Sana's POV
Inaayos ko na ang mga books ko para maka-tulog na, bukas pa naman exam namin sa lahat ng subject. Ang sipag ko diba ni-review ko lahat ng subjects ko. PUAHAHAHA!
Nahiga naman na ako sa kama ko at pinikit na ang mga mata ko. Bigla namang nag-ring ang phone ko.
Kainis hindi ko na-silent. -_-
Kinapa ko naman ang phone ko sa gilid ng kama at sinagot ito ng hindi tinitignan kong sino ang tumawag.
"Hello." Sabi ko halatang inaantok dahil sa boses ko.
"Hon." Kilala niyo na kung sino yang tumawag.
Chewy!
Masigla kong bati at niyakap ang unan ko habang naka-higa pa rin sa kama.
Matutulog ka na?
Oo, pero tumawag ka. Bakit ka ba tumawag?
Wala lang, just to check on you.
By the way nag-review ka na ba?
Yep hon.
Lahat?
Yes. Inaantok ka na ba?
Oo pero gusto pa kita kausap.
Narinig ko namang tumawa siya ng mahina.
Go to sleep may exam pa tayo bukas.
But--
No buts. Goodnight hon.
Goodnight.
I love you.
I love you too.
Pinatay ko na ang tawag at nilapag ko naman na ang phone ko sa gilid at natulog na.
-----
Kasabay kong nag-lalakad si Tzuyu papunta sa room ko para i-hatid ako habang naka-akbay siya sa akin.
Huminto kami eksakto sa pinto ng room ko at tinignan siya sa mata.
"Goodluck sa exam." Naka-ngiti niyang sabi while squeezing my hand.
Tumango naman ako sa kanya at hinalikan siya sa pisnge. Umalis naman na siya at naupo na ako sa tabi ni Jihyo.
Mag-sasalita na sana si Jihyo para siguro barahin nanaman ako pero sakto namang dumating na si prof kaya nag-start na kaming mag-exam.
"Grabe sumakit ulo ko!" Sigaw ni Momo. Katatapos lang kasi ng exam namin at nag-text sa akin si Tzuyu na mag-kita raw kami sa cafeteria kasama niya kasi yung dalawa.
Naupo naman ako sa tabi ni Tzuyu at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Hon, punta tayong gym." Bulong niya sa akin at hinila ako patayo.
"Hoy saan kayo pupunta!" Narinig naming sigaw ni Jeongyeon-unnie pero hindi namin siya nilingon at nag-lakad na kami papunta ng gym.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko kay Tzuyu.
"Tuturuan kitang mag-volleyball."
"Ayoko!"
"Sige na!"
"Ayokooo!"
Hindi talaga ako marunong.
"Sige na please!"

YOU ARE READING
Inlove With A Perverted Girl!? || Satzu
Fanfiction|| Highest ranking in Fanfiction #48 || "I'll never fall for her!"