17

5.2K 147 53
                                    

Sana's POV

Bakit parang ang tagal naman ni Tzuyu dumating kanina pa ako nag-hihintay dito sa labas ng bahay.

Chewy saan ka na?

Text ko sa kanya habang tumitingin-tingin sa paligid baka dumating na siya. Nag-vibrate naman ang phone ko at binasa ito.

Hon sorry hindi ako makaka-pasok. Susunduin ka nina Chaeng at Dahyunnie sa bahay niyo. I love you! 😘

I love you too. 😘

Nag-hintay naman ako ng onti at saktong may humintong sasakyan sa harap ko at nakitang sila Chaeng at Dahyun na pala.

"Hop in Sana-unnie." Masayang sabi naman ni Chaeng.

Sumakay na ako sa likod. Nag-start naman ng mag-drive si Chaeng.

"Morning maknaes." Bati ko sa kanila.

"Morning Unnie!" Bati rin nila.

"Bakit hindi makakapasok si Chewy?" Tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan muna sila bago sumagot si Chaeng.

"May ginawa sa bahay nila Unnie."

Tumango lang ako sa kanya.

May tinatago talaga tong tatlong to.

Mga ilang minuto lang ay nakarating na kami sa school. Hinatid naman nila akong dalawa hanggang sa room at dumiretso rin sila agad sa room nila.

"Naka-simangot ka Sana?" Tanong ni Jihyo pagka-upo ko sa tabi niya.

"Napapadalas na kasing absent si Tzuyu, kung hindi absent maagang umuuwi."

"Yun naman pala e!" Sabi ni Momo habang pumapalakpak.

"Namimiss na e!" Dugtong naman ni Mina sa kanya.

"Lagi na nga kayong mag-kasama." Iling na sabi ni Jeongyeon-unnie sa akin.

"Alam niyo mag-lakad-lakad na lang tayo." Suggest ko sa kanila. "Tutal wala naman tayong gagawin."

"Puntahan muna natin yung dalawa sa room nila."

Tumango naman kami sa sinabi ni Nayeon-unnie at pumunta ng room nila Dahyun.

Nakita naman namin silang nag-kwe-kwentuhan sa gilid ng room nila.

"Chaeyoung! Dahyun!" Sigaw ni Jeongyeon-unnie.

Napatingin naman sila sa amin at nag-lakad palabas ng room nila.

"Bakit kayo nandito Unnies?" Tanong ni Chaeyoung sa amin.

"Lakad-lakad muna tayo." Sabi ko sa kanila.

"Doon na lang tayo sa music room." Suggest naman ni Dahyun kaya tumango kami sa kanya at dumiretso na sa music room.

Pumunta naman sa stage sina Dahyun at Jihyo kasama si Nayeon-unnie at naupo naman ako sa tabi ni Momo habang pinapanuod niya si Dahyun. Nag-text naman sa akin si Tzuyu.

Tzuyoda: Hon, what are you doing now? I miss you! 😘

Sanaganda: Naka-upo dito sa music room. I miss you too, bakit ba hindi ka pumasok?

Tzuyoda: May ginagawa lang dito sa bahay. Eat your lunch okay?

Sanaganda: Ofcourse, you too.

Tzuyoda: Gotta go hon, I'll call you later. Bye, I love you. 😘

Sanaganda: I love you too! 😘

Inlove With A Perverted Girl!? || SatzuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon