Chapter 6

18.3K 598 11
                                    

Nagising si Gabby na manhid ang katawan. Napangiwi sya ng sa paggalaw nya ay biglang sumigid ang kirot sa kanyang pagkababae ganon din ang kanyang mga dibdib dahil siguro sa salitang pagsipsip at pagmasahe ng binata dito.

Ramdam nya ang pagguhit ng init mula sa kanyang dibdib paakyat sa mukha nang maalala nya ang mangyari sa kanila kagabi.

Pagkatapos ng una nilang pagtatalik kagabi ilang minuto nang bigla na namang bumabalik ang init at pagnanasa nya. Hindi sya pinabayaan ni Inigo, nakailang ulit silang nagtalik bago humupa ang epekto ng aphrodisiac. Halos paumaga na ng tumigil sila, parang wala rin namang kapaguran ang binata.

Inikot nya ang paningin sa buong kwarto, alam nyang nasa condo sya ni Inigo. Ngunit hindi nya makita ang binata, hanggang sa mapadako ang paningin nya sa bedside table. Nakita nya ang tray ng pagkain at ang kasama nitong note. Kinuha nya ito at binasa.

Babe,

            I'm out. I need to do something. Be back as soon as I'm done. Eat your breakfast, I prepared it for you.
           Please don't go out, wait for me.

Hugh

Pinilit ni Gabby na bumangon kahit na nanginginig ang kanyang mga tuhod. Napangiwi sya sa sobrang sakit ng katawan lalo na ng pagkababae nya ng subukan nyang tumayo. Pero pinilit nya pa ring makapunta ng banyo, nanlalagkit na ang pakiramdam nya at nagugutom na rin sya.

Wala syang isusuot na damit kaya napilitan syang manghiram ng damit sa binata. White T-shirt ang nakuha nya na nang sinuot nya at umabot hanggang sa kalahati ng hita nya. Mabuti na lamang mayroon itong boxer short na hindi pa nagagamit dahil may tag price pa.

Pagkatapos nyang magbihis kumain na sya dahil talagang gutom na gutom na sya.

Nakapikit sya habang nakasandal sa headboard ng kama, marahan nyang minamasahe ang mga dibdib. Napapakagat labi sya dahil kumikirot ito. Mukhang nalamog ito ng husto dahil may kasamang panggigigil ang ginawang pagsipsip at pagmasahe ng binata dito kagabi.

Masyado syang engrossed sa kanyang iniisip kaya hindi nya namalayan ang pagpasok ni Inigo sa kwarto. Nagulat pa sya ng bigla itong magsalita.

"Does it hurt that much babe?" tanong nitong nakatunghay sa kanya na may pag-aalala sa mukha ng binata.

Dahil sa kabiglaanan, hindi agad nakapagsalita. Nanlalaki ang kanyang mga mata sa gulat. Nakaramdam sya ng sobrang kahihiyan dahil sa nangyari sa kanila kagabi. Alam nyang namumula ang pisngi nya dahil nararamdaman nya ang pag-iinit nito.

Kung maaari lang sana syang lumubog sa kanyang kinauupuan ginawa na nya dahil sa sobrang kahihiyan. Oo nga at magkaibigan sila at alam nila kung bakit nangyari ang nangyari na pero alam nyang mag-iiba na ang samahan nila. Sana lang maging maayos ang lahat. Mahal na mahal nya ang binata at ayaw nyang mawala ito sa kanya. Kahit alam nyang nakababatang kapatid lang ang turing nito sa kanya.

Bigla syang  napayuko bago marahang tumango. Hindi sya makatingin sa mga mata ng binata, isipin pa lang kung gaano ka-intimate ang pinagsaluhan nila kagabi parang gusto na nyang magtago.

Narinig nya ang buntong-hininga ito, maya-maya naramdaman nya ang paglundo ng kama sa tabi nya. Alam nyang naupo si Inigo pero di nya magawang mag-angat ng tingin.

"Babe, look at me." Masuyong anito sa kanya. Pero di nya magawang tumingin dito. Kayat hinawakan nito ang baba nya at marahang itinunghay. "Hey! Its just me babe. No need to be shy."

Dangerous Series #1: INIGO (Completed)                Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon