Chapter 10

17.9K 523 4
                                    

Nagising si Gabby sa haplos sa kanyang pisngi kaya napangiti sya kahit nakapikit pa.

"Good afternoon babe, time to eat our lunch." nakiliti sya dahil sa may tenga nya ito nagsalita, ramdam nya ang init ng hininga nito.

Ang gwapong mukha ng asawa ang bumungad sa kanya ng dumilat sya kaya napatitig sya dito. Ang ganda talaga ng kulay gray-green eyes nito, may katamtamang tangos ng ilong na maganda ang korte na bumagay sa medyo pangahan na mukha, malambot din ang light brown nitong buhok. Pero ang pinakagusto nya sa lahat ay ang mapula nitong labi na medyo mapintog ang ibaba at manipis ang itaas.

"Why so gwapo, babe?" parang wala sa sariling tanong nya na ikinatawa nito.

"Para bagay sayo, pangit naman kung maganda ka tapos ako pangit." Nakangisi ito sa kanya. "Com'on let's eat, di ka pa ba nagugutom?"

"Gutom na kaya lang, tinatamad akong bumangon pinagod mo kasi ako eh." Nakanguso nyang inirapan ito.

Napatawa lang si Inigo bago dinampian ng halik ang naka-pout nyang nguso. "I'm sorry babe, kargahin na lang kita para di kana mahirapan, hhmmm."

"No, ibangon mo na lang ako. Banyo lang ako tapos sunod na lang ako sa kitchen." Aniya bago itinaas ang dalawang braso.

Sinunod naman sya ng asawa, binuhat sya nito at dinala sa banyo. " Ok, take your time I'll just wait for you in the kitchen." hinalikan sya sa pisngi bago tumalikod.

Habang inaayos ang sarili ay ramdam na ramdam nya ang pananakit ng katawan. Pero balewala lang sa kanya dahil masaya sya. Masaya sya sa piling ni Inigo, sobrang sweet nito lalo at maalaga.

Hindi na sya masyadong nagtagal sa banyo. Nagsuot lang sya ng short shorts at maluwang na t-shirt at lumabas na ng silid. Nadatnan nyang nasa harap na ng hapag si Inigo, ngumiti ito pagkakita sa kanya bago tumayo at pinag-urong sya ng upuan sa tabi nito.

Ipinaglagay sya nito ng pagkain sa plato. Pero nagtaka sya dahil isang pinggan lang ang nilagyan nito ng pagkain.

"Bakit isang pinggan lang hindi kaba kakain?" takang tanong nya.

"Kakain pero gusto ko share tayo sa isang pinggan, kaya susubuan na lang kita." kinuha na nito and kutsara at inumpisahan na syang subuan ng kanin at ulam. Pagkatapos syang subuan sumubo na rin ito gamit ang parehong kutsara.

She don't mind though, they've done more than that. Like kissing or making love, so why make it a big deal right? Besides, she likes it very much when he's being sweet  like now.

Pagkapos kumain sya na ang nagprisintang maghugas ng kanilang pinagkainan. Pinapunta na lang nya and asawa sa sala dahil mukhang balak pa nitong manood habang naghuhugas sya.

Pagkatapos maghugas nilapitan nya si Inigo na nakaupo sa carpet habang nakasandal sa sofa. May nakasalang na itong movie sa player pero hindi pa inuumpisahan mukhang hinihintay pa sya.

Pagkakita sa kanya ay sinenyasan sya nitong maupo sa pagitan ng mga hita nitong nakaunat sa lapag habang pini-play na nito ang movie. Pagkaupo nya ay ipinulupot agad nito ang mga braso sa beywang nya kaya napasandal sya sa dibdib nito.

"Anong movie yan?" tanong nya sa asawang nakapatong na sa balikat nya ang baba.

"Horror, ok lang ba sayo o gusto mong palitan?" sagot nito.

"Ok lang tatago na lang ako sayo pag natatakot ako." nakangiti nya itong nilingon tsaka hinalikan sa labi.

"Sure ka? Baka magkanerbiyos ka, palitan na lang natin." pilit nito habang hinahaplos ang buhok nya.

"Hindi na nga, tuloy na natin mag-uumpisa na eh." paninigurado nya .

"Ok, hahalikan na lang kita pag natatakot ka." anito na lang.

Dangerous Series #1: INIGO (Completed)                Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon