3

10.3K 210 85
                                    

Sana's POV

Nandito ako ngayon sa cafeteria hinihintay mga kasama ko habang naka-upo at naka-dukdok naman ang mukha ko sa mesa.

Ang tagal naman ng mga yun.

"Bakit parang down na down ka Sana?" Tanong ni Jihyo at naupo.

Sa wakas dumating na rin.

Inayos ko naman ang upo ko.

"Oh gosh Sana!" Gulat na sabi ni Momo.

"Ano nanaman?" Takang tanong ko.

"Wala lang. Lalo kang pumangit."

Bwisit talaga tong Hirai na'to!

"Bakit nga parang gloomy ka ngayon?" Tanong ulit ni Jihyo.

Hindi ko pwedeng sabihin na iniisip ko yung ginawa ng manyak na yun!

"Hindi lang naka-tulog ng maayos." Kibit balikat kong sabi. "Saan ba kayo pumunta, bakit ang tagal niyo?"

"Ito kasing---"

Hindi na natuloy ni Jihyo ang sasabihin niya ng biglang tinakpan ni Momo ang bunganga niya.

"Ito kasing si Momo may nilagay pa sa locker ni Dahyun." Tuloy ni Mina.

"HAHAHAHAHAHAHA!" Malakas kong tawa.

"Bakit mo sinabi Mina?!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Momo.

"Wag mo ngang sisihin si Mina." Natatawa kong sabi kay Momo.

"Eww Momo! Ang alat ng kamay mo!" Nandidiring sabi naman ni Jihyo.

"Wala naman kasi akong sinabing tikman mo!" Inis na sabi ni Momo kay Jihyo.

"Ano namang nilagay mo sa locker ni Dahyun?" Pang-aasar kong tanong kay Momo.

"Wala ka na dun!" Sagot naman ni Momo.

"Mina? Anong nilagay ni Momo?" Tanong ko pero kay Mina na naka-tingin.

Mag-sasalita na sana si Mina ng biglan sumingit si Momo.

"Subukan mong sabihin isisigaw ko dito na may gusto ka kay---"

"Subukan mo Momo." Biglang sabi ni Mina at tinakpan din ang bunganga niya.

Ano namang meron kay Mina?

"Ang weird niyo guys." Iling kong sabi.

"Nagugutom ako."

Kilala niyo na kung sino yan. -_-

"Bumili ka." Utos ni Jihyo.

"Bilhan mo'ko." Pa-cute na sabi ni Momo kay Jihyo.

Yuck! >_<

"Momo tigilan mo nga yan! Amin na nga yang pera mo." Sabi ni Jihyo.

"Wala akong pera." Naka-pout na sabi ni Momo.

Magpapa-bibili ng pagkain wala naman palang pera.

"Aiish!" Inis na sabi ni Jihyo at pumunta ng counter para bumili.

Nakita naman naming nag-lalakad sila Dahyun.

"Dahyun!" Malakas kong sigaw habang naka-taas ang isang kamay para madali akong makita.

Tinuro naman ako nila Dahyun. Wait teka kasama niya yung manyak?

Kaasar!

Nakita ko namang namula si Momo kasi tumabi si Dahyun sa kanya. Wag niyo ng tanongin tumabi nanaman sa akin tong manyak na'to.

Inlove With A Perverted Girl!? || SatzuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon