Chapter 27

14.4K 434 5
                                    

Apat na oras lang sya magtulog nagyaya na agad syang bumalik sa ospital. Pumayag naman ang kuya nya dahil nakatulog naman sya kahit papaano. Pagkatapos kasi nilang kumain kanina iniuwi sila ng kuya nya sa tinutuluyan nilang hotel para makapagpahinga sila ni Janina.

Sa iisang hotel lang silang lahat tumuloy para hindi na sila maghiwa-hiwalay. Puro suits ang kunuha nilang magkakaibigan para tipid, kung ilan ang kasya sa isang suit sama-sama na lang.

"Sige mag-prepare ka na. Maya-maya nandito na si Gray para sunduin ka. Susunod na lang kami ni Janina pagkagising nya." tinanguan nya ang kuya nya bago pumasok ng banyo.

Halos katatapos nya lang mag-ayos ng dumating si Gray. Agad naman silang umalis dahil gusto na nyang makita ang asawa.

Habang nagbabyahe sila tinanong sya nito kung gusto nyang kumain pero nag-request lang sya ng fries. Tinawagan naman nito si Lucas para ibili sya.

Pagdating nya ng ospital, agad nyang pinuntahan ang asawa at kinausap. Hindi sya masyadong nagtagal sa loob dahil nagugutom sya.

Saktong kararating ni Lucas ng lumabas sya. May mga dala rin itong burgers at drinks para sa lahat. Agad nyang nilantakan ang pagkain pagkatapos nyang magpasalamat. Napapamata ang mga kaibigan pero walang nagsasalita.

Tapos na silang kumain ng dumating si Degan mabuti at sa balikat lang ang tama nito kaya agad din itong nakabangon. Kasunod nito si Blue na nakaalalay dito. Si Jace naman ay ok na rin pero hindi pa pwedeng magkikilos. Yung iba nilang kasamahan ay nagpapagaling na lang.

"Galing kaming presinto, nahuli na yung mga kasamahan ng stepmother ni Inigo. Gusto sana nilang hulihin ng buhay si Miranda kaya lang nanlaban kaya tinamaan. Sinubukan pa nilang dalhin ng ospital pero DOA na ito." Medyo namumutla pa ang agent.

"So paano pa malalaman kung sinu-sino pa ang kasabwat sa loob ng kumpanya nila kung patay na si Miranda?" tanong ni Lorcan.

"Buhay yung kalaguyo ni Miranda, silang dalawa ang nagplano ng krimen na to." may kislap ng karahasan ang mata nito. "Pipigain natin sya, mababayad ang lahat ng kasabwat sa ginawa nila sa mag-ama at pati na rin sa ibang nadamay." nagngangalit ang panga nito.

Naririnig nya ang pakikipag-usap ni Lucas sa daddy ni Inigo. Iniwan kasi nila ito sa pilipinas para hindi masyadong ma-stress at tuluyang gumaling. Pero palagi naman nila itong binibigyan ng update sa nangyayari. At alam nyang nasasaktan ito sa mga pangyayari lalo pa't hindi pa nagigising ang anak.

"Baby sis." napatingala sya kay Degan. Ngayon nya lang ito nakita simula ng dumating sila dito. Tumalungko ito sa harapan nya para magkapantay sila. "I'm sorry, hindi ko sya naprotektahan. Sana nabantayan ko sya, sana wala sya sa ganyang kalagayan." Puno ng pagsisisi at pag-aalala ang mukha nito.

"Hindi mo naman kasalanan kuya, alam kong ginawa mo ang makakaya mo. I know you will catch the bullet for him if you have to. Yung mga masasamang tao na yun ang may kasalanan." Napaiyak na naman sya sa sama ng loob. Agad naman nitong pinunasan ang luha nya.

"Wag kang mag-alala magbabayad sila. Lahat ng mga tao sa loob ng kumpanya nila na kasabwat sisiguraduhin natin na magbabayad." Tango lang ang naging sagot nya dito.

"Tahan na, magigising sya sigurado yun. Hindi nya tayo iiwanan." Masuyo nitong hinaplos ang buhok nya.

"Gusto kong makita si kuya Jace, samahan mo ako kuya." pakiusap nya dito.

Tumango naman ito at agad syang inalalayan. Sinamahan din sila ni Gray. Sinisiguro talaga nito at ni Lucas na mabantayan sya dahil sa kalagayan nya. Ang gusto nya talaga si Inigo ang unang makaalam at aksidente lang talaga ang pagkakaalam ni Gray at kinailangan nya lang talagang sabihin kay Lucas para mabantayan syang mabuti. Nakokonsensya sya sa paglilihim sa kapatid at best friend kaya lang titiisin nya muna dahil siguradong lalo lang mag-aalala ang mga ito, buntis pa naman si Janina.

Nakangiti pero medyo maputlang mukha ni Jace ang bumungad sa kanila.

"Kumusta ka na kuya Jace?" lumapit sya sa kama nito.

"I'm fine baby sis, masamang damo ako kaya matibay to." Nakita nya ang biglang pagseryoso nito. "Sorry Gab! Sinalo nya kasi yung bala na para sakin kaya sya ang napuruhan. Dapat ako yung nasa kalagayan nya, mali...dapat wala na ako ngayon dahil sa ulo ko dapat bumaon yung balang sinalo nya." nangilid ang luha nito at napaiwas ng tingin.

Hinawakan nya ito sa kamay kaya napalingon sa kanya. Binigyan nya ito ng malungkot na ngiti kahit hindi na rin nya mapigil ang sariling luha.

"Wag mong sisihin ang sarili mo, hindi nya magugustuhan yan. Kilala ko kayong lahat, alam ko na kung nagkapalit kayo ng lugar gagawin mo rin kung anong ginawa nya. Hindi kita sinisisi, kaya nga tayo nasa ganitong sitwasyon dahil sa pagtulong nyo sa kanya." Nakita nya ang pagpalit-palit ng emosyon dito. Nakita nya ang sakit, pag-aalala at galit. Bumaling ito kay Gray.

"Gusto ko syang makita." may halong pakiusap iyon.

Agad naman itong tumango. "Sige kakausapin ko ang nurse tsaka kukuha ako ng wheelchair." Mabilis itong lumabas ng silid.

Mabilis naman nakabalik ito at tinulungang makalipat si Jace mula sa kama papuntang wheelchair. Hinatid ito ni Gray sa loob ng ICU at iniwan. Hinayaan nilang mag-isa ito sa loob ng silid. Alam nilang mabigat ang loob nito at sinisisi ang sarili.

Matagal-tagal itong nanatili sa loob ng silid. Sobrang maga na ang mata nito ng lumabas.

Pumasok na sya sa loob matapos itong yakapin. Dalawang oras na lang ang natitira sa taning ng doctor at abot-abot na ang kaba nya. Agad syang lumapit dito at hinawakan ang kamay.

"Baby please wake up! Sabi ng doctor kapag hindi ka nagising two hours from now baka ma-coma ka. Please don't let it happen, please wake!" Kahit anong pigil nya tumulo pa rin ang luha nya.

"Babe, diba pupunta pa tayo ng Europe, marami pa tayong papasyalan. Yung mga friends natin naghihintay na magising ka. Miss na miss ka na namin." Hinayaan na nya ang sariling umiyak ng umiyak.

Hindi na sya umalis sa tabi ng asawa, hindi na rin nya binitawan ang kamay nito at pamaya-mayang hinahalikan. Habang lumalapit ang oras lalong tumitinda ang takot nya. Hindi nya kakayaning mawala ito, iniisip pa lang nya para na syang mamatay sa sakit. Paano ang anak nila, kaya ba nyang palakihin ito ng mag-isa.

Lord please wag nyo po munang kunin ang asawa ko! Kailangan po namin sya ng anak ko. Parang awa nyo na po Lord, gusto ko pa po syang makasama. Promise sisikapin kong maging mabuting asawa at Ina sa kanila. Just please let him live for us and to all the people who loves him.

Isa-isang nagsipasok ang mga kaibigan nila at kinakausap ang asawa nya na gumising na kaya lalo  syang napapaiyak sa naririnig na pakiusap ng mga ito. Sinong mag-aakala na ang mga suplado at tigasing mga sikat na lalaking ito ay nag-iiyakan ngayon sa harapan nya.

Huling pumasok ang kuya nya, kita nya rin ang iniinda nitong sakit.

"Bro baka pwedeng gumising ka na, miss ka na namin eh." mahina itong tumawa pero nangingilid na ang luha. "Kailangan mong gumising kasi iyak na ng iyak ang asawa mo. Nangako kang aalagaan mo sya pero pano mo gagawin kung ayaw mo pang gumising dyan." Nakita nya ang pagpunas nito ng luha.

Hindi na nagsalita pa ang kanyang kapatid pero nanatili itong nakatitig sa kaibigan habang panay ang buntong-hininga.

Sya rin ay nakatitig dito habang hindi binibitiwan ang kamay nito at panaka-nakang hinahalikan ito sa labi. Paulit-ulit nyang sinasabi na gumising na ito.

Ngunit tila tinitikis sila nito dahil lumagpas na ang taning na hindi ito gumising. Kaya wala syang nagawa kung hindi umiyak ng umiyak.

Dangerous Series #1: INIGO (Completed)                Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon