Chapter 29

16.2K 441 2
                                    

Napangiti si Gabby ng matanaw nya ang sundo nila. Nasa airport na sila ngayon at kararating lang nila galing US. After one and a half month ngayon lang sila nakauwi.

Totally healed na si Inigo. Kaya lang sila tumagal ay dahil sa pag-aasikaso ng company ni daddy Arthur, ayaw kasi itong iwanan ni Inigo ng hindi pa maayos. Nilinis nila ang lahat maging ang mga empleyadong sangkot sa krimeng ginawa ni Miranda, all of them are in jail now. Hindi sila iniwan ni Degan at Jace. Dinadalaw-dalaw din sila ng mga kaibigan, kung sino ang maluwag ang schedule dahil ang mga ito ang nag-aasikaso ng mga negosyo nilang naiwan.

Nakabalik na rin si daddy Arthur sa US two weeks ago. Tanggap na nya ang lahat, masama man pero ipinagpasalamat nya na namatay na ang asawa dahil wala na raw banta sa kanila lalo na sa anak. Humingi ito ng tawad kay Inigo dahil nagpapasok ito ng masamang tao sa buhay nila na muntik pa nitong ikamatay. Laking pasasalamat din nito sa lahat ng kaibigan ng anak dahil sa lahat ng tulong ng mga ito.

Natawa sya ng isa-isang nagdatingan ang mga kaibigan. Ang akala nya si Gray, Lucas, at Zach lang ang sundo nila, sila lang kasi ang nakita nya kanina. Kumpleto ang lahat maging si Sheena ay kasama at si Van. Yes si Van, ang kababata ni Inigo na FBI agent na tumulong sa kanila. Nagbakasyon ito ng pilipinas para na rin tulungan si Sheena tsaka naging close na rin ito sa mga kaibigan nila.

Napalingon sya kay Inigo na nasa tabi nya ng tumawa ito. Nakatingin ito sa kanya kaya nagkatawanan sila. Maging si Degan at Jace at nagtatawanan din, gayundin ang mga bodyguard nila.

"Mukhang na-miss nila tayo ah." natatawa pa ring komento ni Jace.

"Pustahan tayo, pasalubong ang unang itatanong ng mga yan. Tignan mo ang mga abnormal parang mga bata." sagot naman ni Degan.

Natawa lang lalo sila ni Inigo ng makitang nagtutulakan ang mga ito. Ang lalaking mga tao  pero dinaig pa ang mga bata.

"Na-miss ko ang Pilipinas babe." bulong ni Inigo habang nakaalalay sa kanya. Medyo may konti na syang baby bump.

"Ako hindi masyado kasi nung iniwan mo ako dito sobrang lungkot. Kahit hindi ako sanay sa US nandoon ka naman kaya ok lang ako. In short kahit saan ako basta kasama kita masaya pa rin." hinaplos nya ang pisngi nito.

"Ako rin naman sobrang lungkot, kung alam mo lang." nanlambot sya sa titig nito.

"Pero mas masaya pa rin dito sa Pilipinas kasi nandito sila, hehe." sabay turo sa mga kaibigan.

Napatutok ang tingin nya sa kapatid, na miss nya talaga ito. Hindi kadi ito nakadalaw ulit sa kanila dahil hindi maiwan si Janina pero tumatawag naman. Five months na ang tiyan ni Janina kaya malaki na ito.

Bumitaw sya sa asawa at nagmamadaling sinalubong ang kapatid. Mahigpit sya nitong niyakap.

"Na-miss kita sis!" tinapik-tapik nya ito sa likod.

"Ako rin kuya." Kumalas sya dito at si Janina naman ang niyakap.

"Laki na ng tiyan mo, na-miss kita Jan."

"Ako rin, puro mukha lang nila ang nakikita ko." natawa sya sa tinuran nito.

Pagkalas nya dito, agad syang dinaluhong ng mga kaibigan. Medyo naipit sya ng sabay-sabay sya nitong yakapin.

"Bitawan nyo ang mag-ina ko!" dumadagundong na boses ng asawa nya ang nagpakalas sa mga lalaki. Sabay-sabay ang mga itong nagtaas ng kamay kaya napabungisngis sya.

"Parang yakap lang, na-miss lang namin sya." naka-pout pa si Zach, kaya lalo syang natawa.

"Sus ang seloso mo, halika yakapin ka rin namin." nakangising baling ni Clint sa kanya.

Dangerous Series #1: INIGO (Completed)                Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon