Chapter 1

24.9K 645 4
                                    

"What now Hugh? Kailangan ko na naman bang magpanggap na girlfriend mo?" Gabby ask Hugh while frowning.

Kausap nya ito sa phone. Hindi naman sa tinatanggihan nya ito, sanay na sya sa nakalipas na mga taon ay maraming beses na nila itong ginagawa. Kaya lang mag-aapply sila ni Janina ng trabaho. Naka-graduate na sila last month kaya ngayong araw sila mgsisimulang mag-apply.

"Yes babe, please! Sobrang kulit talaga nito kahit saan ako magpunta nakasunod, medyo nakakailang na nga." pakiusap nito sa kanya.

"Pero kasi may lakad kami ni Jan, mahahanap kami ng trabaho today."

"Ganito nalang babe, papuntahin mo si Janina sa office ko today may bakante ngayon sa accounting department sabihin mo mag-apply sya."

"Nakakahiya naman baka sabihin may palakasan...ano kasi parang di maganda." medyo alanganin nyang sabi dito.

"Sinong may sabing palakasan? She will bring her resume and she will be interviewed. Kaya walang palakasan."

"Ah!..ok, but what about me? Paano nman ako makakahanap ng trabaho nyan?"

"Ano kasi babe, kailangan ko ng personal assistant kasi magre-resign ang dati kong PA kasi ikakasal na next month. Baka pwedeng ikaw nalang ang pumalit."

"Hah! Eh hindi ko alam kung paano maging PA, diba accountancy ang natapos ko?"

"Madali lang yun babe,ituturo naman sayo ng PA ko ang mga gagawin mo. May incentives ka pa, isasama kita sa mga meetings ko at lahat ng may kinalaman sa business ko out of the country. Ok na ba sayo ang thirty thousand a month babe?"

"Alam mo masyadong maganda ang offer no, kaya lang hindi ba nakakahiya kasi mas marami pang mas qualified kaysa sakin."

"Kayang-kaya mo yun babe, besides ako ang namimili ng PA ko kaya walang problema tsaka may tiwala ako sayo. Tsaka ayaw mo nun matututo ka ng pasikut-sikot sa business. Magiging stepping stone mo narin to para sa paghawak mo ng negosyo nyo balang-araw." pangungumbinsi pa into sa kanya.

Napaisip sya dun. Tama naman ito marami talaga syang matututunan dito dahil hindi lingid sa kanya any husay nito sa paghawak ng negosyo. Lalong umuunlad ang mga negosyo nito. Actually marami itong mga negosyo pero pinakamalaki ang pag-aari nitong international airport. Ang Del Fierro International Airport.Isa rin itong lisensyadong piloto kaya kahit anong oras nito gustuhin nakakapunta ito ng ibang bansa ng walang kahirap-hirap, gamit ang kanyang private plane.

"Ok sige, tama ka naman tsaka maganda talaga ang offer mo. So, when will I start?"

"Since Friday na ngayon at may pupuntahan tayong party, sa Monday kana mag start. Pwede mo munang samahan si Janina sa office ngayon, then later ipapadala ko sa driver ang damit na susuotin no. I'll pick you up at seven tonight."

"Ok, sige mabuti pa nga."

"Ok, see you later babe... I know you're always pretty but be extra beautiful tonight ok? See you!" paalam nito.

"Ok bye!" pagkawala nito sa linya ay impit syang napatili. Kinilig sya dahil sa sinabi nitong maganda sya. Maraming nagsasabi sa kanyang maganda sya at alam nya naman yun pero iba talaga pag ito ang nagsabi. Hindi nya mapigilan ang kiligin.

Natuwa naman si Janina ng sabihin nya ang napag- usapan nila ni Inigo. Sinamahan narin nya ito pumunta sa Del Fierro building, nandito kasi ang main office ng IHDF Company.

Natanggap naman agad si Janina dahil matalino rin naman talaga ito at tsaka in need talaga sila ng accountant. Masyadong malawak ang sakop ng negosyo ni Inigo, minsa nga naiisip ko kung nakakapagpahinga pa ba ito.

Dangerous Series #1: INIGO (Completed)                Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon