Chapter 8

16.8K 497 2
                                    

Pinagmamasdan ni Gabby ang sarili nya sa salamin. Kaaalis lang ng beautician na nag-ayos sa kanya. Nakasuot sya ng puting bestida na hanggang sakong, sleeveless ito na hapit sa katawan pero mula sa beywang pababa ay maluwang. Saktong-sakto ang sukat ng damit sa hubog ng kanyang katawan.

Nakataas ang buhok nya na may mga hiblang sadyang inilaglag sa magkabilang gilid ng mukha nya na kinulot. Isang sulyap pa sa kanyang kabuuan ang kanyang ginawa bago tumalikod at tinungo ang pinto.

Nabungaran nya si Inigo na nakatayo sa gitna ng sala, naka-white long sleeves ito, black slacks and black shoes. Simple lang ang  suot nito pero napakalakas pa rin ng dating. Kahit ano talagang isuot nito at bumabagay dahil sa magandang built ng katawan nito, matangkad din ang binata sa height nitong six feet two inches ay talagang kailangan nyang tumingala para makita ang mukha nito. Hindi naman sya pandak sa height nyang five feet five inches.

Papunta sila ng city hall dahil ngayon ang civil wedding nila. Nakakaramdam sya ng kaba kaya napako na sya sa kinatatayuan nya.

"Hey!" nagulat sya ng biglang magsalita si Inigo, nasa harapan na pala nya ang binata. "You're spacing out babe, are you ok?" nag-aalalang tanong nito.

"Yeah! I'm fine." ngumiti sya ng alanganin.

"Sure?" tanong ulit nito habang hinahaplos ang pisngi nya.

"Ayos lang ako, medyo kinakabahan lang." napangiwi sya at bahagyang namula.

He chuckled. "Don't be, kasama mo ako." Yumuko ito at dinampian sya ng halik sa labi  bago sya tinitigan. "You're very beautiful babe." anito pa na lalo nyang ikinapula.

"Thanks! You look good too." sagot nya rin kahit nahihiya sya sa paninitig nito.

"And sexy" dagdag pa nito na ikinahiya nya lalo. Napangisi ang binata, he find her gesture cute. He intertwined their finger and ushered her to the door. "Let's go, baka naghihintay na sila."

Pagdating nila ay kumpleto na ang buong barkada including Kion and Janina na kasabay nilang ikakasal.

Niyakap nya agad ang kaibigan at nginitian, hindi sila nag-usap alam nyang kinakabahan din ito. Pagtingin nya sa kapatid ay nakangiti ito sa kanya, pero may lungkot syang nakikita sa mata nito. Hindi pa ito handang bitawan sya pero wala nang magagawa.

Napasugod sya ng yakap kay Kion. "Kuya lilipat lang naman ako ng bahay, wag kang malungkot." Pag-aalo nya sa kapatid pero kahit sya ay naiiyak na rin.

"Oo naman, ikaw pa rin ang paborito kong kapatid." biro sa kanya ni Kion. Alam nyang pinapagaan lang ng kapatid ang sitwasyon.

Tinawanan nya ang kapatid. "Alam kong paborito mo ako kasi wala kang ibang choice. Pero di bale kuya may makakasama ka naman, di lang basta kasama katabi pa." kinindatan pa nya ito na ikinatawa lang nito maging ang mga kasama nila ay natawa na rin.

Pagtingin nya kay Janina ay alanganin ang ngiti nito at pulang-pula ang mukha. Habang si Inigo ay nakangiti ring pinagmamasdan sya. Maya-maya ay lumapit ito sa kuya nya nagtanguan lang ang dalawa at nagtapikan sa balikat.

"Let's get inside guys, judge Alcantara is waiting." Trace said and lead the way.

Mabilis lang ang kasalan kahit halos magsiksikan sila sa loob. Hindi na nga sumama sa loob ang ibang barkada, naghihintay na lang sa parking at iba ay didiretso na sa restaurant ni Zack Gallant kaibigan din nila na chain of hotels and restaurants ang business. Doon gaganapin ang reception.

"Judge please join us, the reception is at the Gallant restaurant." paanyaya ni Inigo.

"I would love to but I have a hearing later kakapusin ako sa oras. Next time perhaps." Tanggi ng judge.

Dangerous Series #1: INIGO (Completed)                Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon