pag-uusapan sila ng parents niya.

Naglalakad ako sa gitna ng mga naka hilarang halaman ng biglang may tumakip sa bunganga ko. Tinry ko pang lumaban pero tuluyan na akong kinain ng dilim.

-

Nagising ako dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana... Teka, ang naaalala ko, nasa garden ako ng palasyo at naglalakad. Tapos may biglang tumakip ng bibig at ilong ko dahilan para mahimatay ako.

Napabalikwas ako sa kamang hinihigaan ko. Wait, kung na kid-nap ako, bakit ako natutulog sa isang napakaganda at napakalambot na kama?

Inilibot ko ang aking mata sa kabuuan ng kwartong 'to at agad naman akong namangha sa ganda ng pagkakadisenyo sa silid.

Nasa isang hotel ba ako?

Kulay puti ang main color ng kuwarto. May mini sofa rin sa kanang banda ng kama ko. Tapos may nakita akong isang pintuan na hindi gaano kalaki tulad ng isa na batid kong para sa comfort room.

Ang ganda naman dito. Tumayo ako at sumuot ng tsinelas at lumabas para tumungo sa veranda. Agad akong napanganga sa ganda ng makita ko ang beach na nasa harapan ko na!

Konti lamang ang mga tao at palubog na rin ang araw.

Sa hindi kalayuan ay may mga nakahilerang mga puno at may malalaki ring bato.

Paano pala ako napunta rito? Sinong nag dala sa akin? At bakit ako dinala rito?

Hindi ko alam ang dahilan ngunit napangiti na lamang ako sa aking nakita. Kitang kita mo ang white sand sa dagat dahil asul na asul ang kulay ng tubig. Pero hindi 'yong hindi mo na makikita ang sa baba.

Napayakap ako sa sarili ko at napapikit dahil sa lakas ng ihip ng hangin. Kung sino man ang nag dala sa akin dito, hindi ko alam kung pasasalamatan ko ba siya o ano.

Naiinis ako dahil bakit kailangan pa akong patulugin para lang makapunta rito. Ngunit hindi rin naman ako nagsisisi dahil sa ganda ng tanawin.

Napalingon ako ng may narinig akong pagsara ng pinto at agad na sumilip sa loob.

"Prince Dylan?" Gulat na sabi ko ng siya ang matanaw ko.

Naka beach shorts siya tapos naka white polo at naka sun glasses. Medyo magulo rin ang buhok niya pero nakangiti siya sa akin ngayon.

"You're awake." Aniya. Hindi ko alam kung saakin ba siya nakatingin o hindi pero sure akong, ako ang kausap niya.

"A-Ah hehe. O-Opo." Sagot ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko eh.

Ngayon ay nasa harapan ko na siya at nasa veranda na kaming dalawa.

"I'm sorry." Sabi niya sabay tanggal ng glasses niya kaya ngayon ay kitang kita ko na ang kanyang magagandang mga mata.

The Slave Princess (Royalty Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon