Chapter 24

14.5K 325 4
                                    

Abala si Gabby sa mga papers na kailangan ni Gray, ang binata tutok na tutok din sa mga pinipirmahan nito.

Inaabala nya ang sarili dahil ayaw nyang mag-isip. Tatlong araw ng hindi tumatawag si Inigo at alam ang ibig sabihin noon. Posibleng may nangyari o masyadong delikado ang kinalalagyan nila.

Napaangat sya ng tingin ng may kumatok. Sumungaw si Maggie sa maliit na siwang ng pinto. Mabilis na napatayo si Santos at alistong tumayo sa may pinto.

"Miss Gabby may gustong kumausap sayo, a certain Sheena White. Papapasukin ko ba?" tanong nito.

Napatingin sya kay Gray, nakatingin na ito sa kanya na bahagyang nakataas ang kilay.

"Its ok baby sis, I'll stay here while your talking to her." anitong seryosong nakatingin sa kanya.

Tumaas ang kilay nya. "How can we talk when you're here listening to us?"

"I won't leave you with her, you know your condition. I won't take any chances, and no buts." he said with finality.

Nabuga sya ng hangin. "Fine! Send her in Miss Maggie." nginitian nya ito. Tumango lang ito bago tumalikod.

Ilang segundo lang ang lumipas at bumukas ulit ang pintuan. Iniluwa nito si Sheena na halatang kinakabahan pero napakaganda at napaka-sexy sa suot na damit kahit hindi naman revealing.

"Please take a sit." lumakad ito papunta sa single sofa at umupo, sa katapat namang mahabang sofa sya naupo. "What can I do for you?" walang ngiti nyang tanong habang matamang nakatingin dito.

Alanganin itong ngumiti. "First I want to say sorry, alam kong nakagulo ako sa inyo. Believe me I didn't know na may asawa na sya, kaya pala lagi syang aburido. Siguro nahihiya lang syang tanggihan ako kasi alam nyang wala akong ibang malalapitan. I'm sorry talaga." alumpihit nitong paliwanag.

"So, anong meron sa inyong dalawa?" taas kilay nyang tanong dito kahit alam nyang totoo ang sinasabi nito dahil naipaliwanag na ito ng asawa.

"Magkababata talaga kami, actually tatlo kami. May isa pa kaming kalaro noon, his name is Van." pagkukuwento nito.

Nabaling ang atensyon nila kay Gray ng mag-ring ang cell phone nito.

"What?" sigaw nito sabay tayo. "Fuck! you mean all of them!" napasabunot ito sa buhok. "Damn it! Shit!"

Napatayo si Gabby dahil bigla syang kinabahan. Alam nyang may hindi magandang nangyayari sa asawa base sa reaksyon ni Gray. Nanginginig ang tuhod na lumapit sya dito.

"Sige, pumunta kayo dito." ilang sandali pa itong nakinig sa kausap. "Ok." pinatay nito ang tawag bago pumikit.

Nagulat pa sya ng bigla sya nitong yakapin ang mahigpit. Parang bigla syang nanlambot dahil sa yakap nito, pero kahit papaano nabawasan ang panginginig nya. Naramdaman na lang nyang iniupo sya nito sa sofa ngunit nanatiling nakayakap sa kanya.

Itinunghay nito ang kanyang mukha bago hinawakan ang magkabila nyang pisngi.

"Baby sis I don't want to break it to you, but you need to know it." hirap nitong sabi sa kanya. "Please be calm, I know this is hard for you but you need to get hold of yourself." patuloy nito.

"What happened kuya?" halos wala ng boses na lumabas sa kanya.

"Inigo, Degan and Jace." bahagya itong umiwas ng tingin bago lumunok. "We can't locate them. We lost our connection to them." napapikit ulit ito.

Napahagulgol na lang sya ng iyak habang nakasubsob sa mga kamay. Wala namang magawa si Gray kung hindi ang hagurin ang likod nya.

"Wait! I need to call Van, FBI agent sya." napalingon sila kay Sheena na naghahalungkat sa shoulder bag nito. Agad iyong nag-dial sa cell phone pagkatapos itong makuha sa bag. Nagpapalakad-lakad ito habang naghihintay sagutin ang kanyang tawag.

Dangerous Series #1: INIGO (Completed)                Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon