51

3.4K 86 32
                                    

Sana's POV

"Sana sigurado ka bang papasok ka na?" Tanong ni Umma sa akin habang inaayos ang pinagkainan namin nila Appa. "Tignan mo nga yang mata mo."

Tumayo na ako at sinabit ang bag ko sa balikat ko. "Opo Umma, wala naman po kasing mangyayari kapag umiyak lang ako mag-damag sa kwarto ko."

"Pero sana maayos niyong dalawa yan." Singit ni Appa. "Ayaw kong nahihirapan ka."

Nanahimik na lang ako sa sinabi ni Appa at lumabas ng bahay. Nag-lakad na ako papuntang school since walking distance lang naman. Pinipilit pa nga ako ni Chaeyoung na sumabay na ako sa kanila ni Mina pero baka maka-abala lang ako sa kanilang dalawa.

Yun nga ba yung excuse mo?

Sa ngayon ayaw ko munang maka-usap si Tzuyu kasi nasasaktan pa rin talaga ako kapag naaalala ko yung scene na yun.

Pagkarating ko sa gate ng school dumiretso na akong nag-lakad papuntang room ko. Lahat ng estudyante nakatingin sa akin na may halong pagtataka siguro dahil hindi ko kasama si Tzuyu ngayon.

Hindi ko na lang sila pinansin at nag-lakad lang ng diretso papuntang room ko habang nakayuko para hindi sila makita.

At para hindi ko rin siya makita.

Pagkarating ko sa room ko naupo ako ng padabog sa tabi ni Jihyo at pinatong ang ulo ko sa kaliwang kamay ko.

"Sa sobrang kalandian." Pag-aasar sa akin ni Jihyo. "Nasaktan!"

Kainis pwede naman niya akong i-comfort.

Inirapan ko lang siya at tumingin na sa labas. Nahagip ng mata ko si Tzuyu kasama si Dahyun.

Galit pa rin si Chaeyoung sa kanya.

Napatingin naman si Tzuyu sa room namin kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Yung dating kalandian mo pero ngayon iniiwasan mo."

"Ewan ko ba Jihyo kung kino-comfort mo ako o inaasar." Inis kong sabi sa kanya at hinampas sa kanya yung librong hawak ko.

Inirapan naman ako ni Jihyo. "Pag-explain-nin mo kasi hindi yung nag-wo-walk out ka agad-agad."

"Oo nga hindi mo pa naman alam yung side niya." Pag-sangayon naman sa kanya ni Momo.

"Sa masakit e!" Sagot ko sa kanilang dalawa.

"Mas masakit naman yang hindi kayo nagpapansinan!" Singit ni Nayeon-unnie.

"Unnie naman e!" Parang batang sabi ko sa kanya.

"Kasalanan mo kasi Sana." Sabi ni Mina. "Impakta ka."

Ang ganda ko kaya! -_-

"Manahimik na nga kayo." Inis na sabi ni Jeongyeon-unnie. "Naririndi ako sa inyo."

Hindi na namin siya pinansin at sakto ng dumating si Prof kaya nakinig na kami at nanahimik.

-----

"Dadaan lang ako ng locker saglit." Paalam ko sa kanila.

"Sige!" Sigaw ni Jihyo. "Sunod ka na lang sa cafeteria!"

Tumango lang ako sa kanya at nag-lakad papuntang locker room pero syempre nakayuko.

Pagkapasok ko ng locker room nilagay ko na ang mga librong hindi ko na gagamitin.

Pagkaharap ko sa pintuan nakita ko si Tzuyu nakatayo habang nakatingin sa akin. Napaatras ako palayo sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Walang ganang tanong ko sa kanya pero hindi siya tinitignan sa mata.

Nakakalusaw kasi ang mga titigb niya.

"Ho---"

"I said don't call me that!"

"Sa-sana." Pag-uulit niya at lumapit da akin at hinawakan ako sa balikat.

Nag-pumiglas ako para mabitawan niya ako at lumayo sa kanya.

"Please let me explain." Malambing niyang sabi.

Sana WAG kang magpapa-hulog sa mga boses niya.

"Ayaw kitang maka-usap ngayon Tzuyu." Sabi ko at nag-lakad papuntang pinto pero hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. "Tuloong!!" Sigaw ko at pilit na umaalis sa mga yakap niya. Naramdaman ko na lang na parang nababasa ang uniform ko.

Umiiyak siya. Umiiyak si Tzuyu.

Pero hindi ako nag-pa-apekto sa kanya at patuloy pa rin sa pagsigaw. Narinig kong bumukas ang pinto at nakita sila Chaeyoung kasama sila Jihyo.

Teka bakit nandito sila Jihyo? Akala ko nasa cafeteria sila?

"What the fuck are you doing Tzuyu!?" Sigaw ni Chaeyoung at hinila ako papalapit sa kanya. Nanahimik lang si Tzuyu habang tinitignan ako.

Dali-daling lumapit si Chaeyoung papunta kay Tzuyu at tinulak siya ng malakas dahilan ng pag-upo ni Tzuyu.

"Chaeyoung!" Galit na sigaw ni Dahyun. Dali-dali ding lumapit si Jeongyeon-unnie at Momo sa kanya at inalalayan siyang makatayo.

"What Dahyun-unnie!?" Pasigaw na tanong ni Chaeyoung sa kanya. "Sa kanya ka kakampi!? Sinaktan niya si Sana-unnie! Akala ko nag-bago ka na Tzuyu but you didn't!"

Nakita ko namang namula si Tzuyu dahil sa galit at tumakbo papunta kay Chaeyoung at sinuntok sa mukha. "You don't know what happen Cheyoung so shut up your fucking mouth." Galit niyang sabi at lumabas ng locker room.

Tinulungan naman siya ni Mina para makatayo ng maayos. Lumapit din si Dahyun kay Chaeyoung.

"What?" Walang ganang tanong ni Chaeyoung kay Dahyun.

Huminga ng malalim si Dahyun bago mag-salita. "Wala akong kinakampihan sa inyong dalawa pero please Chaeyoung wag kang magalit sa kanya."

Tumingin din si Dahyun sa akin. "I know Sana-unnie hindi mo siya mapapatawad ngayob but please pakinggan mo naman siya." Umalis na siya at sinundan naman siya ni Momo.

Tumulo na lang ang luha ko sa lahat ng nangyari ngayon. Lumapit sa akin si Jeongyeon-unnie, Nayeon-unnie at Jihyo at niyakap ako ng mahigpit habang si Mina naman ay kay Chaeyoung.

"Matatapos din to Sana." Pag-a-assure sa akin ni Jihyo habang ni-ra-rub ang likod ko.

Hinatid na nila ako hanggang bahay at dumiretso na akong kwarto ko. Nakita ko yung necklace na binigay ni Tzuyu sa akin. Naka-patong lang sa study table ko. Kinuha ko yun at tinitigan lang.

"Nakaka-inis kung kaylan hulog na hulog na ako sayo kaysa naman tayo magkaka-ganito." Sabi ko sa necklace na hawak ko. Nilapag ko na ulit ito sa study table at tinignan naman ang plushy na bigay niya sa akin.

Suot pa rin niya yung t-shirt ni Tzuyu.

Napangiti na lang ako sa plushy at nilagay sa gilid. Ayaw kong ma-amoy si Tzuyu mas lalo ko lang kasi siyang nami-miss.

"Sana! Lumabas ka na diyan!" Tawag sa akin ni Umma. Pinunasan ko muna ang luha ko at nag-ayos ng sarili bago lumabas ng kwarto.

Inlove With A Perverted Girl!? || SatzuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon