Chapter 13

14.7K 431 6
                                    

"No!"

Dumadagundong ang boses ni Inigo sa loob ng restaurant. Mabilis itong lumapit sa kanya.

Lumuhod ito sa kinasadsaran nya. "Are you ok babe? May masakit ba sayo?" hindi nito malaman kung saan sya hahawakan. Namumutla na rin ito sa sobrang pag-aalala.

Pinakiramdaman nya ang sarili, ang balakang nya ang tumama sa sahig pero bakit ang puson nya ang bahagyang masakit kaya napahawak sya dito.

"Babe, masakit ang puson ko." nakangiwi nyang daing sa asawa.

"Come, I'll take you to the hospital." mabilis sya nitong binuhat at mabilis na naglakad palabas.

Huminto ito ng tumapat kay Cara na pigil-pigil na ng mga guwardya.

"Kapag may masamang nangyari sa asawa ko, mananagot ka." malumanay ngunit puno ng galit ang tinig nito.

"Sige na bro, ako na ang bahala dito. I'll call Jace para maasikaso ang isasampang kaso. Asikasuhin mo na lang si little sis." si Zack na naroon na pala.

"Thanks bro!" at mabilis ang kilos na inilabas sya ng asawa at dinala sa kotse.

Mabilis ang pagmamaneho ni Inigo, nakaigting ang kanyang mga panga dahil sa galit at pag-aalala.

"Malapit na tayo babe, please hold on!" gusto na nyang mapaiyak dahil sa mga daing nito.

"Lalong sumasakit babe!" iyak nito.

"Nandito na tayo baby, everything will be ok, alright?" mabilis sya nitong binuhat at mabilis na pinasok sa emergency room.

"Please asikasuhin nyo ang asawa ko, she's in pain." sigaw nito sa mga tauhan ng hospital.

"Ok sir gagawin namin ang trabaho namin at hindi namin sya pababayaan. Please calm yourself." ang babaeng doctor ang kumausap sa kanya.

Humugot sya ng malalim na hininga at sinubukang pakalmahin ang sarili. Kumakabog ang dibdib nya. Paano kung buntis ang asawa nya? baka kung mapaano sila ng baby.

Nakasandal sya sa dingding sa gilid ng kama na hinihigaan ni Gabby habang inaasikaso ito ng mga doctor at nurse. Nakakuyom ang kanyang mga kamao dahil sa kaba sa kalagayan ng asawa.

Pagkalipas ng ilang minuto ay lumapit muli sa kanya ang doctor. "Ok na sya sir, nakatulog na sya. Ililipat na sya ng kwarto at pakihintay na lang ang magiging resulta ng mga test na gagawin namin." paliwanag nito sa kanya.

"Are you sure ok lang sya?" paniniguro nya.

Ngumiti ang doktora. "Wala pong dapat na ipag-alala. Magiging ayos na sya."

Nakahinga ng maluwag si Inigo. "Thank you doc." bahagya syang ngumiti.

Tumango lang ang doktor at umalis na. Pinagmamasdan nya ang asawang payapa na ngayong natutulog. Hindi nya alam kung anong gagawin nya kung may masamang nangyari dito. Baka sa unang pagkakataon makapatay sya.

Nasa isang private room na si Gabby ng dumating sina Kion at Janina. Alalang-alala ang mga ito.

"What happened bro? Kumusta na sya?" seryosong tanong ni Kion.

"Hinihintay ko pa ang resulta ng mga test sa kanya but the doctor assured me that she's fine now." bumuntong-hininga sya. "Isang baliw na babae ang gumawa nyan sa kanya, pero inaasikaso na ni Zack at Jace. Magbabayad sya sa ginawa nya."

"Sinong babae?" kunot-noong tanong naman ni Janina, hinahaplos nito ang buhok ng kaibigan.

"Cara Montalban ang pangalan nya, nakilala nya raw ako sa ibang bansa at girlfriend ko daw sya. Pero kahit anong isip ko hindi ko talaga sya kilala. Nag-cr lang ako pero pagbalik ko nakita kong itinulak sya at napaupo sa sahig. Dumadaing na, masakit daw ang puson nya." mahaba nyang paliwanag habang hawak-hawak ang isang kamay ng asawa.

Dangerous Series #1: INIGO (Completed)                Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon