40

3.4K 82 4
                                    

Sana's POV

"Umma!" Sigaw ko ng maka-pasok ako sa bahay.

Nakita ko namang nag-lilinis si Umma ng bahay kaya nilapitan ko siya at hinalikan sa pisnge.

"Bakit?" Tanong niya sa akin.

Naupo ako sa sofa at tinaas ang paa ko sa centre table. Pinalo ni Umma yung paa ko kaya binaba ko na lang.

"Iniimbitahan tayo nila Mr. and Mrs. Zhou na mag-dinner." Sabi ko kay Umma.

"Sige mag-ayos ka na." Utos sa akin ni Umma. "Sasabihin ko na lang sa Appa mo."

"Saan ba siya Umma?"

"Nasa kwarto." Sabi ni Umma. "Mag-bake lang ako ng cookies ibibigay ko sa kanila."

"Sige Umma." Sabi ko at pumasok ng kwarto ko.

Nag-bihis na ako ng simple dress at nag-apply ng light make-up. Inayos ko na ang buhok ko at sakto namang nag-ring yung phone ko kaya sinagot ko yung tawag ni Tzuyu.

Hello Hon?

Hello?

Susunduin ko kayo.

Okay. Tapos ka ng mag-bihis?

Yep. Actually nasa tapat na ako ng bahay niyo.

What!? Wait mo'ko diyan.

Dali-dali ko namang pinatay yung tawag at pumuntang sala.

"Nag-mamadali ka?" Tanong ni Appa sa akin habang tinutulungan si Umma mag-lagay ng cookies sa box.

"Nasa labas na daw po kasi si Tzuyu."

"Papasukin mo." Sabi ni Umma.

Binuksan ko na yung pinto at pinapasok si Tzuyu. Hinalikan naman niya ako sa pisnge at nag-bow kayla Umma.

"Maupo ka muna Tzuyu." Sabi ni Appa.

Naupo na si Tzuyu sa sofa. Pumunta naman akong room ko at inayos ang buhok ko. Bigla namang may yumakap sa likod ko at hinalikan ako sa leeg.

"You're so beautiful Hon." Bulong niya sa akin.

Humarap na ako sa kanya at kiniss siya sa lips pero smack lang.

"You too Chewy." Sabi ko din sa kanya.

Umalis na ako sa pagkakayakap niya at hinila siya palabas ng kwarto.

"Tara na." Sabi ni Umma.

Lumabas na kami ng bahay at sinara na nila Appa yung pinto. Pinag-buksan na kami ni Tzuyu ng pinto ng sasakyan niya at dumiretso sa restaurant na pina-reserve siguro nila Tito. Pinark na ni Tzuyu yung kotse niya at pumasok na kami sa loob ng restaurant.

"Goodevening ma'am what can I do for you?" Tanong nung receptionist kay Tzuyu.

Mayaman talaga sila.

"Reserve for Mr. and Mrs. Zhou."

"This way ma'am." Sabi nung waiter.

Sinundan namin yung waiter at nakita naming nag-kwe-kwentuhan sila Tito kasama yung pinsan ni Tzuyu.

Siguro yun yung Elkie.

"Oh you're here!" Sabi ni Tito na halatang masaya.

"Goodevening Tito, Tita, Mark and Elkie?" Patanong kong bati ng bigkasin ko yung pangalan ni Elkie.

"Have a seat." Sabi ni Tita.

Naupo na kami sa tapat nila Tita.

"Para sa inyo pala tong cookies." Sabi ni Umma at inabot kayla Tita yung cookies.

"Nag-abala pa kayo." Naka-ngiting sabi ni Tita.

"Pasensya na kayo wala kaming maibibigay sa inyo." Sabi naman ni Tito.

"Okay lang." Sabi din ni Appa.

Kinuha ko naman yung pinabili ko sa bag ko. "Ahhmm Tito, Tita para sa inyo po pala."

"Thank you Sana." Sabay nilang sabi.

Inabot ko na din kay Mark at Elkie yung pinabili ko sa kanila at nag-thank you din sila sa akin.

"Sa inyo po pala tong mugs na'to." Sabi ni Tzuyu at inabot kayla Umma yung mugs.

"Salamat Tzuyu." Sabi din nila Umma at Appa.

Eksakto namang dumating na yung pagkain kaya nag-start na kaming kumain.

"Ang ganda mo pala Sana!" Sabi ni Elkie habang naka-ngiti sa akin.

"Thank you!" Sabi ko din sa kanya habang naka-ngiti.

"Bagay na bagay talaga ang mga anak natin." Sabi ni Tito sa amin.

Ngumiti lang kami ni Tzuyu sa kanya.

"Ang dami ng nag-sabi na bagay tayo Hon." Bulong ni Tzuyu sa akin.

Kinurot ko siya sa tagiliran at nagpa-tuloy na kumain.

"Sinabi mo pa." Sabi din ni Appa at nagsi-tawanan sila kasama si Mark at Elkie.

"Kaso nga lang mabagal tong anak ko e." Iling na sabi ni Tito.

Huh?

"Dad!~" Parang batang sabi ni Tzuyu sa kanya.

"Anong mabagal?" Tanong ni Umma kay Tito.

"Ang ibig niyang sabihin mabagal siyang gumalaw." Palusot ni Tita kay Umma.

"Lalo naman tong si Sana." Turo ni Umma sa akin.

Kaylan talagang sabihin!?

Pinunasan ko na yung gilid ng labi ko gamit yung handkerchief. Nagpa-alam na kami sa kanila na lalabas kami. Pinayagan naman kami at hinayaan ng lumabas.

Naupo kami sa likod ng kotse niya habang yung braso niya nasa bewang ko.

"Ang weird talaga ng mga magulang natin." Pag-uumpisa ko sa topic.

Hinalikan naman niya ako sa ulo at naramdaman kong tumango siya kasi nakapatong yung ulo niya sa ulo ko.

"Hon."

"Hmmm?"

"Close your eyes please?"

Pinikit ko na yung mata ko at naramdaman kong inalalayan niya akong umalis sa likod ng kotse niya.

"Pwede ko ng buksan mata ko?" Tanong ko sa kanya.

"Yes Hon."

Binuksan ko na yung mata ko at tumambad sa akin yung malaking squirrel plushy sa mukha ko. Kinuha ko yun at niyakap ng mahigpit.

"Ang cute!" Sigaw ko habang yakap-yakap pa rin yung plushy na binigay niya.

Pumunta siyang likod ko at naramdaman kong may malamig na parang bakal na pumalibot sa leeg ko.

Letter T yung nakalagay sa necklace.

Humarap ako sa kanya with teary eyes at mas lalong hinigpitan yung yakap ko sa plushy.

"Why are you crying?" Nag-aalala niyang tanong sa akin.

Umiling lang ako sa kanya at pinunasan niya yung luha ko gamit yung thumb niya.

Ni-back hug niya ako habang tinitignan namin yung stars.

"I love you Hon."

"I love you too Chewy."

Pinaharap niya ako at hinalikan ako sa labi habang nasa-gitna namin yung plushy na binigay niya.

Fireworks!

Inlove With A Perverted Girl!? || SatzuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon