29

4.4K 105 20
                                    

Sana's POV

"Ouch!" Sigaw ko at tinignan ang sugat ko sa tuhod na dumudugo.

"Hon!" Sigaw din ni Tzuyu at tumakbo papalapit sa akin.

Inalalayan naman niya akong maupo sa bench. Lumuhod siya sa harap ko habang tinitignan ang tuhod ko.

Nasa park kami malapit sa bahay.

"Napaka-clumsy mo talaga." Sabi niya at pinunasan ng panyo ang sugat ko.

"Bakit ba kasi tayo nag-laro ng habulan!?" Reklamo ko sa kanya.

"Sorry." Sagot niya. "Yan ayos na."

Umupo na siya sa tabi ko pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Naka-tagilid kasi ako sa kanya habang naka-cross arms.

"Hon." Tawag niya sa akin at hinalikan ako sa pinge habang naka-yakap sa waist ko.

"Hon!" Sigaw niya kaya tinignan ko siya ng masama.

"Wag ka ngang sumigaw." Sabi ko at pinalo siya sa braso.

"Hindi mo kasi ako pinapansin."

Napailing naman ako sa sinabi niya at hinila na siya patayo.

"Kaya mong mag-lakad?" Tanong niya sa akin habang naka-tayo pa rin.

"O.A mo!" Sabi ko sa kanya. "Nasugatan lang ako hindi nabalian ng buto."

"Tinatanong ko lang!"

Aba't!

"Sinisigawan mo ba ako Zhou Tzuyu?!"

"No Hon." Sagot niya. "Piggy back ride na kita dali!"

"Ayoko nga!"

"Why?"

"Yang kamay mo kasi kung saan-saan napupunta!"

Kainis! Ang manyak kasi!

"Hindi promise."

"Kapag talaga!"

Nag-squat na siya sa harap ko at umakyat na ako sa kanya. Nilagay na niya ang dalawa niyang kamay sa ilalim ng thighs ko para hindi ako mahulog. Pinalibot ko naman ang braso ko sa leeg niya.

"Mabigat ba?" Tanong ko.

"No." Sagot niya. "As long as it's you."

Namula naman ako sa sinabi niya at pinatong ang ulo ko sa balikat niya.

Tumingin naman siya sa gilid niya at natawa.

"Bakit ka tumatawa?" Tanong ko sa kanya.

"You're blushing."

"Ewan ko sayo Chewy." Nakaka-inis talaga tong babaeng to. Manyak na nga ang lakas pang mang-asar.

"We're here Hon." Sabi niya kaya bumaba na ako sa kanya at hinila siya papasok ng bahay.

"Anong nangyari sayo bakit ganyan yang tuhod mo?" Tanong ni Umma.

"Nadapa po." Sagot ko. "Ito kasing si Tzuyu nag-ayang mag-laro ng habulan."

"Pinasa mo pa kay Tzuyu yang pagka-clumsy mo."

"Umma, ako anak mo dito hindi siya."

"Ewan ko sayo Sana." Iling na sabi sa akin ni Umma. "Mag-luluto na ako."

Tumango naman kami ni Tzuyu at hinila ulit siya papuntang kwarto.

"I missed your room!" Sigaw ni Tzuyu at nahiga sa kama ko. Nahiga din ako sa tabi niya at ginawang unan ang braso niya.

Inlove With A Perverted Girl!? || SatzuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon