4

8.5K 194 22
                                    

Sana's POV

"Bye Umma, Appa!" Paalam ko sa kanila at lumabas na ng bahay.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa nakita ko paglabas ng bahay.

Ano namang ginagawa ng kapreng manyak na'to dito sa bahay?

"Anong kaylangan mo?" Pataray na tanong ko sa kanya.

"Ganyan mo ba batiin ang girlfriend mo?" Naka-ngising sabi niya habang naka-sandal sa kotse niya.

Inirapan ko naman siya at nag-lakad na papuntang school dahil malapit lang naman sa bahay.

"Minatozaki!" Sigaw niya at tumakbo papunta sa akin.

"Ano?!" Irita kong tanong at huminto sa harap niya.

Ngumiti naman siya ng nakaka-loko.

"Alis ka nga diyan!" Sabi ko at tulak sa kanya sa gilid.

Bigla naman niya akong hinila at pilit na pinasok sa sasakyan niya.

Bakit ba ang hilig mangaladkad ng babaeng to!?

"Ibaba mo nga ako!" Sigaw ko habang pinapalo siya sa braso.

"Wag ka ngang magulo. Baka ma-disgrasya tayo." Sabi niya naman habang nag-mamaneho ng sasakyan.

Hinayaan ko na lang siyang mag-drive. Mga ilang minuto lang nakarating na kami sa school kaya bumaba na ako.

"Wait Minatozaki!" Sigaw niya kaya tinignan ko siya ng masama.

"Remember girlfriend kita." Bulong niya sabay hawak sa kamay ko.

Kainis tong babaeng to!

Hinatid naman niya ako hanggang room. Papasok na sana ako pero di pa rin niya tinatanggal pagkaka-hawak niya sa kamay ko.

"Meet me at the library." Sabi niya at umalis na.

Umupo naman ako sa tabi ni Momo ng padabog.

"Usap usapan ka Sana." Pang-aasar ni Jihyo.

"Swerte mo nga e." Singit ni Momo.

"Swerte bang maging fake girlfriend yung kapreng yun." Sagot ko na halatang naiinis.

"Mayaman, maganda, matangkad tapos ang inosente ng mukha." Describe ni Jihyo. "Ang swerte mo kaya!"

Naubo naman ako sa sinabi ni Jihyo na 'ang inosente ng mukha.'

Kung alam niyo lang kung anong ginawa niya sa akin. T_T

"Hoy Sana ano yung na-balita-an namin ni Jeongyeon!" Sigaw ni Nayeon-unnie sabay upo sa tabi ko.

"Yan date ng date hindi tuloy updated." Asar ni Momo kayla Nayeon-unnie.

"Mag-date rin kasi kayo ni Dahyun" Sabi ni Mina.

Tumawa naman kaming lahat sa sinabi ni Mina.

"Ano ngang meron Sana?" Tanong ni Nayeon-unnie.

"Mag-panggap daw akong girlfriend nung kaibigan mong kapre." Naka-simangot kong sabi.

"Dahil ba kay Seolhyun?" Takang tanong ni Jeongyeon-unnie.

Tumango naman kaming lahat.

"Well, goodluck." Sabi ni Jeongyeon-unnie habang tinatapik ang balikat ko.

Sakto namang dumating na ang Professor namin kaya nag-start na kaming makinig.

-----

Naka-upo naman ako dito sa library hinihintay yung manyak na yun.

Bigla namang may nang-takip ng mata ko sa likod.

"Bibigwasan kita kapag hindi mo inalis yang kamay mo sa mata ko." Inis kong sabi.

Umupo naman sa harap ko tong manyak na'to habang naka-ngiti nanaman ng nakaka-loko.

"Anong pag-uusapan natin?" Walang ganang tanong ko.

"Let us make a rule." Sabi niya.

Napataas naman ang kilay ko habang naka-tingin sa kanya.

"Ako ang gagawa ng rules." Sabi ko.

"What!?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Ako ang gagawa o sasabihin ko sa Seolhyun na yun na nagpapanggap lang tayo." Pamba-blackmail ko sa kanya.

"Okay fine."

Sa wakas nanalo rin ako sa manyak na'to.

"First rule: no kissing. Kahit saang parte."

"Aww!" Sabi niya kaya tinignan ko siya ng masama.

Manyak talaga!

"Second rule: no holding hands."

"Huh?!"

"Ano?" Pagtataray ko.

"Walang maniniwala kapag hindi tayo nag-holding hands."

"Okay fine." Sabi ko. "Papalitan ko."

"Sure." Sabi niya habang naka-ngiti.

Mapunit sana mukha ng manyak na'to.

"Second rule: Sa school lang tayo mag-papanggap."

"Paano kapag meron tayong schoolmate outside the school?" Tanong niya.

"Basta walang bawian." Sagot ko naman. Napasimangot naman siya. "Any problem?"

"Nothing."

"Last rule: Wag kang manyak!" Diin ko sa word na 'manyak'.

"Grabe naman yang mga rules mo." Parang batang protesta niya.

"Deal o sasabihin ko kay Seolhyun na--"

"Aiish! Okay! Okay!" Inis na sabi niya.

Nginitian ko naman siya ng nakaka-asar. Pagkatayo ko sa upuan ko bigla naman niya akong hinawakan sa kamay.

"Hatid na kita kayla Jihyo-unnie." Sabi naman niya kaya hinayaan ko na lang siya at hinanap sila Jihyo.

Mga ilang minuto kaming nag-hanap ng makita namin sila Jihyo kasama sila Dahyun at Chaeyoung.

Napatingin naman silang lahat sa amin at bumaba ang tingin sa kamay naming dalawa.

"What's the meaning of this?" Mapang-asar na tanong ni Jihyo sabay turo sa kamay namin.

"Kami na." Sabi nitong manyak na kasama ko.

"More like fake girlfriend Chewy." Sabay na sabi ni Chaeyoung at Dahyun.

"Lets eat guys!" Sigaw ni Momo habang tumatalon-talon.

Gutom nanaman siya. -_-

"Moguri!" Awat ni Dahyun.

"Moguri!?" Hindi makapaniwalang sigaw namin.

Namula naman ang mukha nina Momo at Dahyun.

"Lets goooo!" Parang batang sabi ni Chaeyoung habang naka-cling sa kamay ni Mina.

"Tara na nga." Singit naman ni Nayeon-unnie sabay hawak sa kamay ni Jeongyeon-unnie.

Tumango naman itong kasama ko at mas-lalong hinigpitan pagkaka-hawak sa kamay ko.

"I'm so done with this gays." Rinig kong bulong ni Jihyo sa likod namin.

Inlove With A Perverted Girl!? || SatzuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon