Chapter 30

16.6K 416 3
                                    

Simula ng dumating sila ng bansa halos isang buwan na ang nakakaraan naging sobrang abala ni Inigo. Hindi naman sya nag-iisip ng masama dahil magkasama naman sila sa opisina at sabay din silang umuuwi. Pero nagtataka na talaga sya dahil may pagkakataon na inaabot ito ng hatinggabi sa library nito sa bahay. Hindi naman paperwork's ang pinagkakaabalahan nito dahil hindi naman ito natatambakan.

Napapaisip sya pero ayaw naman nyang magtanong. Alam nyang wala itong itinatago sa kanya at may tiwala sya dito. Hihintayin na lang nya siguro na kusa itong magsabi sa kanya.

Kinabukasan sinundo sya ni Janina sa opisina after lunch, magpapaparlor daw sila dahil may pupuntahan silang get together. Pumayag naman si Inigo, kasama naman nila ang mga bodyguard minus Santos dahil busy ito sa nalalapit na kasal.

Halos mag-aalas kuwatro na ng hapon ng matapos sila. Pinagsuot pa sya nito ng isang asul na  napakagandang bestida. Tube ang itaas at flowy ang laylayan na abot hanggang sakong nya na tinernuhan ng kulay cream na sapatos na hindi masyadong mataas ang takong. Maganda ang lapat nito at hindi masyadong halata ang tatlong buwan nyang tiyan. Alam nyang hindi basta ang presyo ng damit dahil sa tela at yari nito.

Bumagay ito ng husto sa kanya at halos hindi nya makilala ang sarili. Mahusay ang nag-ayos sa kanya, simple lang pero elegante at nagustuhan nya.

Nakabihis na rin si Janina ng lumapit sa kanya. Bumagay dito ang pagbubuntis, tingin nya lalo itong gumanda at blooming din ito.

"Ang ganda mo best friend, bagay na bagay sayo." Puri nito sa kanya.

"Ikaw rin kaya, ang blooming mo." Nakangiti nyang pinagmasdan ito. Masaya sya na ito ang nakatuluyan ng kapatid.

"Let's go, kanina pa sila maghihintay." Hinila na sya nito sa kamay.

"Saan ba tayo pupunta?" takang tanong nya pero nagpatianod din dito ng pasakayin sya sa sasakyan.

"Basta surprise yun." Mukhang  hindi naman nito sasabihin kaya tumahimik na lang sya.

Huminto sila sa isang hotel, hinatid silang magkaibigan ng isang hotel employee sa garden ng hotel. Pinaupo sila ng babae sa garden set na nandoon bago ito umalis para ikuha sila ng snacks.

Nagulat sya ng biglang tumayo si Janina na parang nagmamadali at di mapakali.

"Sandali lang, dito ka muna cr lang ako." Mukhang naiihi na nga ito dahil hindi pa sya sumasagot naglakad na paalis.

"Samahan na kita." Akmang tatayo na sya ng lumingon ito at pigilan sya.

"Hindi na, dyan ka lang mabilis lang ako." Lalo nitong binilisan ang paglalakad.

Umayos na lang sya ng upo, hayaan na lang nya ang kaibigan nyang parang weird ang kinikilos ngayong araw.

"Hi wife!" Gulat syang napalingon, nasa likuran na pala nya ang nakangiti nyang asawa.

"Hugh babe! Nandito ka pala!" Bigla syang napatayo at napalapit dito.

"You look gorgeous babe!" puri nitong pinasadahan sya ng tingin. Kita ang paghanga sa mukha nito.

"Thanks babe! Ikaw din you're so handsome in that tux." hindi nya maalis ang tingin sa asawa. Sanay syang makita ang asawa sa mga business suit pero ibang level ang kagwapuhan nito ngayon.

Hinapit sya nito sa baywang at dinampian ng banayad na halik sa labi. Napahawak sya sa balikat nito. Agad din naman itong bumitaw sa halik.

"Anong ginagawa mo dito babe?" Tiningala nya ito.

"Ako nagpapunta sayo dito." Nagtaka sya sa boses nito na medyo may halong kaba.

"Why?"

"Why? Don't you want to be with me?"

Dangerous Series #1: INIGO (Completed)                Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon