19

4.8K 127 17
                                    

Sana's POV

"Umma pasok na po kami ni Tzuyu!" Paalam ko at lumabas na kami sa bahay.

Maagang umalis si Appa. As usual sinundo nanaman ako ni Tzuyu dito sa bahay.

Pinag-buksan naman niya ako ng pinto at nag-start na siyang mag-drive. Hinawakan naman niya ang kamay ko at hinahalik-halikan to.

"Chewy naman mag-focus ka nga sa pag-da-drive!" Sita ko sa kanya at binawi ang kamay ko.

"Pati ba naman kiss sa kamay hindi pwede." Reklamo niya.

"Mag-fo-focus ka o walang kiss kahit saang parte?" Pananakot ko naman sa kanya.

"Ito na nga oh." Malungkot niyang sabi at nag-focus ng mag-drive.

Pero syempre joke ko lang lahat ng sinabi ko. Nakaka-adik kaya kiss niya. PUAHAHAHA! Lalo na't ganito kaganda girlfriend mo.

Nang marating namin ang school pinag-buksan naman niya ako ng pinto ulit at hinatid na hanggang room namin.

"Bye na hon." Sabi niya at kiss sa noo ko. "I love you."

"I love you too." Sagot ko naman sa kanya at umalis na siya.

Naupo naman ako sa tabi ni Jihyo at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Ki---"

"Kinikilig ako!" Singit naman ni Nayeon-unnie sa akin.

"Teka paano mo nalaman yung sasabihin ko?" Tanong ko sa kanya.

"Duh!? Obvious naman sa mukha mo!" Sabay sabay na sigaw nila sa harap ko.

"So kaylangan sabay sabay?"

"Oo!" Napailing naman ako sa kanila kasi grabe sabay sabay talaga e. Isama ko kaya tong mga to sa choir?

Wag na lang pala mang-gugulo lang sila lalo na yung boses ni Jihyo grabe sobrang ingay akala mo naka-kain ng microphone.

Sakto namang dumating si prof at nag-start na siyang mag-salita sa harapan. Kung pwede lang hindi pumasok e. Pero baka sabunutan ako ng nanay ko.

"Malapit na exams niyo." Pagpapa-alala naman ni prof sa amin. "I'll dismiss you early para makapag-prepare kayo for your exams. You may go."

Inayos naman na namin ang mga gamit namin at sabay sabay na kaming pumunta sa cafeteria, nakita naman namin yung tatlo na naka-upo sa lagi naming inuupuan.

Tumabi naman ako kay Tzuyu. "Hi Chewy."

"Hi hon." Bati niya din sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Bawal PDA!" Sigaw naman ni Jihyo.

"Inggit ka lang." Sabi naman ni Tzuyu sa kanya.

"Mas matanda ako sayo Chewy." Turo naman sa kanya ni Jihyo.

"So?" Kibit balikat na sabi niya.

"BUUUUUURN!" Sabay sabay na sigaw nila at tumawa ng malakas.

"Mga baliw!" Sigaw din ni Jihyo sa kanila.

"Order na kayo. Nagugutom na ako."

"Lagi kang gutom Momo-unnie."

"Savage level: Tzuyu!"

Napatawa naman ako sa sinabi ni Jeongyeon-unnie pero grabe real talk kung real talk si Tzuyu. HAHAHA!

"Chewy order ka na ng pagkain natin." Utos ko naman sa kanya.

"Samahan mo'ko." Sabi niya naman na parang bata.

Tumango naman ako sa kanya at pumunta ng counter para um-order.

"Sandwich na lang sa akin." Sabi ko sa kanya.

"Two sandwich and two bottle of water please."

"Ayoko ng water!" Reklamo ko naman sa kanya.

"Yan na." Sabi ni Tzuyu kaya napasimangot naman ako sa kanya.

"Here's your order ma'am." Kaya kinuha na ni Tzuyu at nag-lakad na kami papuntang upuan namin.

Bigla namang naramdaman ko na lang na nabasa na ang damit ko at dali-dali namang pinunasan ni Tzuyu yung sa bandang damit na nabasa.

"Oh, I'm sorry." Napatingin naman kami sa nag-salita.

Impakta ka!

Si Seolhyun lang naman yung walang hiyang naka-basa sa damit ko. For sure sinadya niya to. Kainis!

"What's your problem Seolhyun!" Galit na sigaw ni Tzuyu sa kanya.

Napatingin naman lahat ng estudyante sa amin. Hinawakan ko naman sa kamay si Tzuyu. Baka kung ano pang magawa nito kahit na ayaw na ayaw ko tong Seolhyun na'to.

"Hindi ko naman sinadya e."

Hindi sinadya your face! Tsaka wag ka ngang mag-paawa sa harap ng GIRLFRIEND KO!

"Lets go." Sabi naman ni Tzuyu at hinila ako papuntang locker room.

Nang madaanan namin sila Nayeon-unnie ay nakatingin sila sa amin na parang nag-aalala.

"May damit ka ba sa locker mo?" Tanong niya sa akin.

Tumango naman ako at kumuha ng extra damit sa locker ko at nag-lakad na kami papuntang CR para mag-palit and luckily walang tao sa CR.

After ko namang mag-palit ay nakita ko si Tzuyu na naka-sandal sa counter habang hinihintay ako.

"Wag ka ngang sumimangot diyan." Sabi ko sa kanya habang pinipisil siya sa pisnge.

"That bitch! Hindi na nga siya pinapansin tapos-------"

Hindi ko na siya pinatapos at hinalikan ko siya sa labi. Pinatong ko naman ang mga braso ko sa braso niya habang pinag-lalaruan ang dulo ng buhok niya. Naramdaman ko namang hinalikan niya din ako pabalik at niyakap ako sa bewang.

Sinandal ko naman ang noo ko sa noo niya at tinignan siya sa mga mata niya.

"Okay ka na?" Tanong ko sa kanya. "Hindi ka na galit?"

Ngumiti naman siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "Hindi na."

Napangiti naman ako sa sinabi niya at siniksik ang ulo ko sa leeg niya.

"Chewy."

"Hmmmm?"

"Nasaan yung binili nating pagkain?"

"Aiiish! Naiwan sa cafeteria!"

Natawa naman ako sa sinabi niya. Inuuna kasi kalandian e yan tuloy hindi naka-kain.

"Kain na lang tayo sa labas hon." Aya naman niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya at lumabas na.

Inlove With A Perverted Girl!? || SatzuWhere stories live. Discover now