Chapter 18

13.7K 449 4
                                    

Sa isang park dinala si Gabby ng kanyang mga paa. Nakaupo lang sya sa isang bench ay nakatulala. Kanina pag alis nya ng condo hindi nya alam kung saan pupunta. Naglakad lang sya ng naglakad hanggang sa makarating sya dito.

Napukaw lang ang pagkatulala nya ng makarinig sya ng ingay ng mga bata. Natawa sya sa sarili nya, marami na palang batang naglalaro pero hindi nya napansin dahil sa pagkawala nya sa sarili.

Napapangiti sya sa naririnig nyang masayang tawanan ng mga bata. Masarap talagang maging bata walang problemang iniisip, napakasimple lang ng mga bagay para sa kanila. Pero hindi naman habangbuhay kang bata. Tatanda ka rin at magkakaron ng mga problem na alam mong hindi maiiwasan.

Matagal pa syang nag-stay sa park bago nya naisipang umalis. Sumakay sya ng taxi at nagpahatid sa hotel na nasa tapat mismo ng IHDF building na pag-aari at mismong opisina ng asawa.

"Miss gusto ko yung room na nakaharap sa IHDF building kung meron sanang available." pagkausap nya sa receptionist.

"Ah yes ma'am, may available na kaka-check out lang ng occupant." nakangiti naman nitong sagot.

"Sige kukunin ko na." bahagya nyang nginitian ang mabait na babae. Napansin nyang nakatitig ito sa kanya.

"Ma'am pasensya na pero kayo po ang asawa ni Mr. Del Fierro di ba?" medyo nahihiya pa nitong tanong.

"Ahh oo eh." pilit nya itong nginitian. "Medyo nagtatampo kasi ako kaya nandito ako ngayon. Pwede bang tayong dalawa lang ang nakakaalam nito." mahina ang boses na aniya dito.

"Wala pong problema ma'am, here's your card ma'am." magalang nitong sinabi ang room number nya.

"Ok, thank you Miss." nginitian nya ito bago umalis.

Pagdating nya sa room nya agad syang tumingin sa kabilang building, mabuti na lang hindi masyadong mataas ang room na binigay sa kanya. Mamaya lalabas sya para bumili ng binoculars. Gusto nyang makita ang pagdating at pag-alis ng asawa sa opisina total alam naman nya ang oras ng pasok nito.

Kahit umalis sya ng condo nila gusto pa rin nya itong makita, di bale nang magmukha syang stalker ng sarili nyang asawa.

Pagkatapos nyang magpahinga nagpasya syang lumabas. Dumiretso sya sa malapit na mall para bumili ng kailangan nya pati na rin bagong cellphone. Ayaw nya kasing magbukas ng cellphone dahil siguradong mate-trace ng asawa kung nasaan sya. Ayaw naman nyang magpalit ng number kaya bumili na lang sya ng bago.

Nakakaramdam na sya ng gutom pero wala syang gana, kailan pa ba ng huli syang kumain. Kagabi halos hindi rin sya nakakain at iyon na ang huli nyang kain. At ngayon lagpas na ng alas dos. Magpapa-room service na lang siguro sya mamaya.

Pagdating nya sa hotel agad nyang binuhay ang cellphone nya. Agad bumaha ang mga txt messages ng asawa nya at maging ang kuya nya at si Janina. Pero pinakamarami ang sa asawa nya. Nabuksan nya ang pinakahuling mensahe ng asawa.

Babe I'm so sorry! Please let me know where you are. I'm so worried babe, please!

Parang may humaplos sa puso nya na malamang nag-aalala pala ito sa kanya. Pero inisantabi nya muna iyon, kinuha lang nya ang number ni Janina at Manang Linda at agad na pinatay muli ang kanyang telepono. Agad syang nagtxt sa kaibigan alam nyang nag-aalala ang lahat sa kanya lalo na ito at ang kuya nya.

Jan, this is Gabby. Gusto ko lang sabihin na ok ako para wag kayong mag-alala. Ok lang ako, I just need sometime alone. Tell kuya I'm fine and don't give him this number. Please erase my message after reading. Don't worry magte-text ulit ako sayo.

Dangerous Series #1: INIGO (Completed)                Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon